Past

3.1K 69 2
                                    

Naiinis na pinagpapadyak ko ang paa ko dahil sa ayaw akong payagan ni daddy na pumunta sa birthday ng loveydoves ko.

"pero daddy naman kailangan nandun ako!"maktol ko.

"Katrina alin ba sa hindi pwede ang hindi mo naiintindihan?puro business ang pag uusapan namin doon at siguradong magpapasaway ka nanaman pag sinama kita dun.."napanguso ako sa sinabi niya.

"pero I promise daddy I behave just please let me go with you.."nag puppy eyes pa ako sa kanya,narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"fine..pero sa tabi lang kita lagi ok?"bilin niya.

"yes daddy!"masayang niyakap ko siya.

Talagang nagpaganda ako para mapansin ako ni Kurt Hedrei Castillo ang aking ultimate loveydovey!

Nang makarating kami ay agad na gumala ang mga mata ko upang hanapin ang mahal ko.Napangiti ako ng makita ko siya na nakikipag usap sa parents niya.

"Kurt!"sigaw ko na nagpalingon sa kanya at sa mga kausap niya sa akin.

Agad naman siyang lumapit at dinala niya ako sa likod ng bahay nila.Tignan mo to gusto agad akong masolo.

"why are you here Kat?"hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha niya dahil sa dilim ng kinaroroonan namin.

"hindi ka ba masaya na nandito ako?"napayuko ako at nilaro ang mga daliri ko.

"of course I am..pero puro matatanda ang bisita ko diba kahapon pa ako nagcelebrate ng para sa mga kaklase ko at nandun ka din.."paliwanag niya.

"pero kasi gusto ko na nandito ako sa tabi mo lagi kahit sa anong okasyon.."nakayukong sagot ko.

"Kat..yan ka nanaman.."he looked pissed.

"Kurt diba alam mo naman na mahal kita sinabi ko pa nga kay daddy na gusto ko tayo ang ikasal pagtanda natin!"maktol ko sa kanya.

"Kat..you're just 16 and I'm 21 can you please get over with it.."he said.

"how?diba sabi mo na hihintayin mo ako?"yeah he promised me that nung halikan niya ako sa puno ng manggahan sa likod ng bahay namin at inukit pa namin ang KloveK na simbolo ng pangako niya na yun.

"I'm sorry Kat.."nag iwas siya ng mukha at iniwan na akong mag isa dun sa dilim pero hindi ako sumuko at sinundan ko siya.

Natagpuan ko siya sa stage kinakamayan ng kanyang ama at alam ko na proud sa kanya sila tito dahil nagtapos siya ng may mataas na marka at cumlaude sa accounting..napangiti ako dun he's a good catch at hanggang ngayon ay kinikilig parin ako sa paghalik niya sa akin nung araw na nagtapos siya.

"Bago magsimula ang pagsasaya niyo gusto kong ipaalam sa inyong lahat na ang unico ko ay may napupusuan na come here iha.."napangiti ako dahil alam na alam talaga nila tito na mahal ko si Kurt aakyat na sana ako pero agad nabura ang ngiti sa mukha ko at napahinto ako ng may isang magandang babae ang umakyat at hinalikan sa pisngi si Kurt, kitang kita ko din ang nakangiti niyang mukha habang binubulungan ang babae.

Napaatras ako at kahit nanlalabo ang aking paningin dahil sa luha ay malinaw parin kung paano ako tinignan ni Kurt ng may awa sa mukha.

Pati sila tito ay napatingin sa akin at nanlaki ang mata nila ng makita nila ako dun.

"Katrina dear.."pagkarinig ko sa boses na yun ni tita Andrea ang ina ng lalaking mahal ko ay tuluyan ng pumatak ang kanina pang nagbabadyang luha mula sa mata ko.

BETWEEN FOREVER AND HIM[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon