"ok hindi ko sasabihin.."kumunot ang noo ko sa narinig pagpasok ng opisina ni Kurt.
"Drew..hanggat walang kasiguraduhan wala kang maririnig mula sakin..oo..sige ikaw din goodluck.."
Nang masigurado ko na naibaba na ang tawag ay nagsalita na ako.
"anong di mo sasabihin pag di sigurado at kanino?"nakita ko ang gulat sa kanya ngunit ngumiti din pagkatapos.
"gustong surpresahin ni Drew si Selena pero di pa sigurado kung kailan kaya pinapatahimik nya ako.."natahimik ako sa narinig.
Wow..how sweet.
Naupo ako sa bakanteng couch at pinagmasdan sya na nag aayos ng mga papers niya sa table.
"hindi ka paba tapos?"I asked.
"bakit?nagmamadali ka na ba umuwi?"wika niya ng hindi tumitingin sakin.
I rolled my eyes and then I went to him.
"Kurt..why do I have this feeling na parang iniiwasan mo ko?"napahinto sya sa ginagawa niya at pinagmasdan ako.
He looked sad dahilan kung bakit kumunot ang noo ko.
"Kurt..may problema ba?"umiling sya sa akin at pilit na ngumiti.
"nothing..namiss lang kita dahil naging busy ka this past few days.."tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
"is that all?"yun ba talaga ang dahilan niya?
"yep..tara I'll treat you a dinner.."yaya niya.
"really now huh?ok.."naghanda na kami palabas ng building nagsalita syang muli ng nasa elevator na kami.
"can you file a leave and be with me for a week..I need to relax a bit.."napatingin ako sa kanya mukha ngang kailangan niya ng break dahil parang pagod na pagod siya.
"where are we going?"he smiled.
"ibig bang sabihin niyan na sasama ka sakin.."natawa ako sa kanya bago tumango.
"sa palawan.."nabura ang ngiti ko.
"bakit doon?"I asked.
"nung dinala kita doon ay hindi tayo nagkaroon ng magandang memories..so I want to change that.."I sighed on what he said.
"ok..count me in."sagot ko nalang.
Habang kumakain kami ay masayang nagkukwento sa akin si Kurt hindi pala kami sa mama ni Drew pupunta kundi daw sa mismong bahay niya sa palawan.Sabi niya ay malapit daw sa dagat ang bahay niya at kita mo ang magandang tanawin kaya naexcite tuloy akong pumunta.Sinabi din niya na marami kaming pwedeng gawin doon tulad ng pangingisda bigla ko tuloy namiss ang buhay ko sa province ni mommy pangingisda din ang kabuhayan doon.
"I cant wait to be there.."wika ko sa kanya na ikinangiti niya.
Dumating ang araw ng pagpunta namin sa palawan at habang nasa byahe ay binusog ko ang mga mata ko sa magagandang tanawin.Masaya kong nilingon si Kurt na ngayon ay nakapikit at mukhang natutulog kaya hindi ko na sya inabala pa.
Nang makarating kami sa bahay na sinasabi nya ay namangha ako dahil parang nawala ako sa earth at pakiramdam ko ay nasa ibang planeta na ako.Kumaripas ako ng takbo papunta sa pinakaharap ng bahay at pinagmasdan yun.
Para akong nasa sinaunang panahon dahil spanish style ang nasa harapan ko.Unti unti kong hinakbang ang mga paa ko paakyat sa batong hagdan para makapasok sa loob.
"hey Kat..watch your step.."paalala ni Kurt na nasa likod ko na pala at dala ang mga gamit namin.
Nang buksan ko ang malaking pinto ay umingit ito ng malakas.Napanganga ako sa bumungad sa akin.Halos ginto ang kulay ng lahat ng kagamitan at tinernuhan pa ng pulang kurtina at carpet sa marmol na sahig.
BINABASA MO ANG
BETWEEN FOREVER AND HIM[completed]
RomansaMabuti pang lumayo ka nalang sa akin..kesa maramdaman kong malapit ka nga pero hindi ka naman akin..- HIM