Leave

842 29 1
                                    

Nakahanda na ako para umalis ng makarinig ako ng mga katok.

"bukas yan.."anas ko.

Pumasok ang katiwala na hanggang ngayon ay hindi ko parin alam ang pangalan.

"saan po kayo pupunta?"kinakabahang lumapit sya sa akin.

"uuwi.."maiksing sagot ko.

"alam po ba ito ni senyor?"nahihintakutang tanong nya sa akin.

"dapat ko pa bang ipaalam?"balik tanong ko sa kanya na ikinatahimik nya.

"listen..hindi ako dapat nandito masyadong masikip ang bahay na ito para sa aming tatlo..at tsaka---"

"alam ko po senyora..naiintindihan ko na nais mo ng umalis ng sa gayon ay hindi kana masaktan sa mga nakikita mo..kahit ako ay hindi makakatagal kung kasama ko sa iisang bahay ang babaeng umagaw sa lalaking mahal ko at lalaking pinili akong saktan.."napanganga ako sa mga sinabi nya.

"Ilang taon na rin po akong naglilingkod sa pamilyang Castillo nakilala ko rin ang magpinsang yan..aaminin ko po may panghanga akong nadarama kay senyor Kurt ngunit ng mabalitaan ko ang tungkol sayo ay gusto kong makilala ka..nandun ako sa bahay nila senyora Andrea ng marinig ko mula kila senyora Alice kung gaano kana katagal na iniibig ni senyor Kurt at kung gaano na syang katagal na naghihintay sayo..hanga ako sa pag ibig ni senyor Kurt sayo dahil hindi ko sya nakitang tumingin sa ibang babae kahit kay senyora Mela.."napayuko ako sa mga narinig ko.

"batid ko ang kwento nyo noong kabataan na ikaw ang unang nagkaroon ng pagtingin kay senyor Kurt..kaya ng mabalitaan ko na bumalik kana ay naging masaya ako para kay senyor..ngunit napuno ako ng hinanakit sayo ng mabalitaan ko ang ginawa mong pananakit sa kanya dahil kay senyor Drew.."hindi ako nakakibo sa mga sinabi nya.

"Wag nyo po sanang masamain ang mga nalalaman ko nais ko lang pong malaman nyo ang nasa isipan ko ngayong aalis kayo.."tahimik na tumango ako sa kanya at pilit na ngumiti.

"noong makita ko kayo na buhat ni senyor Drew ay nagtaka ako.Palihim ko sana kayong lalapitan ng kayo ay iwan nya sa kwarto ngunit hindi ko yun nagawa pagkat nakita kong nagbihis lamang sya at bumalik sya sa tabi nyo at pinagmamasdan lamang kayo..buwan narin akong nanunungkulan sa bahay na ito at naikwento sa akin ng mga taga rito ang nasaksihan nilang pag iibigan nyo ni senyor Drew nakaramdam ako ng panibugho para kay senyor Kurt pero ng makita ko si senyor Drew ng gabing yun lalo na ng maaksidente ka sa hagdan ay halos hindi na sya matulog at wala na syang ginawa kundi bantayan ka at hintaying magising..nakita ko rin syang umiyak habang hawak ang kamay mo ay paulit ulit nyang sinasambit ang paghingi ng tawad.."tuluyan ng tumulo ang luha sa mga mata ko dahil sa mga naririnig ko.

"ako ay isang hamak na katulong lamang senyora ngunit ninais ko ring makilala ang nag iisang babae na minahal ng dalawang senyor..hindi mo lamang alam ngunit lagi akong nakatingin sa iyong ekspresyon..nababasa ko ang sakit at lungkot mo sa tuwing pagmamasdan mo ang senyor bagay na hindi ko nakita noong bumalik ka at muling tapunan ng tingin si senyor Kurt..hindi kita pipigilan sa nais mong gawin ngunit gusto kong ipaalam sayo na sa gagawin mong pag alis ay tatlo kayong masasaktan ng husto.."huminga ako ng malalim at hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ng katiwalang nagbuhos sa akin ng nadarama nya para sa dalawa nyang amo na naging mahalaga para sa kanya.

"maraming salamat sa lahat ng pag aalala sa kanila..pero kailangan kong gawin ito..for once I want to think..ayokong ikulong silang dalawa sa magiging desisyon ko..Kurt chose to let me go..and Drew chose to make me an option..I was deeply hurt nung saktan ako ni Kurt iniwan ko ang bansang ito dahil sa kanya and Drew helped me get over without my notice na nahuhulog na pala ako sa kanya..I was thinking that falling inlove with Kurt was a fairytale I didn't plan to love Drew..it was so sudden..but I fell.Ayokong maging unfair sa kanilang dalawa..paano ang anak nya paano si Selena?ayokong maging dahilan ng pagkasira ng pamilya ng isang batang wala pang muwang sa mundo.Mahal ko sya but I've learned to love myself first.."ngumiti sya sa akin.

BETWEEN FOREVER AND HIM[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon