DREW CASTILLO

710 19 1
                                    

Ipinilig ko ang ulo ko dahil nag uumpisa nanaman akong umasa.

Hindi ka na natuto Drew!sigaw ng utak ko.

Napahilamos ako ng palad at bumangon sa higaan.Lumapit ako sa bintana at tinanaw ang madilim na kapaligiran.Tumingala ako sa langit at bumuntong hininga.

Sana tulad ng mga bituin sa langit makita rin ako ni princess kahit na madilim na ang paligid para sa aming dalawa.

Sinulyapan ko ang kabilang bintana kung saan nakalagi ang babaeng naging dahilan kung bakit ako naging ganito.

She thinks that I'm just her playboy best buddy but I'm not.Actually gusto kong maging playboy but the truth is hindi ko magawa.I will only love one woman and I cant seem to move on!

"fuck.."ang laki ng problema ko.

Nandito lang siya abot kamay ko na but I cant.I just cant.

Ayokong tuluyan nalang siyang mawala pag pinilit ko ang sarili ko sa kanya.

Kung ako ganito sa kanya sya naman ganito sa pinsan ko.Isn't it ironic?It will and forever be Kurt and I'm just her playboy.

Pinikit ko ang mga mata ko upang balikan kung paano nagsimula ang lahat.

FLASHBACK

Naglalaro kaming dalawa ni Kurt sa sala habang ang parents namin ay nasa kusina at nagluluto nang biglang may dumating kaya napalingon ako sa ingay na nasa pinto dahil pati sila mom ay nataranta sa dumating.

And then I saw her.

She's wearing a pink dress at nakatirintas ang mahaba niyang buhok.I was 8 years old and the girl I think is 5 years younger.She's kinda shy nagtatago pa nga sya sa likod ng papa niya.I can tell that its her dad dahil magkahawig sila.

I smiled at her ng takot na tinignan niya ako and then she smiled back.Namangha ako sa pagkawala ng mata niya ng ngumiti siya.

Cute.

Doon nagsimula ang lahat.Magmula nun ay pagdumadalaw sila o kami sa bahay nila ay ako ang kasakasama niya lagi ko siyang sinasalo kapag may nagagawa siyang kasalanan.Ako ang naging tagapagtanggol niya hanggang sa mag 9 years old siya.I saw how she looks at Kurt and from that moment I already know that she's not for me.

Lagi lang akong nakamasid sa kanya san man siya magpunta kahit pa alam ko na iniistalk niya si Kurt ay iniistalk ko din siya.Thats how crazy I am when it comes to her.

When she finally told the world that she likes Kurt I tried to distance myself.Ginawa ko ang lahat para mabaling ang pansin ko sa iba nambabae ako nangchick nagloko naging happy go lucky but I always end up looking at her and missing her.

Katrina Arizala grew into a beautiful lady she gained suitors and secret admirers.Akala ko hanggang dun nalang ako at kaya ko na hanggang doon nalang hanggang sa dumating ang araw na yun.

"hey Drew.."nagulat ako ng makita kong tumabi sa akin si Katrina.

"why are you here princess?"kinakabahang tanong ko sa kanya.

"do you mind?paturo naman ako dito please?"she made a puppy eyes kaya tumango nalang ako but to be honest hindi na niya kailangang makiusap.

"sya nga pala..pwedeng pakibigay naman nito kay Kurt?"natigilan ako tsaka tinignan ang baunan na halatang may lamang pagkain.

Muntik na..muntik na akong maniwala na ako talaga ang pakay niya.It will always be Kurt.

Bumuntong hininga ako.

BETWEEN FOREVER AND HIM[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon