Mika's POV
Hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung anong plano ni Ara, or what she has instore for us. Kinakabahan ako ng bongga and I can't help but fidget! I'm having cold sweat, and sa sobrang pagmamadali ko kanina ay hindi ako nakadala ng hanky! Tsk tsk.
"Love," punas niya sa pawis ko. "Nilalagnat ka ba?"
"Hindi. Okay lang ako.."
"You seem nervous.."
Paano ba namang hindi ako nerbyosin? Nandito lang naman kami sa isang law firm at lahat ng mata sa amin yata nakatingin. Sa pagkakaalam ko mga associates lang naman ang nandito sa floor na to pero kung maka-act ang mga tao para silang mga jugde!
"Okay lang ako. Ano ba kasi ang ginagawa natin dito?"
"You'll know..."
Arrggghh! Don't I deserve a better answer than 'You'll know'? Nakakainis... As in wala talaga akong idea kung bakit kami nandito eh. I don't know what Ara has been up to these past few months. Pero sabi niya hindi lang daw ang grill ang pinagkakaabalahan niya, and when I asked, she brought me here.
Naputol ang pagmumuni muni ko nang biglang may tumikhim. "Ehem.Ahm, excuse me, Ms. Galang?"
"Yes?"
"Atty Rodriguez wants to see you now."
"Okay." tipid na sagot ni Ara.
Tinulungan niya kong makatayo at hinawakan niya ang kamay ko. Sumakay kami ng elevator patungong 7th floor at pumasok sa unang office sa floor na ito.
"Well, good morning Ms. Galang! And Sophie! Parang tumangkad ka ata?"
Psshh. Napagkamalan na naman akong si Sophie...
"Ahmm. Good morning Atty. This is Mika..."
"Good morning po." bati ko kay Atty Rodriguez saka ako nakipagkamay sa kanya.
Nanlaki naman ang mata niya pero agad naman siyang nakabawi. "Oh. Please have a seat."
Naupo na kami ni Ara sa harap ng desk niya. Magkaharap din kami ni Ara.
"So ito pala si Mika, Ara? Nice to finally meet you..."
"Nice to meet you too Atty."
Diyos ko. Kilala pa ko ng abogadong to. Ano ba talagang meron? Ano ba yan Ara, bat ba feeling ko para akong tanga dito na wala man lang kaalam alam?
"So Ara, did Sophie tell you that the court already granted your legal asgfdjsdhksjfh...."
Ano daw?! Teka, bigla akong nagloading! Bigla akong nabingi. Tama! Nabingi! Ay hindi, sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko kaya ako nabibingi!
"All you have to is read the asddgjhsbslk and have Mika sign here asjhskdbnslfn..."
Parang nagka-vertigo yata ako! Bigla kasing bumaliktad ang mundo eh! Hindi ko pa masyadong naabsorb ang mga sinabi ni Atty. dahil bigla akong nahilo. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko pa nga na take in, nasusuka na ko!
"Mika..." hawak ni Ara sa kamay ko.
"Ha?" yun lang talaga ang lumabas mula sa bibig ko. I don't know what to say. Kanina lang andami kong tanong. Tapos ngayong nasagot na lahat parang di ko kayang lunukin.
Not that I'm taking this negatively pero, nakakabigla, nakakagulat, at parang wala na akong karapatang tumanggi. She all planned this by herself! Ni hindi niya man lang niya ako tinanong kung handa na ako!
BINABASA MO ANG
Everyday... For the Rest of Our Lives (sequel of NBTT)
Fanfic"I've always wondered why love has to be full of conflict and strife. Why can't love be simple? Why can't it be as pure as two people who realize that they can't live as well, or as happily, apart as they can together? Why do people decide to be jus...