KURT HEDREI

1.1K 33 0
                                    

Hindi ko malaman ang gagawin lalo na ng malaman ko kay mama na ngayon ang uwi ni Katrina Arizala the girl of my dreams.

Halos hindi ako mapakali ng marinig ko ang paghinto ng sasakyan sa harap ng mansion kung saan kami naroon.

There goes my Kat tumatakbo papasok tulad ng dati..masigla at puno ng excitement ang mukha pero nawala yun ng makita niya kami especially me.

Nakaramdam ako ng paninibugho ng marinig ko ang boses ni Drew na pinapagalitan pa si Kat..ganun sila kaclose?

Mas lalo akong nanibugho ng mag usap silang dalawa na para bang inaalala nila ang mga araw na sila ang magkasama kaya agad ko yung pinutol.

"kumain na tayo tutal mukha naman gutom na kayo base sa pinag uusapan niyo.."yun lang ang sinabi ko na nagpatahimik sa kanila.

Napangiti ako ng marinig ko na hindi sasabay sa pagkain si Drew..pero ng makita ko ang paglungkot ni Kat at ang pagkapit niya sa braso nito ay parang kutsilyo na tumarak sa akin.

Sa akin niya lang yan ginagawa dati!

Gusto kong sumigaw at magwala pero I maintain my calm.

Nang magpaparty si tito Wil dahil sa pagbabalik ni Kat ay halos ikamatay ko ang nakita ko sa stage..they were smiling and holding each other's hand na para bang natural na yun sa kanila.

The way Kat look Drew into his eyes that's how she looked at me in the past.That twinkling eyes and that flashy smiles..ako lang ang nakakagawa nun sa kanya.

Dati..

Hindi ko na kinaya pa ang mga sumunod na araw.

"stop talking about the past.."matigas na anas niya.

"look Kat..ang hirap ng gusto mong mangyari..hindi ko basta pwedeng kalimu--"

"nagawa ko nga eh..ikaw pa kaya.."nanunuyang wika niya sa akin.

Masakit..na wala na ang babaeng halos gawin akong diyos dahil sa pagmamahal niya.Tumalikod ako sa kanya at tinanaw nalang ang matataas na building.

"if you want to go fine..but I'll get back what's rightfully mine!"puno ng pangako na sabi ko.

Napaigting pang lalo ang panga ko ng marinig ko ang tawag sa phone niya..it was Drew's voice.

"love you.."napahigpit ang pagsara ng kamao ko sa mga narinig ko.

Bago siya lumabas ay lumingon pa siya..hindi ko na natago pa ang nararamdaman ko.

I'm deeply hurt.

Galit na hinampas ko ang table ko ng makabalik ako sa opisina ko.

She's not my Kat anymore..nawala na yun..nawala na ang babaeng pinahalagahan ko noon.

naaalala ko pa kung paanong nagsimulang mawasak ang puso ko.

"aray!"umiiyak na Katrina ang bumungad sa amin ni Drew mula sa puno.

"princess anong ginawa mo at umiiyak ka?"pag alo sa kanya ni Drew.

"eh kasi..umakyat ako ng puno dahil gusto kong ikuha si Kurt loveydoves ko ng makopa.."nakangusong saad niya tinignan ako ni Drew pero umirap lang ako kahit pa natatawa ako ay sinarili ko ang nararamdaman kong saya.

Bata palang kami ay kaming tatlo na ang magkakalaro at magkakasama ilang beses na rin akong sinasama ng mga magulang ni Kat sa mga lakad nila dahil hindi daw siya sasama kung wala ako.I didn't find her clingy dahil sa totoo lang ay masaya ako na ganun niya ako pahalagahan.

Hanggang sa magdalaga siya.Tanda ko pa kung paano kumunot at nagsalubong ang kilay ko ng lapitan siya ni Ariel..matino ang lalaking yun at wala akong dapat na ikakaba o ikabahala sa kapakanan ni Kat pero may takot ako na baka makuha niya ang loob ni Kat.

BETWEEN FOREVER AND HIM[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon