Mika's POV
"Thank you, Sir. Will check this out later." sabi ko pagka-abot niya sakin ng manuals. Nagmamadali din daw siya kasi may meeting pa at self explanatory na din naman itong lahat. "Mauna na po ako.. Bye." saka ko lumabas na ng office niya.
Mabuti nga at mas maaga akong makakauwi. Nagpromise din ako kay Ara na sabay kaming magdidinner at ayoko namang madisappoint siya.
Tatawag na sana ako sa kanya para sabihing susunod na lang ako sa kanila kung nasaan man sila ni Athena pero naunahan niya kong tawagan.
Pagkalabas ko ng elevator saka ko sinagot ang tawag niya. "Vic.. Saan kayo?"
"Hello Ye? Nandito kami sa grill. Susunduin kita?"
"Uy grabe kayo!!" ang ingay naman nila.
"Sino yun?"
"Ha? Wala, wala. Sina Cienne lang. Ang kukulit. Nandito din sila. Dinner daw. Sunduin kita?"
"Wag na. Susunod na lang ako diyan. Magtaxi na lang ako."
"Sure ka? Pwede naman kitang sunduin eh.."
"Okay nga lang. Wag na mag insist. Don't worry, magtataxi ako. Hindi ako magpapahatid kung kani-kanino kung yun ang iniisip mo."
"Sorry.. Sige, hintayin na lang kita dito. Mag-ingat please. Love you."
"Love you. Bye."
Binaba ko na ang tawag at ipinasok na sa phone ko ang bag. Psshh. Di ko alam kung bakit ako na disappoint ng konti. Akala ko pa naman kaming tatlo lang nina Vic at Athena. Pero okay lang din naman sakin. Magiging busy na din naman ako simula next week kaya bonding na din muna kasama ang barkada.
Pagkababa ko ng building namin ay sumakay na ko sa naka-abang na taxi sa tapat at nagpahatid sa grill.
***********
Pagdating ko sa grill ay andami ng tao at busy lahat. Nakita ko si Sophie na pumasok sa kitchen kaya sinundan ko muna siya.
"O Mika." sabi niya pagkakita niya saking pumasok. "Kanina ka pa namin hinihintay. Nasa VIP sila sa taas."
"Hi! sige akyat na muna ko. Akala ko nandito si Ara eh."
"Nasa taas din. May kasama eh.. Magpapaluto lang ako."
Ha? May kasama? Sabi niya kanina sina Cienne lang? Di ko alam pero bigla akong kinabahan. Urgh. Ayoko ng ganitong feeling. Ayokong bumalik ang alaala na baka lokohin niya na naman ako. ang ironic nga lang kasi kaharap ko lang naman si Sophie. Tsk. Erase erase na nga lang.
"Ah. Sige. Una na ko sa taas, Soph."
Tumango lang siya at kinausap na ang chef.
Huminga muna ako ng malalim saka umakyat na. Nasa labas pa lang ako ng VIP room ay rinig ko na ang mga tawanan nila. May narinig akong boses na sobrang pamilyar sakin kaya di na ako nag atubili pang pumasok.
Pagpasok ko, unang una kong nakita si Ara, may katabi, at kinakandong pa ng babae si Athena sabay hampas kay Ara. Kilalang kilala ko ang babaeng to. Kilalang kilala.
"Mika!!!" sigaw ni Cienne.
Lahat sila napalingon sakin.
"Ye.." si Ara habang ngiting ngiti sakin. "Lika!" kaway niya sakin.
"Mommy!" umalis si Athena sa pagkakandong sa kanya at tumakbo papunta sakin at yumakap.
"Hi baby.." saka ko siya hinalikan at inakay papalapit sa kanila.
BINABASA MO ANG
Everyday... For the Rest of Our Lives (sequel of NBTT)
Fanfikce"I've always wondered why love has to be full of conflict and strife. Why can't love be simple? Why can't it be as pure as two people who realize that they can't live as well, or as happily, apart as they can together? Why do people decide to be jus...