James POV"Hoy" Tawag nya sakin pero diko parin sya nililingon.
"Maligno ?" Patuloy nya.
"HOYYY !" Nilingon ko lang sya, medyo natawa ako sa itsura nya muka syang batang nalugi.
"A-anong tinatawa tawa mo dyan ?" Napatigil naman ako sa pag tawa, tapos inalis ko yung tingin ko sakanya.
"S-sinong natawa ?!" Bakit ba diko to matiis ?
"Tsk pinagtitripan mo ba ko ?" Hindi parin ako umiimik.
"Bahala ka jan" Umalis naman sya sa harapan ko at nag lakad ng papalayo.
Ano bang ginawa ko ? Hays ! Gusto ko lang naman makita na inaamo nya ako eh pero hays ang shunga ko.
Hinabol ko naman sya at nang maabutan ko sya ako naman yung hindi nya pinapansin, ano bang nakain ko at nag pa choosy ako =.=
"Huy laaaaaabbb !" Hindi nya parin ako pinapansin >_<
"Laaaaaabb ! Sorry nanaman oh !" Tumingin lang sya sakin pero nagpatuloy parin sya sa pag lalakad.
"SORRY NAAAAA! T.T" Lumingon naman sya tapos gulat na gulat syang nakatingin sakin.
"Hoy ! Tumayo ka nga jan !" Sigaw nya sakin medyo malayo na kase sya sakin bago nya napansin na nakaluhod nako.
"AYOKO DI AKO TATAYO HANGGANG DIMOKO BINABATI !" Naglakad naman sya papunta sakin itatayo nya nasiguro ako at babatiin hihi, ng biglang may ilaw na tumapat sakin muka.
"Sir ? Jusko po anong ginagawa mo jan ?" Tinignan ko naman yung guard ng masama, pasira sya ng moment eh ! Ayun na eh ! Itatayo nya nako eh tapos ... Ayts !
Tumingin naman ako kay kristen bumubulong bulong lang naman sya tapos tumalikod na.
Bago ako tumayo tinitigan ko na muna ng masama yung guard, tapos hinabol ko na si kristen.
"Labsss ! Sige na sorry na :(" Hinawakan ko naman sya sa kamay, tumigil naman sya sa paglalakad at tinitigan ako.
At kineltukan ako.
"Ikaw ? Paano moko napagiisipan ng masama ah ? Wala kang tiwala sakin ?" Umiwas naman ako ng tingin sakanya.
"Ano ? Wala kabang tiwala sakin ?"
"A-ah h-hindi naman sa ganun" Lumapit pa sya sakin ng mas malapit.
"Bago ka magselos jan, isipin mo muna kung ginusto ko bayun o hindi, ilang ulit ko ba sasabihin sayo na nadulas lang ako sinubukan nya kong saluhin kaso pati sya sumama sa pag kakatumba ko yun yon" Napangiti naman ako nag papasalamat ako sa taas dahil biniyayaan nya ko ng girlfriend na tapat sakin, ako lang naman yung hindi tapat sakanya ang dami ko nang sikretong tinatago sakanya.
"Oo napo sorry na." Yayakapin ko sana sya pero naglakad lang uli sya.
"Lab naman hug lang ?"
"Tse. Magtiis ka jan ! Uuwi nako" Tumakbo uli ako sakanya, okay lang naman na maghabol literal para sa taong mahal mo diba ?
"Labbb weeeyyyttttt hatid na kita!"
Kristen POV
Time Check
3:15 AM
Nilagay ko na lahat ng mga gamit ko sa bag at binitbit na yung bola, oo maaga uli akong nagising ngayun para mag practice kase 3 araw nalang ang paghahanda namin at sasabak na kami.
Bumaba nako tapos pinatay lahat ng ilaw, tulog parin sila kaya dahan dahan kong sinarado yung pintuan.
"Hi labs ! :D "
"Ay pwet ng maligno !" Lumingon naman ako sa maligno na nakangiti ng sobra sakin.
"Nagulat naman ako ! Bakit ba bigla bigla kanalang nag sasalita jan !" Yumuko naman sya.
"Sorry lab" Tsss, hinagis ko naman yung bola sakanya at nasalo nya naman yon, tapos nag patuloy naman ako sa pag lalakad.
Lumingon naman ako sa nag dadramang maligno -_-
"Hoy ? Tatayo kalang ba jan ?" Ngumiti naman sya ng malapad ulit tapos sumabay na sa paglalakad ko at inakbayan ako, di nako umaangal oo na ! Bati na kami.
"Labs ? Gusto mo ba na mag almusal muna ? Bago ka mag training ?" Okay lang ba sya ?
"Lab ? Okay kalang ? Di kaba naging player mabigat sa tyan pag nag jogging ako" Bigla nanaman syang ngumiti ng abot langit ! Ang creepy. wala namang kangiti ngiti sa mga sina-- oh no.
"Ano sabi mo ?" Tapos nag iba nayung ngiti nya yung nakakaloko na.
"H-ha ? W-wala ! Mag start nako mag jog jan kana !" Tumakbo naman ako sa loob ng court tapos naramdaman ko namang sumusunod sya sakin.
"Labbb ! Ano nga sinabi mo ?" Hays bat ba nag ka boyfriend ako ng makulit ><
"Wala nga sabi !!!" Hanggang sa napagod lang sya sa kakahabol sakin matagal narin kase sya tumigil sa pag tetraining ewan ko lang sa gunggong nato kung bakit hindi tinuloy hindi tuloy sya makakasama sa international.
Nang matapos ako sa 1hr na pag jojog ko tinawag ko naman sya, gagamitin ko kase sya kaya ako nagpasama sa kanya -_-
"Oy ! Halika dito !" Niyakap nya naman yung sarili nya para syang sira.
"Halikan ? Ikaw lab ah ! Sabi ko na nga ba may pag nanasa ka sakin eh !" Ang kafal ! Nilapitan ko sya tapos hinawakan ko yung tenga nya at hinila sa tapat ng ring.
"Itigil mo na nga yang pag aassume mo ! Mabuti pa tulungan mo nalang ako sa pag tetraining bantayan moko yung pinaka mahigpit na pag babantay mo na isipin mo na lalaki ako !" Kinuha ko naman yung bola.
"Opo boss" Sagot nya naman sakin.
"Okay ready kana ?" Tanong ko sakanya habang dinidribble yung bola.
"Yes po boss !" Tapos pumorma naman sya nang naka lateral position.
Umatake naman ako pero hindi siya gumalaw at tinignan nya lang ako na maka-shoot.
"Hoy ! Anong ginagawa mo ? Bat dika gumagalaw ?" Kumamot naman sya ng ulo.
"Eh a-ayaw kase kita masaktan eh baka mapwersa kita." Binato ko naman sya ng bola.
"Eh kaya nga kita sinama dito para don ! Kase malamang sa malamang kasing lalakas ng mga lalaki ang mga babae dun !" Tumango tango naman sya.
Ginawa nya naman yung pinapagawa ko ang kaso ingat na ingat syang hindi mapadanggil yung katawan nya sakin para di ako mapwersa kaya parang baliwala parin, kaya naman humingi muna ako ng timeout sakanya.
"3:45 na lab ? Gusto mo kumain muna" Sige gutom narin yata ako.
Binitbit nya naman yung bag ko at pumunta na muna kami ng 7/11 may malapit dun sa labas nitong village.
Kahit papaano napagod din ako sa training namin, iba parin talaga kapag lalaki yung kalaban napupwersa parin yung katawan mo, pero panigurado ako na parang katawan ng lalaki yung makakasagupa namin don.