Chapter 28

9.1K 188 40
                                    

The next day....

Mika's POV

"Uhmmmm.." di ko napigilang mapaungol pag inat ko ng katawan ko.

Hay. Sarap naman nga tulog ko. Ngayon lang ulit ako nakatulog ng ganito kahaba. Pero nalungkot naman ako na pagkapa ko sa kama, wala na akong katabi. Nagkusot ako ng mata at tiningnan ang oras sa wrist watch ko na hindi ko pa pala nahuhubad. 12nn na. Ibig sabihin, nakaalis na sina Athena at Ara. Ano ba yan. Hindi man lang ako ginising.

Bumangon na ko at dumiretso sa CR ng kwarto namin ni Ara. Naghilamos lang muna ako at nagtoothbrush saka lumabas na ulit. Napansin kong nasa gilid pa rin ng kama ang bag ko na iniwan ko dito kahapon. Kinuha ko na yun at nilagay sa laundry bag ang mga damit na laman nito.

Naupo ako sa kama at nag-isip kung anong pwede kong gawin ngayon. Gusto ko lang talaga na ma settle na ang problema namin ni Ara. Naalala ko na naman kasi yung paghalik niya sakin kagabi, ang bilis lang, wala nga sigurong isang segundo yan. Nakakakilig kaya. At na mimiss ko ang mga simpleng gestures lang na yun. Salamat na lang talaga sa anak namin. Pero teka... saan ako magsisimula?

Hmmn... isip isip, Mika.

What if?

Tama! Yun na lang.

Inabot ko ang laptop ko at nagopen ng email ko. Nagsisimula na akong magtype nang marinig kong nagring ang phone ko.

"Sophie?" Okay. Hindi ko inexpect na makakatanggap ako ng tawag mula sa kanya.

"Ako nga to, Miks. Nasaan ka ngayon? Pwede ba kitang ayaing maglunch?"

"Nandito lang sa bahay." napapaisip ako bat naman niya ako aayaing mag lunch? Pwedeng pwede naman siyang mag lunch dun sa grill. "Bakit Soph? May problema ba?"

"Wala naman. Miss ka na kaya namin. Kasama ko si Gayle.."

"Sige. Magkita na lang tayo somewhere. Text me. Magaayos na ko."

Inend ko na ang call. Pinatay ko na lang muna ang laptop ko at dumiretso na sa banyo para maligo.

.

.

.

.

.

"Miks!" sabay na tumayo sina Sophie at Gayle. Isa isa silang bumeso at yumakap sakin.

"Hi." ewan ko bat ako na-aawkward. Dala lang siguro to ng pag overthink ko. Syempre girlfriend ni Cienne si Gayle, alam kong may alam din naman siya tungkol sa nangyayari samin. At nandun din naman siya sa bar nung gabing nag-away kami ni Ara.

"Kamusta ka na? Wala ka bang trabaho ngayon? Nagorder na kami ni Gayle para sayo." ngiting ngiti si Sophie. Parang sobrang relieved siya na nakapunta ako.

"Okay naman. Ngayon lang nakapagpahinga ulit." sagot ko.

"Bakit hindi ka na sumasama samin?" napatingin ako kay Gayle, hindi naman malisyoso ang pagkakasabi niya, may alam siya, pero ayaw niya lang talaga sigurong makialam.

"Busy lang sa work. 3 weeks akong out of town eh."

Maya maya pa ay dumating na ang mga pagkain namin. Tahimik lang kaming kumain. Gaya ko, mukhang gutom din ang dalawa.

After namin kumain ay lumipat kami sa kabilang shop lang para mag dessert.

Ako na ang pumila sa counter para sa kanila. Tumitingin ako sa mga cake nang biglang may kumalabit sakin.

Everyday... For the Rest of Our Lives (sequel of NBTT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon