NOT A SWEET THING

755 33 0
                                    

Bumaba ako sa hapag para kumain sinadya ko talagang magpahuli para hindi ko makita si Drew pero napahinto ako sa entrada ng kusina ng makita ko silang dalawa ni Selena.Nang makita nila ako ay wala na akong nagawa pa kundi ang dumiretso sa hapag kung saan sila kumakain.

Habang kumakain kami sa hapag ay tahimik lang ako.

"kainin mo yan kaya ka pumapayat.."natigil ang pagsubo ko sana ng pagkain ng marinig ko si Drew.

"Babe naman.."nakita ko ang simpleng pagtapon ng tingin ni Selena sa akin.

Napakurap ako bago muling bumaling sa kinakain ko.Halos hindi ko malunok ang kinakain ko dahil sa mga paglalampungan nilang dalawa sa hapag.

"look who's here.."napalingon ako sa tinitignan ni Drew.

"Kurt.."napatayo ako ng makita ko siya hindi ko na pinansin pa ang pagkunot ng noo ni Drew.

"I heard what happened..kamusta si tita?"para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin kahit pa nasa harap lamang niya ako.

"she's still in coma.."napahigpit ang hawak ko sa kubyertos.

"anong pumasok sa ulo mo at ginawa mo yun?"napamaang ako ng bumaling siya sa akin na punong puno ng pagkasuklam.

"she tried to go to you.."malamig na sagot ni Drew ng di ako nakapagsalita.

"Hindi ko inakala na magagawa mo ito Kat..she's like a family to you!"kinagat ko ang ibabang labi ko not minding kung dumugo man ito.

"that's enough boys..alam naman nating lahat na spoiled brat si Katrina.."tinapunan ko ng matalim na tingin si Selena.

"I'm very disappointed.."Kurt said while shaking his head.

"me too.."nang marinig ko ang pagsang ayon ni Drew ay lalong bumigat ang nararamdaman ko.

"I guess I don't need to explain myself any further..all of you had a conclusion already..excuse me I'll take my leave now.."akmang aalis na ako dun ng muling magsalita si Drew.

"nabanggit mo na ba kay Kurt si Cervantes.."napatigil ako sa sinabi niya.

"Alfred Cervantes?"tanong din ni Kurt at lumingon sa akin.

Lumunok muna ako at huminga ng malalim bago sila hinarap.

"do I have to?"mapait na tanong ko bago sila tinalikuran.

"what a flirt.."narinig ko pa ang pahapyaw na salita ni Selena pero hindi ko na siya pinansin pa.

Nagkulong lang ako sa kwarto at ng makita ko ang chopper na paalis malamang ay si Kurt ang laman nun ay nanlumo ako.Akala ko ay kakampihan niya ako..akala ko ay tutulungan niya ako at ipagtatanggol sa kanila..mali pala ako..dapat pala ay hindi ako umasa.

Nang mabagot ako ay naisipan kong mangabayo nalang..habang pababa ako ng hagdan ay nakita ko si Alfred na kausap si Selena.

"nagbago kana.."natigil ako sa pagbaba ng marinig ko ang kapaitan sa boses ni Alfred.

"of course..I'm not that cheap innocent girl you used to know.."Selena said with a pride.

"Celine.."tinakpan ko ang bibig ko para hindi kumawala ang isang singhap doon.

Siya si Celine?

"don't call me Celine ako na ngayon si Selena..hindi ko alam kung bakit ka narito siguro ay si Katrina ang pakay mo..bagay kayo..isang malandi at isang nagtatago sa saya ng ina!"halos mapatid ang ugat sa leeg ni Selena ng sabihin yun.

"Kaya na kitang ipaglaban ngayon.."Alfred pleaded.

"too late..nakita ko na si Drew..siya na ang mahal ko..siya lang..hindi ako babalik sayo dahil mas mayaman ang pinalit ko sayo.."mula sa kinaroroonan ko ay kita ang pagdilim ng mukha ni Alfred.

BETWEEN FOREVER AND HIM[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon