"para sayo to Kurt.."nakangiting inabot ko sa kanya ang regalo ko dahil graduation niya.
Hinatak ko siya sa puno ng mangga dito sa likod ng bahay namin.
"I can't accept this.."tanggi niya ng makita ang rolex na binili ko.
"p-pero bakit?ayaw mo ba?"nalulungkot na tanong ko sa kanya.
"syempre hindi..alam mo Kat hindi mo kailangan magbigay sa akin niyan..the best gift that you can give to me is this.."nagulat ako ng hawakan niya ang baba ko at marahang kinintilan niya ng halik ang nakauwang kong labi.
Nakangiti siya sa akin ng lumayo na siya at marahang pinisil niya ang pisngi ko.
"you're cute when you blush like that.."napayuko ako sa tinuran niya.Oh my god!kinikilig ako!
"hihintayin kita Kat..hihintayin ko na tumapak ka sa tamang edad at pagnangyari na yun I want to hear again from you the feelings you have for me.."nakangiting wika niya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"princess wake up we're here.."napamulat ako at nalungkot dahil napanaginipan ko nanaman siya at ang pangako niya.
"welcome back to Philippines.."bulong niya sa akin.
After six years nandito na ako ulit..napangiti ako sa isiping yun..daddy nandito na po ako.
Nag aral ako sa Amerika tulad ng alok sa akin ni Drew ay sumama ako sa kanya..nag trabaho din ako para matrain ako bago bumalik dito sa Pilipinas dahil kasabay ng pagbabalik ko ay ang paghawak ko ng negosyo ni daddy.
Pagbaba namin ng airplane ay naramdaman ko ang mainit na klima unlike sa Amerika na malamig dito ay puro polusyon at usok pero ito ang namiss ko ito ang hinahanap hanap ko.
"princess..let's go?"ngumiti ako kay Drew at sumakay sa naghihintay na sasakyan sa amin.
"nasaan ang porsche mo?"nakataas ang kilay na baling ko sa kanya ng makasakay kami.
"hindi na ba ako gwapo sa paningin mo dahil itong everest ang gamit natin?"nanunuyang tanong niya na inirapan ko lang I heard him chuckled.
"you've changed a lot.."wika niya.
"now you can say that matapos mo akong iwan sa Amerika para maglamyerda kayo ng babae mo.."mataray na wika ko sa kanya.
Pagkagraduate ko kasi ng College sa Amerika ay agad akong naghanap ng trabaho dahil kay Drew ako nakikitira ay gusto kong makatulong sa gastos pero tumanggi siya at sinabing aalis din naman siya para sundan ang model na kinahuhumalingan niya.
"2 years lang kitang di nakasama ganyan na ang pinagbago mo.."wika niya habang nakatingin sa daan.
"oo at magpapakita ka lang sa akin para sabihin na kailangan ko ng umuwi at ihandle ang negosyo ni daddy hmp!"natawa siya sa tinuran ko.
"oh well..namiss ko ang pag iinarte mo.."kumindat siya sa akin na siyang ikinailing ko.
Tumatawa siya ng bigla siyang magseryoso na siyang ikinalingon ko sa kanya.
"what's with the face?'tanong ko.
"are you ready?"he asked.
"sa trabaho na naghihintay?oo naman ako pa ba ang--"
"that's not what I mean.."natahimik ako sa sinabi niya.
Alam ko kung ano ang tinutukoy niya..kahit ang sarili ko ay tinatanong ko din nun..pero kung nakaya ko noon na wala siya makakaya ko din yun ngayon.
"you know where to find me when everything get's handy.."tumango ako sa sinabi niya.
Drew was my savior back then..he taught me to stand on my own na hindi umaasa sa daddy ko at nandun siya at nakaalalay.He made me smile pagnahahalata niya na nalulungkot ako.Madalas kami sa park kapag alam niyang namimiss ko ang Pilipinas at pagnaaalala ko ang lalaking minsan kong minahal niyayakap niya ako..I don't know why pero napapanatag ako sa init na galing sa kanya.
BINABASA MO ANG
BETWEEN FOREVER AND HIM[completed]
RomansaMabuti pang lumayo ka nalang sa akin..kesa maramdaman kong malapit ka nga pero hindi ka naman akin..- HIM