FEELING ALONE

922 28 0
                                    

Nagkakagulo sila sa sala dahil sa laro nilang spin the bottle.

"try mo kaya masaya!"yaya pa nila sa akin pero tinanggihan ko yun at nilapitan si Peter na nanunuod din sa tatlo.

"nasaan si Kurt?"tanong ko sa kanya.

"hindi niya ba sinabi sayo?"balik tanong niya.

"ang alin?"gulong tanong ko.

"sinundo niya sa bayan si Carmela nagpapasundo daw.."napataas ang kilay ko sa narinig.

That girl again.

"ang alam ko ay uuwi din naman kami mamaya?"nagtatakang sabi ko.

"oo nga daw pero mapilit si Mela kaya kung hapunin daw siya ay ako nalang daw ang maghatid sayo."napataas ang kilay ko sa narinig.

"serioulsy?!"

Tumawa lang siya at tumango pero wala na akong iba pang narinig pa mula sa kanya.Nakakatamad naman dito..kinuha ko ang gitara na nakita ko sa sala at tinono yun.

"You can play?"parang hindi makapaniwala si Peter ng tumango ako.

"wow!sige nga.."hamon niya kaya pinagbigyan ko siya.

My tears run down like razor blades and no I'm not the one to blame it's you or is it me..

"hey! secondhand!fan ka ba niyan?"natawa ako sa gulat niyang mukha.

"hindi..may kakilala lang kasi ako na mahilig magrequest sa akin na tugtugin ang songs nila kaya ayun.."paliwanag ko.

"kakaiba ka talaga.."wika niya na puno ng paghanga.

Marami pa kaming pinag usapan tungkol sa banda hanggang sa maghapon na.

"I think ako na ang maghahatid sayo.."natahimik ako.

"siguro naman ay may valid reason si Kurt.."pagpapalubag niya pa ng loob ko.

Hinatid niya nga ako pero ng makatapak kami ng maynila ay nagpababa nalang ako sa waiting shed malapit kila Drew.

"are you sure ok kana dito?"gabi na at 3 oras din ang biyahe namin kaya alam ko na pagod na din siya lalo pa at babalik pa siya sa batangas.

"oo..salamat.."sinara ko na ang pinto ng kotse at tumayo sa waiting shed..pinagmasdan ko lang siya hanggang sa makalayo na siya.

"iha.."gulat na mukha nila tita ang nagbukas ng pinto ng kumatok ako.

"wala si Drew--"

"ah..tita yung sasakyan ko po sana ang pakay ko po talaga.."putol ko sa sasabihin niya.

"ah ganoon ba..pasensya kana iha si Drew kasi ay dinala ang porsche niya kaya yung porsche mo ang hiniram ko.."nakangiting paumanhin niya.

Dala niya ang porsche?kanino nanaman kaya yun magpapapogi..

"ok lang po tita..sige po uwi na po ako medyo pagod din po ako sa byahe.."paalam ko.

"nabanggit nga ni Wil na nagbatangas daw kayo ni Kurt.."nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

Alam ko naman kasi na ang gusto niya ay kami ni Drew..napangiti ako sa isiping yun.

"mag ingat ka sa pagmamaneho.."bilin niya ng makalabas ako at makasakay sa sasakyan ko.

"opo.."kumaway ako sa kanya bago ako lumabas ng gate nila at pinasibat ang sasakyan ko.

Pagdating ko sa bahay ay naupo agad ako sa upuan sa sala.Nakita ako ni dad ng pababa na siya ng hagdan.

"oh iha..nandyan ka na pala nasaan si Kurt umalis na ba?"nag iwas ako ng tingin sa kanya bago tumango.

"sayang nagpahanda pa naman ako ng madaming pagkain dahil alam ko na pagod kayo sa biyahe..anyway magbihis ka na at sumabay sa akin na maghapunan.."alok niya.

BETWEEN FOREVER AND HIM[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon