Habang naglalakad ako papuntang kubo kung nasaan ang mga trabahador ay napatigil ako ng mamataan ko si Drew na kausap ng mga trabahador.
Napahinga ako ng malalim bago napagpasyahang bumalik na lamang.
Ayoko munang makaharap si Drew dahil hindi ko pa alam kung paano ko siya pakikitunguhan pagkatapos ng nangyari kagabi.
Nagkulong na lang ako sa silid ko at nagpatugtog sa laptop ko.Nag scroll down ako sa mga music na nandun ng makita ko ang folder na may nakalagay na images.
Tamad na pinindot ko yun at bumungad sa akin ang mga litrato namin ni Drew nung nasa States pa kami.Napangiti ako habang tinitignan yun isa isa nang may mapansin ako.
"bakit lahat ng kuha namin nakatingin siya sa akin at hindi sa camera?"nagtatakang tinignan ko pa ang iba nun at ganun parin ang mga kuha.
"ano to?"napapakamot sa noong napasandal ako sa headboard ng kama.
Bakit hindi ko man lang napansin yun?Bumangon ako mula sa pagkakaupo at sumilip sa bintana.Napayuko ako ng makita ko sa ibaba si black stallion.Napangiti ako at tumakbo pababa.
"manong!"napatigil ang may hawak kay black stallion.
"ma'am.."yumukod siya at tinanggal ang sumbrero niya.
"saan nyo po siya dadalhin?"tanong ko habang hinihimas ang pino niyang balahibo.
"ililibot ko lang po siya dahil baka po maburyo.."natatawang sagot niya kaya napangisi ako.
"pwede bang ako nalang ang maglibot sa kanya?"nakita ko ang pag aalangan niya pero napapayag ko din naman siya.
"basta po ay babalik kayo agad bago magdilim.."ngumiti ako sa sinabi niya at tumango bago ako sumakay kay black stallion.
"now..lets go where the batis is.."hinila ko ang tali niya at iniharap siya sa kabilang direksyon.
"want to run?"tanong ko sa kanya bago tinapik siya sa likod dahilan ng pagtakbo niya.
"woooh!"masiglang sigaw ko.
"you know what black stallion ikaw lang ang kajamming ko dito!"pagkausap ko sa kanya at marahang ngumiti.
I wanna go back to States.
Napatigil ako sa pagpapatakbo sa kabayo ng maramdaman ko ang malalaking patak mula sa langit.
"shit!"sinipa ko ang kabayo at pinatakbo yun pabalik sa mansion.
Basang basa kami ng iabot ko sya sa lalaking taga bantay sa kwadra ng mga kabayo.
"magpalit na po kayo sa loob.."he said.
"I will thanks.."tumalikod na ako at patakbong pumasok sa mansion.
"iha anong nangyari sayo?"sinenyasan ko si manang na tumahimik kaya napatuptop siya sa bibig niya.
"aakyat na po muna ako.."bulong ko na sinagot niya ng tango.
Patakbong umakyat ako sa silid ko at dumiretso sa banyo.Naisipan kong magbabad sa bathtub.Halos 30 minutes din akong nakalublob sa tubig kaya pakiramdam ko ay napakakulubot na ng balat ko.
Lumabas ako ng banyo ng nakatapis lang ng matigilan ako.
"I thought you're gonna live there.."napalunok ako at napaiwas ng tingin.
"kung may kailangan ka sa akin pwede bang pagbihisin mo muna ako?"nahihiyang tanong ko.
"ok.."tumayo na siya at parang balewalang isinara ang pinto.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba na naramdaman ko.Nagmadali na akong magbihis bago ako lumabas ng kwarto.
"can we talk now?"kita ko ang amusement sa mata niya habang nakasandal siya sa pader katabi ng pinto ng silid ko.

BINABASA MO ANG
BETWEEN FOREVER AND HIM[completed]
RomanceMabuti pang lumayo ka nalang sa akin..kesa maramdaman kong malapit ka nga pero hindi ka naman akin..- HIM