Chapter 5

4.5K 148 9
                                    


James POV


Simula nung mga araw nayon nararamdaman ko na nagiging komportable na sya sa tabi ko, paano ko nalaman ? kase mas lalo syang sumusungit tapos mahuhuli mo nalang yung kiliti nya kase gusto lang pala talaga nya ng pagkain, tapos simula nong araw nung ako mismo nakakita nung a-ano nya ng tagos nya kinabukasan sakin na sya nag tatanong kung may tagos ba daw sya ? HAHAHA nakakatawa lang kase niloko ko sya nung nakaraan sabi ko may tagos pero wala naman talaga ayun nagalit sakin tapos di ako pinansin maghapon hahaha.



"Huli ka ! ngiti ka nang ngiti dyan ! susunduin mo pa yung girlfriend mo aba !" sabi sakin ni ate, nga pala linggo ngayun, ngayun na mag kakakilala kilala yung pamilya namin ni kristen excited nako.


"Oo weyt lang diba ? inaayos ko pa to !" Turo ko dun sa dalawang flowers na inaayos ko bakit dalawa ? para sa mommy nya yung isa.


"Sige mauuna na kami nila daddy at mommy sa resto dun padin ba sa pinuntahan natin dati ?" 


"Oo sige ingat kayo." tapos kiniss naman ako ni ate sa cheeks.


Nang makaalis na sila ate binuhat ko naman yung dalawang flowers tapos nilagay sa kotse ko at sumakay nadin ako tapos pumunta nako sa bahay nila labs mga 30 minutes nakarating nadin ako.Bumaba nako tapos kinuha yung mga bulaklak.


*Dingdong*


Agad naman bumukas yung pinto tapos bumungad sakin si tita.


"Magandang gabi po" tapos binigay ko naman yung isang bulaklak kay tita.


"Magandang gabi din iho. nandun naba sila ? hindi pa ba kami late ?" 


"Ah, hindi panaman po si kristen po ?" 


"Sandali tatawagin ko ah ? pasok ka muna." pumasok naman ako gaya ng sabi ni tita tapos umupo nako nakita ko naman si tito at toffer na bumaba, ayos ah ? ang gwapo nila hahaha.


"OH JAMES !" sigaw ni toffer.


"Hello." sabi ko naman.


"Alis na tayo ? wait lang ah ? intayin natin si kristen talaga nagpaganda payon nang sobra para sayo hahaha." sabi naman ni tito.


"DAD !"lumingon naman ulit ako sa may hagdanan tapos nakita ko naman si kristen at si tita syempre na patayo ako sa pag kakaupo ang ganda ng girlfriend ko.


"Lapitan mona !" sabi naman ni toffer.


Kinuha ko yung bulaklak syempre tapos iniabot ko sakanya.


"Salamat nag abala kapa." sabi nya sakin.

Ang Girlfriend Kong Basketball Player [Season 2] | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon