Confusing

773 30 1
                                    

Hindi ko alam kung bakit nandito ako ngayon sa bahay ni Drew kung saan nya ako dinala noon.Ang naaalala ko lang ay pagkatapos ko umiyak ng umiyak ay nakatulog ako sa sofa ng bahay nila tita Alice.

Bakit hindi man lang ako binalikan ni Kurt?

Talaga bang naniniwala sya na may pag asa pa kami ni Drew?pero paano naman sya?Ayaw nya bang sumaya?bakit tinutulak nya ako pabalik sa lalaking gusto ko ng kalimutan?

"look who's here.."napaangat ang tigin ko sa babaeng pababa ng hagdan.

Hindi na ako magtataka kung bakit nandito sya.

"hindi ko alam kung anong drama ang ginawa mo kagabi sa party ng mama at dinala ka ni Drew sa bahay namin.."napataas ang kilay ko sa sinabi nya.

Wow..namin talaga?so bahay nila to?

Nakaramdam ako ng sakit sa narinig mula sa kanya.This house was full of memories of Drew and me.

"believe me..kahit ako ay nagtataka kung bakit ako nandito.."pairap na sagot ko sa kanya.

"how dare you talk to me like that gayong nandito ka sa poder ko!"gusto ko na talagang matawa sa mga words nya feeling nya kasi kanya talaga ang mga bagay na nasa paligid nya.

"at bakit hindi?akala mo ba gusto ko na nandito ako at kaharap ka ngayon?"umiling ako sa kanya na parang awang awa ako sa kanya.

Nanlisik ang mga mata nya at lumapit na sya sa akin ng tuluyan.Hinila nya ang isang kamay ko kaya napangiwi ako sa sakit.

"bakit nandito kapa!may anak na kami ni Drew kaya wala ka ng karapatan na landiin ng magiging asawa ko!kahit kailan talaga makati ka pagkatapos mo kay Kurt ay babalik ka kay Drew!"umigting ang panga ko sa mga sinabi niya.

"bitiwan mo nga ako!"piksi ko sa kanya.

"una!hindi ko alam kung anong tumatakbo dyan sa utak ng mapapangasawa mo!masaya na ako!masaya na sana kami ni Kurt pero ng kausapin sya ni Drew iniwan nya ako!"naiiyak na sigaw ko sa kanya.

"tama lang yun dahil siguro sawa na sya sa mga kalandian mo!"nagpipigil na pumikit ako para hindi ko masaktan ang babaeng nasa harap ko ngayon.

"bakit ba ako ang sinisisi mo!bakit di mo tanungin yang mapapangasawa mo at pakisabi narin sa kanya na tigilan na nya ang pangingialam sa buhay ko!"nagulat ako ng bigla nya akong sabunutan at hinatak paakyat ng hagdan.

"tignan mo kung bakit ako ang pinili ni Drew!para hindi ka na mag iisip na gusto kapa nya wag kang mangarap!tignan mo ang anak ko na kamukhang kamuha ni Drew!"sa narinig ko ay nanlaban ako.

"ano ba!bitiwan mo nga ako!"angal ko pero gigil na sinampal nya ako at hinarap.

"wala ka nang puwang sa buhay namin lalo na ng asawa ko!at kung tinutulungan ka man niya dahil lang yun sa naaawa sya sayo!"nanlamig ako ng tinulak nya ako at naramdaman ko ang pagkalaglag ko sa hagdan.

Marmol ang sahig nila kaya ng bumagsak ako ay naramdaman ko ang pagkahilo ko at panlalabo ng panigin ko.Nakita ko pa syang nakangisi sa akin bago sya umakyat at pumasok sa isang kwarto.

Damn woman!kinapa ko ang masakit na gilid ng ulo ko nanghina ako sa nakita kong dugo.

"Kurt.."naiiyak na sambit ko.

Kung nakinig ka lang sana sa akin..kung hinayaan mo lang sana na maging masaya ka at tulungan akong makamove on hindi ako aabot sa ganitong sitwasyon.

Tuluyan ng pumatak ang mga luha ko kasabay ng unti unti kong pagpikit ang pagkawala ng malay ko.

Nagising ako sa isang kwarto ramdam ko ang malakas na ihip ng hangin at mukhang may ulan na paparating.Nilibot ko ang paningin ko kung nasaan ako.Kung hindi ako nagkakamali ito ang kwartong ginamit ko noon ng tumira ako sandali dito.

BETWEEN FOREVER AND HIM[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon