End

750 32 4
                                    

Halos banggain ko na ang lahat ng makasalubong kong sasakyan dahil sa pagmamadali kong makarating sa lugar kung nasaan si Drew.

Pabalang na pinarada ko ang sasakyan ng makarating ako sa rancho.

"manong!"pagtawag ko sa nag aayos ng kabayo sa kwadra.

"senyorita napadalaw po kayo?"lumapit sya sa akin kaya hindi na ako nagpatumpik tumpik pa.

"si Drew?"napansin ko ang pag iwas nya sa akin ng tingin.

"manong nagmamadali ho ako nasaan sya?"excited na nilingon ko ang tinuro na puno ni manong sa di kalayuan.Hindi ko na nagawang magpaalam sa kanya dahil talagang sabik na kong makita si Drew at sabihin sa kanya na sya ang pinili ko!

Lahat ng excitement at saya ko ay biglang nabura sa tagpong inabutan ko sa lilim na gawa ng malaking puno.

Nag uunahang pumatak ang luha ko sa nasasaksihang paghahalikan ng dalawang tao napapikit pa ako ng marinig ko ang kumawalang ungol sa kanilang dalawa.

"Dre--w.."pumiyok ako sa pagtawag ko sa kanya pero alam ko na narinig niya ako.

"Katrina nandyan ka pala kanina ka pa ba?"bati sa akin ni Selena bago ako hinarap ni Drew.

"princess.."napaatras ako ng lumapit sya sa akin.

"am I really your princess?"hindi sya sumagot bagkus ay kumunot ang noo niya.

"I dont..think so.."naiiyak na tinignan ko si Selena na nakakapit sa braso niya.

Parang unti unti akong dinudurog dahil paulit ulit na nag piplay sa utak ko ang tagpong inabutan ko.

"well..dahil kaibigan ka ni Drew might as well na sabihin ko sayo ang lagay ko.."Selena said.

"anong ibig mong sabihin?"naguguluhang pinalipat lipat ko ang tingin sa kanilang dalawa.

"Selena not now.."banta ni Drew kaya lalo akong nacurious.

"ano yun?"ngumiti si Selena sa akin samantalang si Drew ay umiwas ng tingin.

"I'm pregnant.."parang bomba na sumabog yun sa buong pagkatao ko.

Hindi ko na naitago ang pagtakas ng luha sa mga mata ko at nakita ko ang pagkabigla sa mukha ng lalaking napag alaman kong mahal ko pala pero huli na.

"kayo..na pala ulit.."mahinang anas ko na sinagot niya din lang ng tango.

Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang paghikbi.Pilit na ngumiti ako sa kanya at kay Selena bago ako muling tumalikod.

"may kailangan ka ba sakin at dinayo mo ako dito?"he asked.

Nakatalikod na ako sa kanila kaya hindi na niya nakikita ang reaksyon ko at luhaang mukha.Umiling na lamang ako dahil hindi ko na kayang magsalita.Wala na akong dapat pang sabihin.

Kung kanina ay tumatakbo ako papunta sa kanya ngayon ay halos gumapang na ako makalayo lang sa lugar kung nasaan sya.

"senyorita.."tinaas ko ang palad ko kay manong at tahimik na umiling bago ako sumakay sa nakaparadang sasakyan ni Kurt.

Lalo akong naiyak ng maalala ko si Kurt.I guess hindi talaga kami para sa isat isa Kurt.Siguro ay hindi ka rin para sa akin kaya nangyari ang ganito sa atin.

Pinakalma ko ang sarili ko bago ko napagpasyahang magdrive hindi para umuwi kundi para dumiretso sa airport papuntang palawan.

Nagtext ako kay Kurt na kunin ang sasakyan niya sa airport mukhang busy sya dahil hindi pa sya nagrereply hanggang sa tawagin na ang flight number ko.

I turned off my phone bago ako tulalang sumakay sa eroplano.Pinikit ko ang mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong hinila ng antok.Nagising ako sa katabi ko na tumayo kaya napatingin ako sa bintana ng eroplano.

"shit!"agad akong tumayo at nagmamadaling lumabas.Tumawag ako ng taxi at nagpadala ako sa mga pwedeng magbangka papunta sa isla kung saan nakatayo ang bahay na binili ko mula sa pinamana sa akin ni mommy.

"maraming salamat po.."wika ko sa matandang nagdala sa akin sa isla.

"walang ano man ineng.."binigay niya ang numero ng telepono nila king sakali daw na umuwi ako ay sya na rin daw ang gagawa.

Nang mailapag ko ang mga paa ko sa pinong buhangin at tinanaw ang malaking bahay na puro salamin ay napangiti ako.

Hindi alam ni daddy ang lugar na ito dahil ako mismo ang nagpatayo at bumili nito gamit ang iniwang pera sa akin ni mommy.

"ma'am Katrina kayo po pala.."salubong sa akin ng mag asawang katiwala ng bahay na kinuha ko.

"dito na muna ako mag i-stay dahil nakakastress sa manila.."pagod na binagsak ko ang katawan ko sa sofa.

"mas maigi nga po na dito kayo para po makita nyo rin po ang mga pinaghirapan nyong itayo.."ngumiti ako kay nanay Sally at tatay Isko.

"wala po ba kayong dalang gamit?"natigilan ako sa tanong ni Tatay Isko.

"wala ho..pero may mga gamit naman po ako dito diba?"tumango ang dalawang matanda sa akin bago sila nagpaalam na maglilinis muna.

Tumayo ako at pumunta sa ika apat na palapag kung nasaan ang pinili kong kwarto.Humiga ako sa kama at tumingin sa puting kisame.

Sa lugar na ito ay siguradong wala ng makakakita sa akin o makakasunod.Pumikit ako at tumagilid ng higa.Parang pigang piga na ako at wala ng lakas na makuha pa.Nag umpisa ng mag unahan ang mga luha sa mga mata ko.

Akala ko happy ending na.Akala ko kami talaga ang para sa isa't isa ngunit mali pala ako.Kay Selena parin ang balik niya.

Hey princess pick up!its me your handsome Drew!

Napatingin ako sa phone ko at mapait na napangiti kahit ring tone ko ay boses niya.Nang makita ko na si Kurt ang tumatawag ay natigilan ako.Anong sasabihin ko?na nagkamali ako ng pinili?na nasaktan ko siya..na nagparaya na nga sya pero hindi parin ako masaya?

Sa dami ng iniisip ko ay napagpasyahan ko na hindi na lamang ito sagutin.Para hindi na magkaroon ng mahabang paliwanagan isa pa ay nahihirapan din naman ako na mag explain ng mga naganap at ayoko ng maalala pa ang nadatnan kong tagpo.

"its time for me to move on..walang Kurt at walang Drew..kaya ko to ng ako lang mag isa..kakayanin ko.."umiiyak na wika ko sa sarili ko habang sapo ang dibdib ko na kumikirot dahil sa pag ibig na hindi nabigyan ng sagot at walang katugon.

Sisiguraduhin ko na sa muli naming pagkikitang tatlo ay wala na ang mapagmahal at tanga tangang si Katrina.Wala na ang dating masigla at isip batang nakilala nila.

Pagbumalik ako ako na ang magpapatakbo ng sarili kong buhay.Bagong Katrina na ang haharap sa kanila.

Sinusumpa ko.Na magsisisi siya sa ginawa niyang pananakit sa akin itaga niya sa bato..hindi na ako ang Katrina na makakaharap nila sa muling pagkikita namin.

BETWEEN FOREVER AND HIM[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon