Hindi ako makatingin ng diretso kay Kurt habang kumakain dahil sa mga nalaman ko.Puro tunog lang ng kutsara't tinidor na samahan pa ng pinggan ang naririnig namin batid ko na nakikiramdam lang sya sa sitwasyon.
"Kat..can I ask you something?"
"er..well sure.."alanganing sagot ko sa kanya.
"What if bumalik si Drew?"di ko inaasahan ang tanong na yun kaya di sinasadyang nabitiwan ko ang kutsara at tinidor na lumikha ng ingay.
"what?"napapalunok na tanong ko sa kanya.
"I'm sorry hindi ko na dapat tinanong.."hindi ako nakapagreact sa sinabi nya.
"Kurt why are you asking me that?"ngumiti sya sa akin bago umiling.
"naisip ko lang na may posibilidad na hindi si Drew ang ama ng dinadala ni Selena.."natigilan ako sa narinig ko.
"kung magkaganun nga hindi ko alam kung magagawa ko pang magtiwala sa kanya.."malungkot na tinignan ko sya.
"Kat.."hinawakan nya ang kamay ko na para bang nakikiramay sya sa namatay kong puso.
"Hindi ko kayang sumugal uli..natatakot ako.."tumayo sya at niyakap ako ng marinig nya ang panginginig ng boses ko.
"hush..nandito lang ako..I wont let him hurt you again.."gumanti ako ng yakap sa kanya ng sabihin nya yun.
Pagkatapos ng drama sa hapag ay nandito kami ni Kurt ngayon at nanunuod ng coco na cartoon habang kumakain ng pizza na nagpapaalala sa akin kay Drew this is his all time fav.Naagaw ang atensyon ko ng may marinig akong sumisinghot.
"are you crying?"nilingon ko si Kurt he just smiled habang pinupunasan nya ang pisngi nya.
"I like this concept..very family oriented..Naisip ko tuloy kung paano nga kaya kung nakalimot na ang iba sa mga namayapa nilang mahal..they will vanish..just like that..yan ang pinakamasakit na mangyayari sa buhay ng tao..pati pala sa kabilang buhay ganun din..how cruel can you get.."natahimik ako sa sinabi nya.
"hindi ko alam na sinapuso mo pala ang panunuod nyan.."ngumisi sya sa akin ng sabihin ko yun.
"yes..I'm glad I did..may natutunan ako.."gusto kong tanungin kung ano yun pero mas pinili ko nalang manahimik hanggang sa makarinig ako ng tunog ng sasakyan.
"I guess she's here.."kumunot ang noo ko sa sinabi ni Kurt at sumunod na din ako sa kanya sa pinto para salubungin ang dumating.
"nakakaistorbo ba ako?"hindi ako nakapagsalita sa taong bumungad sa harap ng pinto nakita kong nagyakapan sila ni Kurt bago sya bumaling sa akin.
"mukhang gulat na gulat ka..hindi ba sinabi sayo ni Kurt na darating ako?"pag iling nalang ang kaya kong gawin sa mga oras na ito.
"nasaan ang mga gamit mo Mela.."
"at the back of my car.."
Nakasunod lang ang tingin ko sa kanilang dalawa.Why is she here?bakit di man lang ako sinabihan ni Kurt para sana nakapaghanda ako?
"Carmela.."tumingin sya sa akin ng tawagin ko sya.
"I dont wanna be rude but why are you here?"I asked.
"ouch dear..you know Kat I'm being called by Kurt..ewan ko ba dito lagi nalang akong ginaģawang buntot..pinapasunod ako kung nasaan sya.."umiiling na sagot nya sakin kaya napabaling naman ako kay Kurt.
"do you mind Kat?"wala na akong magawa kundi umiling nalang sa kanila.
Ayoko ng gawing big deal isa pa wala akong karapatan na magreklamo this is his place.
BINABASA MO ANG
BETWEEN FOREVER AND HIM[completed]
RomanceMabuti pang lumayo ka nalang sa akin..kesa maramdaman kong malapit ka nga pero hindi ka naman akin..- HIM