James POV
Kinabukasan maaga ako nagising gusto kong mag try magluto para kay kristen , Bakit ? wala gusto ko lang malaman yung feeling na pinagsisilbihan yung prinsesa ko, ang aga aga bumabanat nanaman ako , well yan yung isa sa nagagawa ng love.
Kinuha ko naman yung tablet ko sa kwarto ko muna at sinearch ko kung paano mag luto ng kare kare una sa lahat kailangan kong maghanda ng mga ingredients, wala akong hilig sa pagluluto at tsaka di ako magaling pero dahil may tiwala ako sa sinearch ko follow the step nalang muna.
Tinignan ko yung oras 6:00 AM na 10:00 AM panaman yung pasok ni labs kaya may oras pako para makapagluto , so ayun nga tinignan ko yung mga ingredients unang una sa listahan ng mga kailangan sa pag luluto ng kare kare ay yung tuwalya ng baka anu yun ? meron kaya nun sa ref namin ? sunod ay ang talong,petchay,alamang at yung peanut butter ,sibuyas at yung kapartner ng karekare yung alamang.
Hinanap ko naman sa ref namin yung mga yun pero meron akong hindi nakita don yung tuwalya ng baka at yung alamang haist naku pano yun.
"Paktay, pano ko maluluto to ng wala yung mga main ingredients." Napakamot nalang ako sa ulo.
"Iho may problema kaba ?" Sabi sakin ni manang.
"Ah, manang magluluto ho sana ako ng kare kare kaso wala naman akong mga ingredients." Lumapit naman sya sakin.
"Aba iho magaaral kanang magluto ? para kanino bayan ha ? Alam ko na sa gerlfrend mo ano ?" Tumango tango nalang ako sakanya habang nangangamot.
"Hala sige hintayin mo ako dito at mamamalengke ako para dyan sa lulutuin mo." Aalis na sana si manang pero syempre hinawakan ko sya. "Manang samahan ko na po kayo :) , ipagmamaneho ko napo kayo para dinapo kayo masyadong mapagod." Tumingin naman sya sakin.
"Seryoso kaba iho ?"Tango nalang ulit yung naisagot ko sakanya.
Nagbihis naman agad ako tapos si manang nag dala ng bayong kinuha ko naman yun at nilagay na sa loob ng kotse inakay ko naman si manang papasok ng kotse pumasok nadin ako at ayun pumunta na nga ako sa palengke at nakita ko namang napakaraming tao tapos medyo maputik putik pa na sa section kase kami ng palaisdaan, nasa dulo daw kase yung babuyan.
"Magkano po ang kilo nitong tuwalya ninyo ?" Tanong ni manang dun sa nag bebenta ganun pala itsura nyan -_- di ko na kase tinitignan pag kinakain ko na.
"150 po ang isang kilo."
"Aba'y nag mahal na pala ano ? sige bigyan mo ako ng kalahating kilo." Binayaran ko naman yung binili ni manang , pagkatapos nun pumunta naman kami ng gulayan bumili kami ng petchay talong alamang at peanut butter.
Nang mabili na namin lahat yon agad agad na kaming umuwi 8 am na , kinuha ko agad yung tablet ko at sinundan yung pattern para makaluto ako ng ganun niluto ko narin yung alamang tapos nilagay narin yun sa lagayan pero may napansin ako sa niluluto ko.