Nag umpisa na akong magtrabaho sa opisina ni dad pinag aaralan ko ang mga papeles sa lamesa ko ng tumunog ang phone ko.
"yes Lyn?"tanong ko sa secretary na itinalaga sa akin ni Kurt.
"Mr.Castillo is here.."kumunot ang noo ko.
"send him in.."
Hindi ako nag angat ng ulo sa pag aakalang si Kurt yun kahit pa narinig ko ang pagpasok niya.
"Princess.."agad na nag angat ako ng tingin ng malaman ko kung sino yun.
"Drew.."lumapit ako at niyakap siya.
"hahaha!namiss mo ko noh?"nang aasar na wika niya ng yakapin ko siya.
"hmp! pasalubong?"nilahad ko ang palad ko sa kanya para hingin yun.
"hay naku ito na po oh.."napangiti ako ng iabot niya sa akin ang isang paper bag.
"mamaya ko na to bubuksan sa ngayon ay magkwento ka kung ano na ang nangyari sayo sa pinanggalingan mo.."hinila ko siya paupo sa couch.
"interesado ka talagang malaman?"natatawang tinignan niya ako.
"oo naman..game kwento na.."pangungulit ko pa sa kanya.
"wala naman masyadong pangyayari na pupukaw sa interes mo..nag convention kami ng business partners nila papa at umuwi din kami agad dito matapo --"
"nandito sila tito?"putol ko sa kanya.
"oo.."nagtatakang sagot niya.
"kamusta sila tita Alice at tito Andrew?"masiglang tanong ko sa kanya.
"ayun..buhay mga dalaga at binata akala mo magsyota at bata pa sila..maghalikan daw ba sa harap ko.."reklamo niya na ikinatawa ko.
"namiss ko sila!parang gusto ko tuloy pumunta sa inyo mamaya!"nakangiting sabi ko.
Sila ang tumayong magulang ko habang nasa poder ako ni Drew.Inalagaan nila ako at talagang nalilibang ako pagkasama ko sila dahil para lang silang teenager na inlove sa isa't isa.
"oh that..ikaw nga ang talagang pakay nila kaya sila umuwi dito.."saad niya ng hindi makatingin sa akin.
"bakit daw?"tanong ko.
"alam mo naman yun hindi parin sila makamove on dun sa tayo nalang daw.."nahihiyang sabi niya na ikinangiti ko dahil ang cute niya.
Kung si Kurt ay tall dark and handsome si Drew naman ay chinito na napakaputi ng balat..matangkad din siya mas matangkad pa nga kay Kurt at ang labi niya na halos nalawayan na ng bayan ay talaga namang nakakaakit.
"stop staring at me while smiling it's creepy.."daing niya na nagpawala sa ngiti ko.
it's creepy..
Yun din ang sinabi niya noon sa akin ng kausapin ako ni Kurt pero ngayon ay hindi si Kurt ang dahilan ng pagngiti ko na tulad ng dati kundi siya mismo.
Napahawak ako sa dibdib ko ng makaramdam ako ng kaba.What is happening to me?bakit parang bigla akong kinabahan ngayong nakatingin siya sa akin ng may pagtataka.
"what's with you princess?"the way he call me princess makes my heart beat faster.Nanlalamig na umiling ako sa kanya.
"are you sure?"salubong ang kilay na tanong niya.
"oo.."anas ko.
"ok sige mamaya nalang kita guguluhin pagnakauwi kana I'll call you nalang sa ngayon ay magtrabaho ka na.."tumayo na siya at kumaway sa akin bago lumabas ng opisina ko.
BINABASA MO ANG
BETWEEN FOREVER AND HIM[completed]
Roman d'amourMabuti pang lumayo ka nalang sa akin..kesa maramdaman kong malapit ka nga pero hindi ka naman akin..- HIM