his feelings

767 24 2
                                    

Maaga akong gumising para sunduin si Kat sa kanila.Simisipol at nilalaro ko ang susi sa aking kamay ng mapansin ko syang nakatayo sa harap ng isang frame.

Mukhang ang lungkot niya sa tinitignan niyang litrato.Marahang kinuha nya iyon ay hinimas.Kumunot ang noo ko at natatawang napailing dahil ang aga niya mag emote.

Binalik niya sa lamesa ang frame bago sya huminga ng malalim na para bang napakahirap huminga.

"goodmorning.."napatalon sya sa gulat ng makita ako.

"Kurt..ikaw pala..goodmorning din tara mag almusal muna tayo.."agad syang tumalikod at nauna ng pumunta sa dining room.

Tinapunan ko ng tingin ang kanina'y pinagmamasdan nya.Nabura ang ngiti sa labi ko ng makita na kuha yun sa kanila ni Drew.Kung di ako nagkakamali yan yung panahon na kakabalik lang nya galing States at welcome party yan sa kanya ni tito.

"you missed him.."mahinang anas ko.

"sir pinapatawag na po kayo ni ma'am.."tumango ako sa katulong at sumunod na pero hindi na naalis sa isipan ko ang mga nakita ko.

"mukhang wala ka sa mood.."puna nya sa akin habang pasakay ng elevator sa office.

"nope..may iniisip lang.."sagot ko.

"parang napakabigat naman nyan at kanina kapa walang kibo sa sasakyan.."ngumiti lang ako sa kanya at hindi na nagsalita pa.

Pinagmasdan ko syang maglakad papuntang office niya ng makalabas na kami ng elevator habang ako naman ay sa kabilang side ang office.

Hindi ko masabi na dahil sa nakita ko kaya nagkaganito ako.Ayoko rin kasing mapamukha sa akin na wala na akong karapatan para umakto ng ganito.I sighed.

Siguro hindi lang ako sanay makita mismo ng dalawang mata ko kung gaano niya kamahal ang pinsan ko.Mukhang mas malalim pa yun sa pag ibig na naramdaman niya sa akin noon.

Buong araw ay nagkulong lang ako sa office hindi naman napansin yun ni Kat dahil kabi kabila ang meetings niya.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas yun.

"sir Ms. Arizala is out uuwi na daw po sya at wag niyo na daw po sya ihatid mukhang may dadaanan pa po.."natigilan ako sa narinig at agad kong kinuha ang phone ko para tawagan sya pero doon ko lang napansin ang message niya.

hey Kurt..something came up di muna ako sasabay sayo pauwi..I knew you were busy too..ok lang ako dont worry I'll text you when I'm home..😊

Napahilamos ako ng palad sa nabasa.Ano nanaman kayang iniisip ng babae na to?Hindi niya ba naisip na baka mag alala ako?

Natigilan ako sa naisip ko dahil nakalimutan ko na wala pala akong karapatan.Dapat ay makuntento ako dahil kahit paano ay nagsasabi sya sa akin.

Hinilot ko ang ulo ko at pumikit hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.Nagising lang ako sa vibrate ng phone ko na nasa mesa ko.

Kumunot ang noo ko ng makita ang number ni Carmela.

"bakit?"bungad ko.

"anong bakit?may usapan tayo ngayon remember?"

shit!

"dont tell me nakalimutan mo?my god Kurt ---"

"I'm coming ok?may tinapos lang akong pirmahan in fact I'm on my way to the parking lot.."pagsisinungaling ko.

"you better hurry ok?sige na hintayin nalang kita dito bye.."

Tumango ako na para bang nakikita niya ako.Nawala sa isip ko na ako pala ang nangulit na kanya kanina ng oras niya dahil gusto ko ng kausap.

BETWEEN FOREVER AND HIM[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon