Natahimik ang buong kabahayan dahil sa pagdating niya.Kinakabahang nilingon ko si tita sa likod ko mukha namang naintinfihan niya ang paghingi ko ng tulong sa kanya upang ipaliwanag ang nadatnan niyang tagpo.
"uulitin ko paba ang tanong ko?"kinakabahang nilapitan ko si Kurt kita sa mukha niya ang pagdududa.
"Kurt.."akmang hahawakan ko siya ng humakbang siya ng isa palayo sa akin.
"iho..nag uusap lamang kaming tatlo.."paliwanag ni tita Andrea pero hindi siya tinapunan ng tingin ni Kurt bagkus ay sa akin lang nakapako ang mga mata niya.
"nag uusap?"halata sa boses niya ang pang uuyam dahil sa sinabi ni tita.
"bakit Drew..anong pag uusap ang ginagawa niyo at kailangan pang magkayakap kayong dalawa?"nakita ko ang pag igiting ng panga ni Drew lalong namawis ang kamay ko dahil sa kaba.
"kung wala kang tiwala sa nobya mo problema mo na yun may kailangan din akong intindihin at hindi kayo yun.."malamig na sagot niya kay Kurt na ikinakunot ng noo ng huli.
Wala kaming nagawa kundi ang sundan nalang ng tingin ang papalayong bulto ni Drew.
"what the.."halata ang pagkabwisit sa mukha ni Kurt kaya naman nilapitan ko na siya at hinila palabas ng dining room.
"ano ba?!"nagulat ako ng ipiksi niya ang braso niya.
"ikaw..ano bang pumasok diyan sa kukote mo at nagtatanong ka ng mga ganung bagay?"inis na hinarap ko siya.
"ako pa?eh nakita kitang yakap ang mokong na yun.."napailing ako sa sagot niya.
"ayaw ni tita kay Selena.."tumaas lang ang kilay niya sa sinabi ko.
"kinausap niya to na layuan si Drew..ayoko sanang magkagulo sila kaya inalo ko si Drew.."anas ko.
"sa pamamagitan ng pagyakap?"hindi ako nakaimik hanggang sa talikuran niya na ako.
Siguro kailangan ko munang palipasin ang mga init ng ulo nila.Bukas ko nalang siya ulit susubukang kausapin.
Pakiramdam ko ay napagod ako dahil sa mga sagutang naganap kanina idagdag pa ang eksenang naabutan ni Kurt..buntong hiningang humiga ako sa kama ko at nakatingin lang sa kisame ng kwarto ko hanggang sa di ko namalayang nakatulog na pala ako.
Kinabukasan ay hinanap ko agad si Kurt para sana ipaliwanag ang side ko pero ako ang nagulat sa ibinalita sa akin ni tita Andrea.
Ibinilin ako ni Kurt kay tita Andrea ng umalis siya para lumuwas ng maynila at hindi na siya nagsabi pa sa akin dahil kahit di sabihin ni tita alam ko na galit parin si Kurt sa akin.
Tignan mo yun hinatak ako dito tapos iiwan ako!
Matatagalan daw ang balik niya dahil may biglaang seminar daw sila yun nga lang hindi ko alam kung saang parte ng Pilipinas ang seminar na sinabi niya..kaya pagkakain ng almusal ay pumanhik ako sa kwarto ko at naligo para makagala ako at malibot ko naman ang Palawan.
Paglabas ko ng mansion ay napanganga ako sa ganda ng paligid..medyo may fog pa dahil ala sais palang ng umaga.Sininghap ko ang lamig na dulot ng mga halaman..
"refreshing.."bulong ko sa sarili ko.
Naengganyo ako ng mga ibong sabay sabay na lumilipad kaya sinundan ko yun hanggang sa mapatigil ako sa narinig ko lagaslas ng tubig.Agad na hinanap ko ang pinanggalingan nun at tama nga ang kutob ko kumikislap na batis ang nadatnan ko malapit sa isang treehouse.
Dahil laking maynila ay excited na tumakbo ako palapit sa treehouse.Mukhang inaalagan yun dahil matibay pa at halatang tambayan ng mga tao.Luminga muna ako sa paligid bago ako umakyat.
BINABASA MO ANG
BETWEEN FOREVER AND HIM[completed]
Любовные романыMabuti pang lumayo ka nalang sa akin..kesa maramdaman kong malapit ka nga pero hindi ka naman akin..- HIM