FURIOUS

750 26 0
                                    

Hindi ko maintidihan ang sarili ko habang hawak ni Kurt ang kamay ko ay para akong kinukuryente at alam ko na kahit pa hindi ako tumingin sa salamin ay namumula ako.

Bakit naman kasi hindi kung halos lahat na ng mata sa mall ay sa amin nakatingin at halatang kinikilig pa ang mga sales lady sa kanya.

"san mo gustong kumain?"

Natauhan ako ng lingunin ako ni Kurt at tanungin.

"ahm..kahit saan.."ngumisi ako sa kanya at kinurot naman nya ang pisngi ko.

"you're cute.."namula nanaman ako sa sinabi nya habang tinatahak namin ang daan papuntang resto ay nahagip ng mata ko si Drew.

"bakit?"nagtatakang tinignan ako ni Kurt at tinignan din ang tinitignan ko pero wala na doon si Drew baka nga guniguni ko lang.

"wala..parang may kakilala lang akong nakita pero kamukha lang pala.."pagpapalusot ko na pinaniwalaan naman niya.

Napalunok ako ng makita ko si Drew na nakaupo sa isang fastfood at nakatingin sa akin at sa kamay namin ni Kurt na magkahawak.

Dama ko mula sa mga titig nya ang galit kaya para akong hindi mapakali at bumitaw ako sa pagkakahawak sa akin ni Kurt.

"somethings wrong?"he asked pero umiling lang ako at pilit na ngumiti sa kanya.

"hindi pa naman ako gutom parang mas gusto ko na ipagluto ka nalang sa bahay.."nakita ko ang paglawak ng ngiti nya sa sinabi ko.

"really?"nanunudyong pinagmasdan niya ako kaya umirap ako sa kanya.

"kung ayaw mo edi wag.."kunwari ay galit na sabi ko.

"di ka naman mabiro..o sya tara na.."pumunta na kami sa parking lot at sumakay na sa sasakyan nya.

Habang daan ay di maalis sa isipan ko si Drew at kung bakit nandun sya sa mall k,ung saan kami si Kurt.Palihim na pinagmasdan ko si Kurt habang nagmamaneho sya.

"dont look at me at baka mabangga tayo.."natawa ako sa sinabi niya.

"at bakit naman tayo mababangga hindi naman ako yung nagdadrive.."irap ko sa kanya.

"nadidistract ako at isa pa nakakailang na pinagmamasdan mo ako parang gusto ko tuloy malaman kung anong iniisip mo habang tinitignan mo ako.."nabura ang ngiti ko sa sinabi nya.

Nakangiti parin sya habang nagmamamneho pero ako hindi ko na magawang ngumiti pa dahil nakukunsesya ako.Kung alam mo lang kung anong nasa isipan ko sigurado akong hindi kana makakangiti ng ganyan.

I sighed on my thought.

Pagdatiing namin sa bahay ay nagluto ako at kumain kami panay ang puri nya sa luto ko pero panay lang ang irap ko sa kanya.Maaga kaming nagpahinga dahil daw para hindi kami parehong haggard at puyat sa birthday party ng mama nya.                                                                                                         

Dumating ang araw ng kaarawan ni tita at halos magmadali na ako sa pag aayos dahil late na kami.

"Kat..are you ready?"katok ni Kurt sa pinto ko.

"not yet wait malapit na!"sigaw ko.

Pinagmasdan ko ang itsura ko sa salamin bago ako huminga ng malalim at lumabas ng kwarto.Nakita ko ang pagkatigil ni Kurt habang nakasandal sa pader sa tapat ng kwarto ko.

"you're stunning.."he commented.

"I know.."mataray na sagot ko na ikinatawa namin pareho.

"shall we?"inalok nya ang braso nya sa akin.

BETWEEN FOREVER AND HIM[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon