Chapter 49

1.3K 43 8
                                    


James POV

Kagaya ng sabi ni calvin pumunta kami sa bahay namin dun sa *toot* hindi kami nag shortcut kase malamang sa malamang don siguro sya dumaan sa may waiting shed na malapit lang sa bahay namin.

Tapos may nadaanan kaming convinience store, pinatigil muna ni chloe don kase nagugutom nadaw sya hindi padaw sya nag hahapunan simula nung tinawagan ko sya.

Bumaba din ako, bibili ako ng inumin nauuhaw narin kase ako, si kristen kaya kumain kaya yon ? haist kung hindi sana ako ginambala ni irish edi sana napakain ko yung lab ko.

Naiinis talaga ako sa sarili ko.

"Ako na magbabayad" Tumingin naman ako kay chloe, napabuntong hininga naman sya

"Yung bestfriend ko kaya ? Kumain na ?" Tapos tumingin naman sya sakin medyo nangingiyak ngiyak na sya. "James pano kung kinidnap sya ? O kaya namamalimos na sa daan ? Waaaahhh !" Grabe naman mag isip to.

"Hindi naman siguro, tara na maghanap na tayo" So ayun nga pinuntahan namin yung waiting shed wala sya don, tapos nalibot na yata namin yung buong lugar namin wala padin.

Nakatulog na nga si chloe sa sasakyan ko, kaya naman minabuti ko nang umuwi na muna kami sa labas nalang siguro ako ng bahay muna nila  kristen tatambay baka may pinuntahan lang yon at nalate lang ng uwi.

Ayoko kase mag isip ng negative.

Nang makarating kami sa bahay nila kristen ginising ko si chloe.

"Chloe ? Ihahatid naba kita sainyo ? Ako kase mag stay muna dito sa bahay nila kristen" Bigla naman syang dumilat.

"Ah james nakatulog pala ako sorry, siguro dito namuna din ako punta muna akong convinience store bibili ulit ako" Ginutom nanaman ulit.

"Samahan na kita" Akmang lalabas nadin sana ako

"Wag na dito kanalang kaya ko na naman mag isa may guard naman jan eh chaka malapit lang naman magbantay kanalang jan baka biglang dumating na si kristen" Tumango nalang ako sakanya, tinignan ko naman yung oras 12:55 na ng umaga, nasan na kaya yung labs ko.

Mga 10 minutong lumipas lumabas namuna ako ng kotse tapos umupo ako sa harapan non, medyo maginaw ng konti.

Ang tagal naman ni chloe, tinanaw ko naman sya baka parating na, hmpero iba ang natanaw ko may kotse na paparating at nag park din yun sa harap ng bahay nila kristen.

Tinignan ko naman kung sino yung bumaba, s-si kristen.

Tinanaw ko ng mabuti kung sino yung kasama nya syempre nagulat ako si steve, bakit nya naman yun kasama.

Sa pag hahanap ba namin sya lang yung kasama nya ? Buong araw ?

"Oy ! salamat ah." Sabi ni kristen don, napansin siguro nung kulokoy nayon na nakatingin ako, kaya bigla nyang hinarurot yung sasakyan.

Bastos talaga yon.

Tumingin lang ako kay kristen ng seryoso hanggang sa lumingon sya sakin at nakita ako.

"Buti nalang ligtas ka." Lumapit naman sya sakin.

"Anong ginagawa mo dito ng gantong oras ?" Medyo cold na sabi nya sakin.

"Hinahanap kita kanina pa, akala ko kung napano kana yun pala kas--" Hindi nya ko pinatapos sa sinasabi ko.

"Wag mokong pagisipan ng di maganda" Pero papaano nya ipapaliwanag sakin kung bakit sila mag kasama non ?

"Bat kayo mag kasama ?" Oo tama kayo nag seselos ako, dapat ako lang yung kasama nya.

Tumingin lang sya sakin ng seryoso.

"Diba ? Sinabi ko na ? Wag mokong pag isipan ng masama, di ako kagaya ng iniisip mo" Papasok na sana sya ng hinila ko sya, nang gagalaiti ako.

"Hindi pa tayo tapos magusap ! Bakit nga kayo mag kasama ?! Dapat hindi mo pinag kakatiwalaan yon !" Pinipilit nya naman makawala sa pag kakahawak ko sakanya.

"Ano ba ?! Bitiwan moko ! Nasasaktan ako !" Napabitaw naman ako nung sinabi nyang nasasaktan sya, ang gago ko ano bang ginagawa ko ? "Sabihin mo nga sakin ?! Ikaw ba dapat ko pang pag katiwalaan ?! Sa oras nalang lagi na mag kasama tayo lagi kanalang susulpot at biglang mawawala ! Umamin ka nga meron bakong hindi alam?!" Napaiwas nalang ako ng tingin.

"Ano ?! Tumingin kasakin ng diretso ! meron bakong hindi alam ha ?!" Yumuko lang ako, pano bato ?

"Kristen ?" Napalingon naman sya, kay chloe na may hawak hawak na binili nya sa 7/11.

Tumakbo naman ng mabilis si chloe kay kristen at niyakap nya naman to.

"Bessy huhuhu akala ko nawawala kana" Naiyak na sya.

Hays :( kasalanan ko nanaman kung bat nag aaway kami, kasalanan to ni irish ! Kung hindi dahil sa kanya di dapat maliligaw si kristen ! Sana mag kasama kami ngayung araw at hindi dapat si steve ang kasama nya !

"Huh ? Bes dinaman ako mawawala eh, naligaw lang ako." Sabi nya habang hinahagod hagod ang likod ni chloe.

Napasandal nalang ako sa kotse ko tapos napahawak sa ulo.

"Umaga na kaya may pasok pa tayo bukas dito kanalang matulog ipapaalam kita kay tita huh ? Halika na sa loob" Nang makita kong papasok na sila sa loob aabante sana ako para makausapin sya pero inunahan nya nako.

"Bukas nalang tayo magusap wag ngayon, pagod ako" Kaya naman inatras ko nalang yung mga paa ko at yumuko.

Pumasok nalang ako sa kotse ko dahil mag kapit bahay lang naman kami inatras ko nalang yung kotse ko at nilock yon umuwi nako ng bahay.

Hanggang ngayun naiisip ko parin lahat ng kasalanan na nagagawa ko kay kristen ang lakas ng loob ko paghinalaan sya kanina samantalang ang dami ko nang kasalanan sakanya na wala manlang syang ka idea idea.

Habang tumatagal palaki na ng palaki yung gulong pinasok ko hindi ko na alam kung pano ko to maayos, lalong hindi ko narin alam kung anong muka ang ihaharap ko sakanya bukas.

Pag pasok ko nang kwarto humiga agad ako kahit hindi pa nakakapagbihis at nakakapaghubad ng sapatos napagod din ako sa pag hahanap sakanya.

Sana talaga hindi ko nalang sinunod si irish sana walang gulo walang away at higit sa lahat masaya sana ang araw naming dalawa.

"Argggg !" Binato ko naman yung unan sa pader.

----------------------

Orayt hanggang dito na muna po yung update sinulit ko na kase may pasok napo uli bukas eh, sa mga silent reader mag ingay naman kayo sa comment box, para ganahan po ako mag update.

Samahan nyo narin ng vote.

Salamat guys sa pag babasa :x

Ang Girlfriend Kong Basketball Player [Season 2] | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon