MY ABDUCTOR

844 27 0
                                    

Nagising na lamang ako na naririnig ang huni ng mga ibon at napapikit pa ako dahil mataas na ang sikat ng araw nakakasilaw.

Teka nasaan ako?

Nang maalala ko ang nangyari kagabi ay nagpanic ako at nilibot ang mata ko sa paligid..Dumungaw ako sa bukas na bintana at namangha ako sa ganda ng paligid.

"don't tell me na balak mong tumalon dyan?"napalingon ako sa likod at ganun na lamang ang gulat ko ng makilala ko siya.

"goodmorning..princess.."hindi agad ako nakakilos ng makilala ko ang nagsalita.

"paanong?"naguguluhang nilapitan ko siya I heard him sigh.

"alam ko na naguguluhan ka at nagtataka..pero ito lang alam ko na way para makausap kita ng matino since ng huli tayong nag usap para kasing tinataboy mo na ako.."hindi parin ako nakapagsalita sa paliwanag niya.

"look..alam ko natakot kita kagabi.."ng sabihin niya yun ay nagsalubong ang kilay ko dahil sa takot ko kagabi.

"how dare you!tinakot mo talaga ako alam mo ba yun!"sinugod ko siya at pinagpapalo.

"I'm sorry..ouch..teka sorry na nga!"tumigil ako at inirapan lamang siya.

"gusto ko lang naman na ako ang tumulong sayo ngayong sinaktan ka nanaman ni Kurt..tulad ng dati.."natigilan ako ng marinig ko yun.

"hindi na tayo tulad ng dati Drew.."umiwas ako ng tingin sa kanya ng sabihin ko yun.

Wala akong narinig na sagot kaya napilitan akong lingunin siya na pinagsisishan ko dahil malungkot na nakatingin lang siya sa akin.Para bang hindi niya alam kung ano na ang gagawin niya para lang bumalik kami sa dati.

"then..kung ganoon ay dito muna tayo hanggat di pa tayo bumabalik sa dati.."napamaang ako sa sinabi niya.

"are you insane?!"baling ko sa kanya na ngayon ay may nang uuyam na ngiti.

"nope..I'm perfectly sane..kaya sa ayaw at sa gusto mo dito lang tayo.."sambit niya bago malalaking hakbang na lumabas siya ng kwarto.

Hindi ako nakapagpigil at sinundan ko siya palabas at halos malula ako sa laki ng bahay.Nasaan ba ako?nilibot ko ang paningin ko upang hanapin si Drew ng may mahagip akong tao sa dulo ng hagdan.

"looking for me?"nang aasar na tanong niya kaya tinapunan ko siya ng matalim na tingin bago ako padabog na lumapit sa kanya.

"paano si papa Drew baka mag ala--"

"alam ni tito na kasama kita.."lalo akong napatanga sa sinabi niya.

"what do you mean?"galit na tinignan ko siya.

"sinabi ko kay tito ang plano ko and he agreed..so no more questions princess..I'm clean..hindi kita basta nalang kinuha sa kanila understand?"hindi makapaniwalang napailing ako sa kanya pero tumayo ang balahibo ko sa batok ng yumuko siya para bulungan ako.

"dont underestimate me princess.."he smiled at me bago siya bumaba ng hagdan.

Wala na akong nagawa kundi ang sundin ang gusto ni Drew might as well enjoy the place nalang tutal ay masyado akong naistress sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw.

Naabutan ko siyang nakaupo na sa hapag kaya dumulog na rin ako at tahimik na kumain ng magsalita siya.

"baka gusto mong maglibot feel free to do so.."sabi niya kahit nasa pagkain ang pansin.

"I will.."mahinang anas ko.

"princess..hindi kita kinukulong dito isipin mo nalang na nagbabakasyon ka ok?"inirapan ko siya bago ako tumango.

BETWEEN FOREVER AND HIM[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon