Chapter 36

1.5K 58 13
                                    


Hello guys ! Ngayun palang humihingi nako ng tawad dahil sa sobrang tagal ng UD ko ngayun nagsabay kasi yung training at dami ng mga projects :(

Pero gumawa ako ng paraan ngayun para makapag update susubukan ko uli bukas.

Sana wag kayong magsawang sumuporta para sa JATEN.

Labyuu guys.

:x

Kristen POV

'Niloloko nya naba ako ?'

'Niloloko nya naba ako ?'

'Niloloko nya naba ako ?'

Paulit ulit kong tanong sa sarili ko ? di ko na kase alam kung ano naba tong nararamdaman ko ?

"Guys ! Tara sa arcade !" Kelly habang tinuturo yung arcade.

"Oo nga para mabilis ma digest kinain natin hihihi" Fhaye na nakahawak pa sa tyan.

Hindi ko alam kung maniniwala bako na mag kakababata lang ba talaga sila o may namamagitan na ba ?

Haist ewan parang pinaglalaruan nayung nararamdaman ko.

"Uy ? Tulala ka ?" Pag puna sakin ni katrin ewan ko rin ? Natutulala nalang ako sa mga nangyayare.

"A-ah ? Wala san nga uli tayo ?" Pag iba ko ng topic.

"Arcade.. Tara ?" Tango lang yung tanging nasabi ko sakanya at tahimik na sumunod nalang sakanila.

At dahil nga nag bukod bukod sila ako naman alam nyo na pumunta ako sa basketball ganun talaga pag ball is life.

Ilalagay kona sana yung card ko ng biglang may ibang nag lagay don.

"Sorry miss nauna nako" sabi nung lalaki at bigla nalang ako tinulak aba't ang siga nito ah !

"Teka ! Pero mas nauna ako sayo !" Ngumiti lang naman sya sakin ng nakakaloko.

"Ang mga basketball player ang pina-priority dito ! Kaya tsupi ka dun ka !" Eto ang pinakaayaw ko sa lahat yung ni yayabangan ako eh.

"Oh talaga ba ? BASKETBALL PLAYER ka ? Hindi kase halata eh ? muka kang mag babalot sa labas o kaya sabihin na nating basketball player ka pero sa bangko lang ?" akmang hahagisan sana nya ko ng bola sa muka ng may humarang sa harap ko.

"Hahaha pare wala namang ganyanan babae yan oh ? Papatulan mo ?" Dahil sa hindi ko kilala tong humarang sakin sinilip ko yung muka nya mula sa likuran nya gets nyo ?

Dun ko lang napagalaman na si steve pala yon, tsk bat ba sya nakikielam kaya ko naman to eh.

"Bakit sino kaba ha ? Masyado kanaman yatang pakielamero!" Tapos binato sakanya pero nasalo nya naman yon.

"Easy lang ! Diko naman kayo pinapakielaman kung sasapukin mo kase yung babae hindi patas eh kung idaan nyo nalang dito ? Paramihan ng score kung sino manalo sya yung ipa-priority dito tama ba ? " parang gunggong din to san kaba nakakita na dito lang e meron pina-prioritize ?

"Oo tama yonnn !" nakisabat na lalaki

"Oo nga maging patas ka sa babae oy !" Isang lalaki pa don ko lang na pagtanto na napapalibutan na pala kami maging sila kelly e nandito nadin.

"HAHAHA seryoso ba talaga kayo ? Pero kung yan ang gusto nyo okay pumapatol ako sa mga babae !"

"Dami mong satsat simulan nalang natin tsk" Nilagay ko nayung card ko tapos inantay nya naman ako na lumabas yung mga bola tsaka namin sinimulan.

Chill lang ako sa pag shoot ng bola, parang walang reaksyon ganun habang dalawang kamay ang gamit ko, yung kanan at kaliwa kong kamay parehas na may shino-shoot na bola.

"Waaah ang galing nya halos walang palya !" naririnig kong sabi ni fhaye

"Oo nga hahaha wala si captain paba ?" Katrin

Nang malapit ng matapos ang oras nag tabi ako ng bola para sa last shot.

"5 , 4 , 3.." naririnig kong bilang ng mga nasa likuran ko agad kong kinuha yung pang last shot at agad kong ni-release yon.

At ano paba ? Syempre pumasok yon at ang final score ko ay '620' pag silip ko naman aa kabila ay '250' lang napatingin lang sya sakin habang nakanganga lumapit naman ako sakanya at agad tinikom ang bibig nya.

"Better luck next time " bulong ko sakanya tapos tinap ko ang balikat nya tsaka alis.

Pumunta naman ako kila kelly tsaka tuluyan na kaming umalis.

"Magaling magaling cap !" Tapos nagtawanan naman sila

"Whooo cap iba ka !" Fhaye

"Tsk, ayoko na dito sa arcade" Pag ungot ko sa kanila.

"Eh san mo ba kase gusto ?" Rhoneth tapos umakbay sya sakin.

"Tsk, ewan kayong bahala sunod nalang ako sa inyo pero mas maganda sa tahimik na lugar yung walang mayayabang kagaya nung kanina." Nagsi-tanguan naman sila.

"Hahaha dahil gusto ni cap sa tahimik.." Fhaye na may pagtaas pa ng kamay "Sa VBOX nalang tayooo!" tsss, sabi ko sa tahimik hindi sa kantahan nakakabwisit lang eh.

So ayun dahil wala nakong nagawa sumama nalang ako sa kanila no choice alangan namang bumukod ako sa kanila at mag solo hayaan nalang dahil para din naman mag karoon ng bonding yung team.

Ang kaso may isang nakikisunod eh dahil excited na sila nagsipasukan na sila at kumuha ng isang room ako naman tumigil muna sa pag lalakad at hinarap tong kanina pang nasunod samin.

"Oy san ka pupunta ? Wag mo nga kaming sundan !" Lumingon naman sya sa likod nya na kunwari wala syang idea na sya yung tinutukoy ko

"Wag kanang lumingon dahil ikaw mismo ang tinutukoy ko !" Itinuro nya naman yung sarili nya na parang nangaasar pa eh.

"Wala lang gusto ko lang" Tanging na sagot nya nalang, haist bahala na sya dyan.

Sumunod nalang ako sa kanila bago paman ako makarating don sa room namin may biglang humila sakin at niyakap ako at nagulat naman ako dahil si steve ang gumawa non, pinilit ko namang kumawala pero sinigawan nya ko.

"Wag kang gagalaw !" Tsk ano bang problema nya ?

Steve POV

Sumunod lang ako kay kristen kahit na alam kong bugnot na bugnot na sya sa pag mumuka ko HAHA ewan ko ba pero masaya ako sa ginagawa ko.

Pumasok naman sya sa vbox kaya naman bumuntot ako sa kanya, sinilip nya naman yung bawat pintuan dahil yung kalahati ng pintuan nayon sa taas non ay salamin which is medyo makikita mo yung tao sa bawat room.

Yung room na kinuha nila ay nasa bandang gilid kaya nag tuloy tuloy kami sa pagpasok.

Habang nasa kalagitnaan na kami ng bawat room ay nahigit ko si kristen papalapit sakin.

Sa room number 20 kase na nasa mismong harapan namin nakita ko si james kahalikan si irish.

Pilit naman syang kumakawala kaya naman na sigawan ko sya hindi ko alam pero ayoko makita nya yung eksena nayun ayoko syang makitang nasasaktan.

Ang Girlfriend Kong Basketball Player [Season 2] | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon