Hanggang sa magkolehiyo kami ni Drew ay ganun parin si Katrina.
Kahit sa murang edad ay maganda na talaga si Katrina Arizala..ang palaban sa section 1 at ang maingay na babae sa buong highschool.
"nandito nanaman yan sa college dept.?"tumabi sa akin si Carmela ang kaklase ko.
"yeah.."bulong ko pero hindi matanggal ang tingin ko sa babaeng papalapit sa amin.
"hi Kurt..ito oh para sayo.."napayuko ako at napakagat sa labi..sweet.
Binigyan niya ako ng pagkain para daw sa lunch pinagmalaki niya pa na siya ang nagluto nun.
"Kurt ano nga pala yung gagawin natin sa report?"minsan ay tanong sa akin ni Carmela.
"hoy Kurt ano ba!"napapitlag ako sa biglang pagkurot sa akin ni Carmela.
"sorry may iniisip lang.."matamang tinitigan naman niya ako.
"yung Katrina ba yan?hmm..sabagay di ko na siya masyadong nakikita dito sa college dept..ang sabi ng mga ibang kaklase natin ay laging si Drew na ang kasama niya.
Lalo lang nadagdagan ang pasanin ko sa dibdib dahil sa sinabi ni Carmela.
"Mela..let's study our report.."hindi ko na siya nilingon pa kinuha ko ang bottled water ko at nauna na akong pumunta sa library para lang mapatigil.
There she is laughing and looking great with my cousin hindi ko napigilan ang pagkuyom ng kamay ko pero napatingin ako kay Carmela ng hawakan niya yun.
"you're jealous.."she stated.
"let's go.."madilim ang mukha na naglakad na kami pero napatigil ako ng may sumigaw.
"loveydoves!"nagulat ako ng bigla niyang kunin ang hawak kong bottled water at walang ano mang ininuman yun.
Napaiwas ako ng tingin at tinago ko ang ngising pilit na gumuguhit sa aking labi.
"you're blushing.."singit ni Carmela kaya naman agad kong iniwanan ang dalawa at malalaking hakbang ang ginawa ko para makaalis sa lugar na yun.
Mula noon ay kinulit nanaman ako ng kinulit ni Kat bagay na kumukompleto ng araw ko.Minsan naiirita ako at nagsusungit pero pagwala naman siya ay hinahanap hanap ko siya.
Masaya naman ako kahit na lagi akong tinutukso ng mga kaibigan ko dahil nga sa pagbuntot sa akin ni Kat pati nung birthday ko hanggang sa grumaduate ako.
Binigyan niya ako ng relo ngunit hindi ko yun tinanggap bagkus ay hinalikan ko siya at niyakap.
Inukit pa namin sa puno ng mangga ang KloveK tanda ng mga pangako namin sa isa't isa.
"hihintayin kita.."yun ang sinabi ko sa kanya pero lingid sa kaalaman namin ay nakita pala yun ni tito William.
"hindi ko nagustuhan ang nasaksihan ko Kurt..bata pa si Katrina at maaaring makasira sa inyong dalawa ang relasyon na namamagitan sa inyo.."he said.
"wala po kaming relasyon.."anas ko.
"kung ganun ay mas lalong dapat mong layuan ang anak ko..wala ka sa posisyon para basta na lamang siyang halikan dahil hindi naman pala kayo..alam ko na matalino kang bata at naiintindihan mo ang ibig kong sabihin iho.."
Magmula noon ay si Carmela na ang lagi kong kasama hanggang sa dumating ang announcement nila mama..akala kasi nila ay kami ni Carmela pero ng makita ko ang reaksyon ni Kat ay pinanindigan ko yun kahit pa masakit..para sundin ang ama niya.
BINABASA MO ANG
BETWEEN FOREVER AND HIM[completed]
RomanceMabuti pang lumayo ka nalang sa akin..kesa maramdaman kong malapit ka nga pero hindi ka naman akin..- HIM