Hello guys!! goodmorning, pasensya na ulit sa late update sa kadahilanang nawawalan kami ng connection, kaya hindi ko magamit yung laptop ko dapat nung nakaraang araw pa sana ako mag uupdate. kaya napilitan akong mag paload sa cp ko para makapag update ako, dahil may mga taong nag tyatyaga pa din na mag basa ng story ko :* na-aappreciate ko kayo ng sobra guys!! kaya eto na yung update. muaps :xKristen POV
"Huy!! ano na tunggain mo na yan haha" may kasamang pag tapik pa'tong si chloe eh.
"Tss" tinignan ko ang baso ko at inikot-ikot ko naman ang yelo.
"Alam mo ikaw capt? ba't parang humihina kana ata sa pag inom?" medyo natatawang tanong nya habang nag papalutang lutang at bahagya namang nakataas ang isang kamay dahil sa hawak nya ring baso.
oo ang trip kase ng mga to eh, dito daw kame sa pool uminom at ng mabawasan daw yung init na lumalabas sa katawan namin. atsaka humiwalay kami sa mga boys mahirap nadaw sabi ni jasmine, tsk.
"Wala lang ako sa mood makipag inuman ngayon" walang ka emosyon emosyon na sagot ko sa kanya. "Atsaka isa pa, wag nyo na'kong tawaging capt dito, dahil wala naman tayo sa loob ng court. sanayin nyo nga paminsan minsan na tawagin din ako sa pangalan ko" syempre nakakailang kaya, capt sila ng capt wala naman kami sa court.
"Taray mo teh, sa tagal ng panahon ngayon mo lang nai-suggest. magagawa ba namin eh nakasanayan narin namin yun." Rhoneth atsaka shumat mismo sa sarili nyang baso.
"Oo nga, pero mas bet ko nang tawagin ka sa name mo. para di masyadong nakakababa diba kristen?" Fhaye. wala na lasing na ang isang to.
"Hay, oo nga kristen na lang panay captain tayo wala na nga --huk tayo sa court" Keith isa pa'to sinisinok sinok na eh hahaha, kung makikita mo sila? matatawa ka nalang parang mga mukang kamatis na hinog na hinog eh. ang pupula.
"Sya wag kang iiyak, anu bayan ang bilis malasing!" Katrin, nakaturo pa kay keith habang natawa.
"Ang yabang mo --huk no?" Keith
"Shhh, lasing kana hahahaha" Nagtawanan naman sila, wala namang nakakatawa -.- sabagay pare pareho lang namang mga lasing na, ako alam kong may tama nako. siguro maubos ko lang tong nasa baso sureball wala nako sa katinuan neto.
"Hoy bessy, pansin ko lang ah? ewan ko lang kung napapansin mo din" napalingon naman ako kay chloe na biglang nagsalita.
"Oh ano?"
"Kanina pa kase tingin ng tingin sayo si james eh" tsk, so?