James POV
"Ateee ! Pwede bilisan mo ?" Sigaw ko kay ate habang hawak hawak yung mga bulaklak na kabibili ko palang.
"Oo nandyan na kami sandali lang" Habang wala pa sila ipinasok ko sa loob nang sasakyan yung bulaklak na dala ko at humarap muna sa salamin.
"Todo ang pag papagwapo mo sa sarili mo kafatid ah ! para namang makikita ni kristen lahat ng pagaayos mo no ?"
"Alam mo ate makita man nya ako o hindi kailangan laging maayos malay mo naman mapanaginipan nya ko habang natutulog sya diba ?" Lumapit naman sya sakin.
"Ipagpatuloy mo lang yan kafatid pogi points din yan hahaha" Lumabas din si mommy at daddy inakayan ko naman si mommy papasok sa kotse, tapos sumunod si manang dala dala yung prutas na dadalhin namin sa hospital.
Nga pala nag kausap na kami ni daddy tungkol kay irish maging sya ay hindi makapaniwala na magagawa yun ni irish, nag sorry din sya sakin aayusin nya daw yung tungkol dun, at ang gusto ko lang na mangyare ngayun ay yung makita nayung taong mahal ko.
"Okay na ? tara na "
@Hospital
"Ate kinakabahan ako kay tofer baka galit parin sya sakin." Totoo kinakabahan ako sakanya baka sapukin nya nanaman ako eh, ang bakla ko sa part nayun.
"Haist wag mo na munang isipin yung abno nayun, basta nandito ka para patunayan yang sarili mo ulit kay kristen." Tumango tango nalang ako sakanya tapos inalalayan ko nalang ulit sila mommy na pumasok na sa loob at pinuntahan namin agad yung room ni kristen nailabas na daw sya sa ER eh stable nadaw yung kalagayan nya, yun nga lang di parin sya nagigising.
Laking pasalamat ko sa panginoon na naging okay na sya na nalayo na sya sa kapamahakan.
Nang makarating kami naabutan namin si tofer, napatayo naman sya nung nakita ako mag sasalita na sana sya ng bigla syang nilapitan ni ate piningot nya yun at hinila papalayo =.= parang mga bata.
Kumatok nalang ako sa pintuan at pinagbuksan naman kami ng pinto ni tita mommy ni kristen.
"Magandang umaga po" Pagbati ko, nakita ko namang napatayo ng upuan si tito at nginitian kami nakahinga ako ng maluwag akala ko galit sila sakin.
"Naku magandang umaga po sainyo, tuloy po kayo" Pumasok naman kami tapos iniabot ko naman kay tita yung prutas na dala dala namin.
"Maraming salamat iho, nandun si kristen puntahan mo sya." Tumango nalang ako, tinignan ko naman yung bulaklak na hawak ko na balak kong ilagay sa flower vase na nakapatong sa lamesa sa tabi ng hinihigaan ni kristen.
"Maraming salamat din po sa pag dalaw nyo." narinig kong sabi ni tita.