his TIME

735 32 0
                                    

Hinayaan ko nalang na tangayin ng hangin ang mahaba kong buhok habang nakatanaw sa malayong lupain nila Drew.Napakapayapa sa pakiramdam lalo na at nakikita ko ang mga ibon na sabay sabay na lumilipad.

Napatingin ako sa mga kabahayan na nasasakop ng lupain nila Drew.Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na magugustuhan ko siya ng higit pa sa kaibigan.

Nilingon ko ang gilid ko ng makarinig ako ng mga yabag.

"mainit dito princess bakit nandito ka?"salubong ang kilay na tinignan niya ako.

"wala..tanaw kasi dito ang lupain niyo.."pagdadahilan ko.

"narealize mo na ba kung gaano kami kayaman?"ngumisi siya sa akin ng tignan ko siya ng matalim.

"princess.."lumambot ang ekspresyon ng mukha niya ng tawagin ako pero nakatingala siya sa langit.

"hmmm?"nilingon ko siya at napagmasdan ko ang masuyong mga mata niya na inaarok ang langit.

"masaya ka ba na ako ang kasama mo?"he asked without looking at me.

"oo naman..ano bang klaseng tanong yan?"natatawang sagot ko.

"wala naman.."he said na para bang napakalalim ng iniisip niya kaya binatukan ko nga.

"aray!what was that for?"hinawakan niya ang batok niya at tinignan ako ng may pagtataka.

"wala trip ko lang.."dinilaan ko siya pagkasabi ko nun.

"ah ganon ah.."napalayo ako ng makita ko siyang bumubwelo para lumapit sa akin at nang malapit na siya ay tumakbo ako palayo.

"lagot ka sa akin pagnahabol kita!"banta niya pero tinawanan ko lang siya.

Ganito lang kasimple ang mga sumunod na araw samin ni Drew mula ng gabing umamin ako.Nung una ay medyo nailang ako pero ng tinuring nya na parang walang nagbago samin ay napayapa ang loob ko tulad ng paligid naming dalawa.

Tawa ako ng tawa ng mahabol nya ako at mayakap.

"anong gagawin ko ngayon sayo hmmm?"napalunok ako ng marinig ko ang malambing nyang boses.

"ganito ka rin ba noon sa mga naging girlfriends mo?and what about Selena?"lalong humigpit ang yakap nya sa akin.

"sa una mong tanong well hindi ako ganito sa mga past flings ko dahil gusto kong sa kwarto lang kami.."napaiwas ako ng tingin sa narinig pero hinawakan nya ang baba ko at masuyong hinarap yun sa kanya.

"pero hindi ko yun gagawin sayo princess.."seryosong wika nya.

"because I've been your bestfriend?"umiling sya at hinalikan ako sa pisngi na ikinapula ng mukha ko.

"because I'm deeply inlove with you noon pa.."he said directly to my eyes.

"why are you saying this now?bakit hindi noon?"I asked.

"dont doubt my love for you princess..ayoko lang na mawala ka kahit pa kaibigan lang ang turing mo sakin noon dahil kay Kurt.."nakita ko ang dumaang sakit sa mga mata nya ng banggitin niya ang pangalan ng lalaking minahal ko noon.

"I never doubted you.."ngumiti ako sa kanya at ganun din sya.

"about your second question.."sumeryoso ang tingin ko sa kanya ng marinig ang buntong hininga nya.

"I told her that we better split up..after you told me you like me that night..she cried and begged but she accepted it in the end..she's a snob and spoiled but she's smart enough to know na masasaktan lang sya pagpinilit niya ang gusto nya.."nakahinga ako ng maluwag sa mga sinabi niya.

BETWEEN FOREVER AND HIM[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon