Kristen POV
"Talaga bes ? eh anu naman kayang Ganap sa mag pinsan nayun ?" Napapaisip din namang tanung sakin ni chloe.
"Hindi ko din alam, basta ang narinig ko lang nagbalik daw yung pinsan ni maligno dahil tatalunin nya na daw si maligno." Hahaha, nagiging tsismosa nako wala nacurious ako eh kung anung nangyare dun sa dalawa.
"Ay shala ! may pa-revenge effect si koya ? " Atsaka binirahan ng tawa anu naman kayang nakakatawa ? minsan may pag kaabnormal din to eh , magugulat kanalang tatawa nalang bigla eh wala namang nakakatawa parang sinasaniban lang ng masamang ispiritu eh.
"Oo. parang ganun na nga." Tapos ininom ko naman yung softdrinks na binili namin ay nga pala nakatambay kami ngayun sa rooftop nila , wala namiss ko tumambay sakanila e hinatid nga pala ako ni maligno dito sa bahay nila chloe maaga ako nakapunta sa kanila kase wala kaming training ginagamit yung gym namin tapos nagpaalam naman ako kila mommy na dito na muna din ako matutulog sa kanila.
"Pero teka gwapo din ba ? kamuka ba ni james ?" Anu bang klaseng tanung yan.
"Hmm. oo ?" Medyo magkamuka sila pero mukang kapre yung pinsan ni maligno medyo matangakad ng kaunti yung pinsan nga nya pero mas pogi si ahh, alam nyo nayun.
"Ay hindi sigurado ?" Pagtatanung nya.
"Mukang kapre yung pinsan ni maligno." Sinabi ko sakanya yun nang walang reaksyon, tapos ininum ko nalang ulit yung softdrinks malapit nadin kasing maubos.
"KAPRE ?! Edi matangkad ?" Napatakip nalang ako ng teka dahil sa pagkakasigaw nito grabe mabibingi ako dito eh.
"Oo nga wag kana ngang magtanong, kulit mo eh." Ngumuso naman sya nagiging abnoy nanaman.
"Eh i-describe mo na kase ng tuluyan binibitin moko :3 ." Teka sinabi ko na sakanya na mukang kapre nga diba ? ano paulit ulit nalang tayo dito ganun ? pero syempre dinescribe ko nalang.
"Tss. oo na , matangkad sya ng kaunti kay maligno pero maputi tingin ko may lahi sya pero ewan ko lang ah ? di ako sure. maitsura sya pero.." Pinutol naman nya yung sinasabi ko.
"Pero ano ? mas gwapo si james ? Ayieeeeeehhh !" Sinundot sundot naman ako sa tagiliran ko parang baliw talaga.
"Tch , Ay malapit na mabutas tagiliran ko , konting diin nalang yung kulang " Napatawa naman sya sa sinasabi ko, see ? wala namang nakakatawa eh.
"Ay hahaha, sorry bes kinikilig lang hihihihi, O sya tara na anung oras na tulog na tayo " Tumango nalang ako sa kanya kinuha ko naman yung bote ng softdrinks at tinapon ko sa basurahan tapos bumaba na para pumunta dun sa kwarto nya oo tuwing makikitulog ako sa kanila nasanay na kaming katabi namin yung isa't isa.