Ara's POV
.
.
.
"What?!.... Sana sinabi niyo agad!.... Wag kayong ganyan because we paid you more than what you asked for!..... No!.... The wedding will be in 3 days!.... Nastrestress ako sa inyo!..... Fine!.... Siguraduhin niyo lang!....." si Mika yan. Ang lakas lakas ng boses, napapatingin na sa kanya ang ibang customers dito sa grill. Pagsasabihan ko sana pero kilala ko si Mika, pag ito pinagsabihan ko, ako pa ang mapagbubuntunan nito ng galit.
"Mommy Ara? Why is Mommy Ye mad?" nagtatakang tanong ni Athena sakin. Nakaupo lang siya dito sa tabi ko. Hinihintay namin si Mika dahil magdidinner kaming tatlo sa labas bago pumunta sa airport.
"Baka kasi may mga delays lang sa mga transactions niya baby, mag play ka na lang dyan sa iPad mo. Never mind, Mommy Ye." sagot sa kanya at pinahawakan sa kanya ang iPad niya.
"Hay.." nilapag ni Mika sa mesa ang phone niya at umupo. "Nakaka stress talaga."
"Alam mo, Ye, pwedeng pwede naman kayong kumuha ng organizer dapat. Sino ba ang nagsabi sayong i-stress mo ang sarili mo dyan?" sabi ko nung humarap na siya sakin.
"Vic, nasimulan ko na. Pumayag na ko, okay? At sa pagkakaalala ko, pumayag ka din. Hinayaan mo kong gawin to. Remember? O baka gusto mong ipaalala ko pa sayo?" mataray niyang sabi at inirapan pa ko. Hands up na lang ako. Ayoko ng makipagsagutan sa kanya. Tama naman kasi siya. Pumayag ako. Hinayaan ko siyang gawin to.
"Mommy Ye, Mommy Ara, why are you fighting?" Shit. Nandito pala si Athena.
Tiningnan ko si Mika ng masama bago kinuha ang iPad ng bata na inaabot niya sakin. "We're not fighting, baby."
"Yes baby. Hindi kami nag-aaway yang si Mommy Ara mo. Pinapaalala ko lang sa kanya ang bagay na napagusapan at napagkasunduan na namin." ang taray pa din! Tsk. Tumayo na siya at binuhat si Athena. "Saan mo gustong magdinner, nak?" saka sila nauna ng lumabas ni Athena.
Napailing na lang ako. Kinuha ko na ang bag ni Athena at sinukbit yun. Nagpaalam na ko sa crew na sila na ang bahala at ipasabi na lang kay Sophie na nauna na kong umalis dahil may pupuntahan pa kami ni Mika.
Napagpasyahan namin ni Mika na sa KFC na lang kami dumiretso malapit sa airport para kahit matagalan pa kami ay hindi na kami ma traffic.
Pagdating namin ay hinayaan ko na si Mika na mag-order at naghanap na lang kami ng mauupuan ni Athena.
"Baby, wala ka bang homework for tomorrow?" tanong ko pagkaupo namin. "Baka kasi gabihin tayo ng uwi later."
"I already finished answering my homework, Mommy Ara. Kanina pa po nung nasa grill tayo," sagot niya habang nakangiti lang sakin. Hay ang anak kong to. Nakakatanggal pagod talaga ang mga ngiti niya. Kampante lang talaga ako ngayon kasi nangako naman si Mika na kahit anong mangyari, magkakaoras pa rin siya sa bata.
Naghintay lang kami ni Athena hanggang sa bumalik na si Mika na dala dala ang isang tray ng mga inorder niya for us, naka sunod din sa likod niya ang isa pang waiter na bitbit din ang isang tray pa ng mga pagkain pati drinks namin.
"Mommy Ye, is this cookies and cream?" hawak ni Athena ang Krusher niya, favorite kasi niya ito.
"Ahm, sorry baby. Sold out na kasi ang cookies and cream. Rocky road yan. Okay lang ba?"
"Uhmm," mukhang disappointed ang bata pero wala naman na siyang magagawa. "It's okay, Mommy Ye. Sagot nito saka nilahad ang kamay niya sa harap ko, "Mommy Ara, my hanky please.."
Urgh, pano ba to? Naiwan pala sa kotse ang bag niya, eh nandun sa loob nun ang panyo niya. "Baby, wait lang. Kunin ko muna sa kotse ang hanky mo. Naiwan pala natin dun eh."
Akmang tatayo na sana akopero pinigilan ako ni Mika. "Wag na Vic" saka niya kinuha ang panyo niya sa sarili niyang bag. "You can use my hanky na lang muna," inabot niya kay Athena ang panyo niya.
"Okay," tinanggap naman ni Athena yun at inayos sa harap ng uniform niya. Gawain niya na to tuwing kumakain kami. Ayaw na ayaw kasing madumihan ang suot niya.
Nagsimula na kaming kumain. Hindi ko na muna kinausap si Mika. Baka kasi mainit pa ang ulo. Alam kong magiging okay na to mamaya, bigyan lang ng konting oras para lumamig ang ulo.
After namin kumain ay dumiretso na kami sa airport. We're 1 hour early kaya kailangan pa namin maghintay. Naupo na lang kami sa labas ng arrival area. Si Athena naman siguro inaantok na, nagpakandong sakin paharap para makayakap sakin at sinubsob ang mukha niya sa dibdib ko para makatulog.
Ilang minuto na ang nagdaan pero hindi pa rin kami nagkakausap ni Mika. Pagtingin ko sa kanya ay nakatulala lang siya sa kawalan. Parang nag iisip. Parang may naalala.
"Vic?" nagulat ako sa bigla niyang pagsalita. Pero nakatulala pa rin ito bago tumingin sakin at nginitian ako. Kung sana oras oras, minu minuto masisilayan ko ang mga ngiting ito. Di ako magsasawa.
"Hmmn?"
"Ganito ka din ba ka hands on nung ginawa mo ang kasal natin sa New York?" ang random naman masyado ng tanong niya.
Pero bigla kong naalala yung paghanda ko nun. Sobrang hirap. Lalo na't hindi niya alam. Nagsimula yun nung sinabihan ko sina Clyde na i-contact siya. Na pilitin siyang pumunta sa US. Gusto ko mang gawing legal ang kasal naming yun ay hindi ko naman nagawa. Sobrang konti lang kasi yung oras ko sa paghanda. Hay. Nakakaiinggit nga lang yung pagprepare nila ni Jeron ngayon. Di ko maiwasang maging bitter.
"Tinulungan ako nina Clyde at Ria. Sina Cienne, hindi nila alam. Until the time na dumating ang visa nila."
"Ahh." tumango lang siya at ngumiti sakin. Sinandal niya na rin ang ulo niya sa balikat ko. "Magkwento ka pa."
"Ano pa ba ang ikukwento ko na hindi mo pa alam? Nasabi ko na kaya lahat sayo." sinandal ko na rin ang ulo ko sa ulo niya. Nakakamiss din kasi yung ganito kami eh.
"Eh nakakakilig kaya pakinggan. Naalala ko pa, nung araw na yun sobrang saya ko nun," hindi ko man nakikita, pero ramdam kong totoo ang sinasabi niya, na nakangiti siya habang inaalala ang araw na yun. "Yun nga lang hindi yun legal,"
Napapikit ako sa huling sinabi niya. Parang pinapamukha sakin na hindi ko talaga siya kayang bigyan ng pamilya. Hay. "Sorry.." yun na lang ang nasabi ko.
Inangat niya ang ulo niya at kunot noong tinitigan ako sa mga mata. "Bakit ka nagsosorry? Wala akong pinagsisihan, okay?"
Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Nagsosorry ako sayo kasi hindi ko kayang ibigay yung kasal na kayang ibigay ni Jeron," nag-init ang sulok ng mga mata ko nung sinabi ko yun. Ayokong sabihin pero yun naman kasi ang totoo. Kaya nga to ginagawa ni Mika ngayon diba? Kahit ayaw niya pang sabihin sakin, alam kong kaya siya pumayag kasi frustrated siya sakin, kasi hindi ko siya nabigyan ng kasal na gusto niya, kaya hinayaan ko na siya. Okay lang sakin. Kahit araw araw pinapamukha sakin na hindi ko magagawa ang bagay na to para sa kanya.
"Vic... Hi--"
Di na niya natapos ang sasabihin niya kasi sabay na kaming lumingon sa taong tumapik samin sa balikat.
"Riiiiii!" tumayo na si Mika at umikot para mayakap si Riri.
Dahan dahan lang din akong tumayo, baka kasi magising ang bata.
"Nandito ka na!" masiglang sabi ni Mika habang nakakawit ang kamay sa braso nito.
"Hi Ara!" bati din ni Ria sakin.
Tumango lang ako at kumindat sa kanya at ngumuso na hindi ako pwede magingay kasi nga natutulog si Athena.
"Buti talaga at nakauwi ka." rinig kong sabi ni Mika kay Ria habang naglalakad kami.
"Oo naman." sagot nito. "Pwede ko bang ma-miss ang wedding of the century?"
.
.
.
.
--------------------
Sa mga nagsasabi na hindi nila maintindihan, don't worry guys, dalawang chapters pa. :) magegets niyo rin. :)
Sorry sa typos. Hindi ko kasi inedit. :)
BINABASA MO ANG
Everyday... For the Rest of Our Lives (sequel of NBTT)
Fanfiction"I've always wondered why love has to be full of conflict and strife. Why can't love be simple? Why can't it be as pure as two people who realize that they can't live as well, or as happily, apart as they can together? Why do people decide to be jus...