HEARTBEAT

895 22 0
                                    

Nagbabasa ako ng pocket book ng may marahas na kumatok sa bintana ko.Bumulaga sa akin ang mapungay na mga mata ni Drew.Inakay ko siya papasok dahil mukhang hindi niya na kayang humakbang pa.

"anong nangyari sayo at ganyan ka?"nakapameywang na pinagalitan ko siya pero nakayuko nalang siya.

Napailing ako at nilapitan siya para ihiga sa kama ko at ng mapunasan siya para mahimasmasan.

Napamulagat ako ng magkalapit ang mukha namin.I know he's drunk pero ng dumampi sa labi ko ang malambot niyang labi ay natigilan ako.

"I'm sorry princess.."yun lang ang sinabi niya bago siya bumagsak sa balikat ko.

"t-teka.."nagulo ata ang utak ko dahil sa ginawa niya.

Bakit niya ako hinalikan?hinawakan ko ang labi ko at napatingin ako sa labi niya.

Shit!marahas na napailing ako at inakay ko na siya pahiga sa kama ko.

"ma--sha--kit!"kumunot ang noo ko at sinuri ang katawan niya.

"anong masakit?may sugat ka ba?"umiling lang siya sa akin.

Malamang napilayan to sa pag akyat para lang dumaan dito sa bintana ko.Buang talaga.

"nasaan ba si Selena bakit ba ako ang pinuntahan mo?"hindi sa ayaw ko pero diba pag ganito dapat dun ka sa girlfriend mo.

"busy.."busy?dagukan ko kaya yung jowa nito!

"teka pumirmi ka dyan at kukuha ako ng basang bimpo para mapunasan kita.."paalis na sana ako ng hatakin niya ang kamay ko napahiga tuloy ako sa tabi niya.

"ano ba Drew!"ang sakit nun ah!

Hindi na siya nagsalita pero niyakap niya ako ng pagkahigpit higpit.Ganito to paglasing..ako ang pinagdidiskitahan na yakapin anong akala nito sa katawan ko unan?

Hinintay ko na maging mahinahon ang paghinga niya tanda na mahimbing na ang tulog niya.Dahan dahan kong inalis ang kamay niya sa braso ko.

"wag mo kong iwan!mahal parin kita!"napatingin ako sa kanya ng higpitan niya pang lalo ang yakap sa akin.

Nananaginip ba siya?

Lumakas ang tibok ng puso ko ng halikan niya ang noo ko.Napasinghap pa ako ng ipatong niya ang binti niya sa akin.

Pakiramdam ko safe ako..ang init ng katawan niya ang sarap sumiksik.

Kinabukasan ng magising ako ay wala na akong katabi.Nasaan na yun?

Aray ko ang sakit ng katawan ko!

Pucha ang bigat kasi ng damuhong na yun!

Napalingon ako sa phone ko ng tumunog yun senyales na may nagtext.

Princess,

Sorry and Thank you..

Love him,
D

Bakit love him nanaman?anong drama non?!

Hindi ko na pinansin pa yun dahil sa sakit ng katawan ko ay hindi na muna ako pumasok na ikinaalala ni Kurt.

"are you sure you're ok?"nakakailang tanong na siya sa akin.

"yup..don't worry nasa bahay lang naman ako..magtrabaho kana dyan.."sabi ko narinig ko pa ang buntong hininga niya.

"ok love you.."and he ended the call.

Napanguso ako hindi man lang ako pinag I love you back?!

Aba matindi!

BETWEEN FOREVER AND HIM[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon