James POV
"Anaaak!! kamusta kana dyan ?" Sigaw ni mommy ng makita ako mula sa cellphone ni ate.
"Mommy! okay lang po ako dito, kayo po ba dyan?" Dali dali akong pumasok sa kwarto ng dorm ko at nag tanggal ng sapatos, kauuwi ko lang galing school eh.
"Nako anak, ayos lang kami dito. wag kang mag alala samin masyado, dapat ang sarili mo ang inaalala mo dyan"
"Wag din po kayo mag alala sakin inaalagaan ko naman po ang sarili ko dito"
"Ano kamusta naman ang pag aaral mo dyan? masaya ba ?" biglang tanong naman ni ate ngumiti pa ng parang nakakaloko.
"What do you mean ? malamang masaya tsk" tingin mo sa akin ? never magiging masaya?
"Oh really? e ba't parang galit ka? hahaha" tawang tawa na sabi nya ano bang problema nito at nang aasar na naman.
"Alam mo? sana di nako tumawag badtrip ka" Nakakunot na noo kong sabi sa kanya.
"Jasmine tama na yan, ang mabuti pa'y tatawagin ko na lang ang daddy mo matutuwa yon kapag nalaman nyang tumawag ka" Tumango nalang ako kay mommy habang nakatingin parin ng masama kay ate, gigil mo nako.
"Tsk, parang bata. so ano nga kamusta kana dyan ?" medyo sumeryoso na sya.
"Ayos lang medyo nakakapagod"
"Yan kase ano ba kaseng pumasok sa utak mo at pumunta ka pa dyan"
"Tsk, hayaan mo na nandito na eh. atsaka mabuti narin to nang makahinga na sya ng maluwag. feeling ko kase nung nandyan ako na su-suffocate ko na sya. lalo na pag nakikita nya ko tsk"
"Ang panget mo kase"
-.- konti nalang talaga
"Ikaw den, ang panget mo kausap"
"Joke lang, alam mo narinig ko lang may nakakatext si kristen" ano kamo? parang biglang kumulo yung dugo ko.
"Ano ? sino nag sabi sayo nyan"
"Narinig ko nga lang di ba ?"
"Nalintikan na"
"Paalis alis ka pa kase, baka dinidiskartihan nayon ng iba" Doon lalo kumulo yung dugo ko, kaya naman naisip ko na patayin muna yung call at tatawagan ko ang calvin nayon.
"Oy, saglit lang" Malalagot sakin yang calvin nayan, ang sabi ko bantayan. pero ano tong narinig ko mula kay ate.
"Ha? eh, wait lang pabalik na si mommy kakausapin ka pa ni dad"
"Saglit lang ? i'll be right back in a few minutes" Nag hang-up nako sa call namin ni ate, tapos tinawagan ko naman tong calvin nato. hindi na nagagawa ng maayos ang binibilin ko eh ano ba kaseng pinag kakaabalahan non?
Ringing..
Ang tagal sagutin potek.
Connecting..
What the hell ? nawawalan pa ata sya ng signal
"BROOO!! napatawag ka?" At ayon na nga bumungad na ang muka nya, bwiset ka.
"Ikaw ba eh nagagawa mo pang bantayan ng maayos si kristen ?" Nagtaka naman yung muka nya sa tanong ko.
"BABE!! Halika nga dito" Sigaw ni chloe sa kabilang linya