SORT OUT FEELING

797 31 2
                                    

Tahimik lang kami pareho habang sakay ng kabayo niya.Nakaupo ako sa harapan at nakapaikot naman sa akin ang braso niya.

Ramdam ko ang mabilis na pintig ng puso niya sa likod ko kaya napakagat ako ng labi.

"nandito na tayo.."tumango lang ako sa sinabi niya at bumaba na sa kabayo,

"ano bang pumasok sa isip mo ire?"napangiti ako sa nag aalalang mukha ni manang.

"mamaya nyo na siya tanungin manang..hayaan na muna natin siyang magbihis para makakain na.."Drew said.

"ay oo nga!sige umakyat kana.."natawa ko sa pagtataboy ni manang kaya umakyat na muna ako sa kwarto ko.

Pagpasok ko sa loob ng silid ko ay napahawak ako sa mabilis na tibok ng dibdib ko.Napaupo ako sa gilid ng kama at marahang kinapa ang labi ko at hindi ko na namalayan na tumaas ang sulok ng labi ko para sa isang ngiti.

Tumayo ako at tumingin sa salamin.Napakagat ako sa labi ko ng makitang namumula yun siguro ay dahil sa nangyaring halikan sa batis.

"pero bakit nya ako hinalikan?at bakit ko naman nagustuhan?"napahawak ako sa magkabilang pisngi ko bago walang sound na tumili.

"anong nangyayari?!"kinikilig na umiling ako bago dumiretso na sa banyo.

Naligo muna ako bago bumaba.Nabura ang ngiti ko ng makita ko si Selena.

"bat kapa bumalik?"tanong niya.

"Selena.."pag awat ni Drew sa nais pa sanang idugtong ng girlfriend niya.

Napahawak ako sa dibdib ko sa isiping kaharap ko ang talagang girlfriend ni Drew.Bakit may kirot sa dibdib ko?bakit ang pait sa bibig na sabihing siya ang girlfriend.

Am I falling?

No it cant be.Hindi pa ako nakakamove on kay Kurt kaya paanong magkakagusto ako kay Drew?

Pasimpleng sinulyapan ko si Drew na tahimik na ngumunguya ng pagkain.

"help yourself and eat.."utos niya kaya naupo nalang ako at nag umpisa ng kumain.

"Drew babe..aalis muna ako pero babalik din ako sa makalawa may photo shoot kasi akong nakaline up.."napairap ako kay Selena.

Sana hindi kana bumalik.

"ok..ipapasundo kita sa chopper ngayon.."nakita ko ang paglawak ng ngiti ni Selena.

"you're sweet talaga thanks!"hahalikan niya sana si Drew sa lips pero nakita ko ang pag iwas ni Drew at ang pagtingin niya sa gawi ko kaya naman nag iwas na ako ng tingin at kunwari ay hindi ako nakikinig sa kanilang dalawa.

Pinanuod ko mula sa bintana ang pag alis ng chopper sakay si Selena.Nakita ko rin ang pag alis ng sasakyan ni Drew.

Ako nanamang mag isa dito?

Napangiti ako sa naisip at kinuha kong muli si black stallion.

"oh Katrina!"nahihiyang ngumiti ako kay Aly ng magbukas siya ng pinto.

"ahm..pwede bang makibond sa inyo?"tanong ko.

"sure!"masayang pinapasok niya ako at nakita ko si Trish at Jayson pero ang ibang lalaki ay hindi ko kilala.

"guys..siya si Katrina taga kabilang dulo.."ngumiti silang lahat sa akin except kay Trish.

"bitch..wag mong sabihing isasama mo din siya sa pagiging third wheel namin sa inyo ni Jayson?"natawa ako sa sinabi niya.

"bakit ba edi jowain mo na tong si Larry para di ka nagrereklamo dyan.."umakbay si Jayson kay Aly.

"tama na nga yan at baka mabuang sa inyo tong si Katrina.."nagtawanan silang lahat kaya pati ako ay hindi nahirapang makisama sa kanila.

BETWEEN FOREVER AND HIM[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon