James POV
Pagkahatid ko kay kristen sa room nya tinatawagan ko naman si calvin pero hindi nya sinasagot tatanungin ko sana kung papasok ba sya sa next subject namin pero mukang hindi kase diba nag date nanaman yung dalawa ? Tch, so ayon eto ako nag lalakad papunta sa may parking lot may kukunin lang ako saglit sa kotse ko.
Mga ilang hakbang pa para makarating dun ng may marinig akong nag tatalo.
"Hoy ! Lalake bayaran mo to !" Familiar na boses.
"Tch, Oo na teka mag kano bayan ha ?" Isa pang familiar na boses.
"250 ! Tss. paano naman tong damit ko ?" Syempre ako naman nililibot ko yung paningin ko kung sino bayung nag tatalo nayon.
"Ano ?! Pambihira ! E diba ikaw na nga yung nakabangga sakin ako padin may kasalanan nyan ? pumayag na nga akong bayaran yung starbucks nayan ! minsan monarin matapunan ng kape yung damit ko pinabayaran ko ba sayo ?! " Nang makita ko yung nag tatalo mapapalaki nalang yung mata mo dahil alam mo na talagang mag kakaroon ng WORLD WAR 3 ! Si ate at si kristofer ! anu bang ginagawa ng dalawang yan dito ?
Wait teka kailangan tong malaman ni Kristen ! Syempre dali dali akong tumakbo dun sa room nya naku ano kayang magiging reaksyon nya pag nalaman nya yon ? Tch, anu bang nangyayare sakin kalalake kong tao nagiging chismoso nako.
Tapos ayun nga nakita ko si kristen na nakayuko don habang nagtuturo yung sir nila, kaya naman agad agad akong nag excuse don.
"Sir pwede excuse lang po kay kristen ?" tapos makikita mong kinikilig yung mga babae don sa loob ng classroom nila pero hindi naman maingay.
Tapos ayun hinila ko na si kristen papalabas baka kase di pa namin maabutan sila ate don.
"Uy ano bang nangyare bakit madaling madali ka ?" Hinila ko pa sya lalo.
"Basta" Hindi nanaman sya nag salita tapos halos tumakbo na kami papunta sa parking lot tapos ayun mabuti naman nandun parin sila.
"Oh ano ? bayaran mo na dali !" Singil naman ni ate kay toffer.
"OO na eto na !" Dudukot na sana si toffer pero biglang namang nagsalita si kristen kaya syempre napatingin yung dalawa samin.
"Jasmine ? Kuya ? anung ginagawa nyo dito ?" tapos lumapit naman sya dun sa dalawang kung magtalo parang aso at pusa.
"Ahh , Kristen" Sabi ni kristofer tapos humarap sila samin.
"Oh ate? Anung nangyare dyan sa damit mo ? Bat may mantsa yan ? Pinaligo mo bayang kape ?" Natatawa kong sabi kay ate pero tinignan nya naman ako ng masama.