Chapter 79

614 14 3
                                    


James POV

Isang buwan na ang nakakaraan simula nung huling pag uusap namin ni kristen, dahil simula nung bumalik kami sa manila ay hindi nya na akong magawang kausapin wala syang ginawa kundi iwasan ako.

kasabay ng mga pangyayaring 'yon ang pag ka balisa ko sa lahat ng bagay ni isa sa mga kaibigan ko ay hindi ako magawang kausapin, hindi narin ako masyadong na kakakain. 

kaya ganun nalang ang pag aalala sakin nila sa akin, kaya nga mas pinili kong mag stay dito sa village para hindi ako makita nila mommy na nag kakaganito ako dahil alam kong magagalit sila sa akin.

Saturday ngayon at walang pasok kaya naisipan ko nalang mag basketball matagal tagal naring hindi nakakatikim ang katawan ko ng practice, kinuha ko ang cellphone ko at binuksan yon para makita kung anong oras na ba kasabay ng pag ilaw ng cp ko ay tumambad ang muka sakin ni kristen dahilan para makaramdam ulit ako ng sakit. 

"Kamusta kana kaya ? galit ka pa rin ba saakin ? sana ay hindi na." nasabi ko nalang sa sarili ko at isinilid ko na lang yun sa aking bulsa. 

nag simula nako mag suot ng sapatos at ng matapos yun inabot ko na ang bola kaya naman dali dali akong bumaba.

"Goodmorning manang ! lalabas po muna ako." 

"Oh james, aba e ang aga mo naman atang magising ? hindi ka muna ba mag aalmusal iho ?" Umiling naman ako at naglakad papunta sa pintuan.

"Ah hindi napo manang, siguro ho ay mamaya nalang pag balik ko."

"Okay sige magiingat ka." Ngumiti lang ako kay manang at nag tuloy tuloy lumabas.

I-diniribble dribble ko yung bola at nilaro habang nag lalakad inilulusot lusot ko pa iyon sa pagitan ng aking dalawang binti, habang papalapit nako sa court na aking kinagawiang laruan ay may natanaw akong isang babae na nag lalaro doon at habang papalapit ako ng papalapit ay tama ang hinala ko, sya nga.

dahil wala namang ibang babaeng interasadong mag laro ng basketball dito sa village kung hindi sya lang, naka pasok ako sa court ng hindi nya napapansin kaya naman ako pinilit ko nalang hindi pansinin ang presensya nya. 

diniribble ko nalang ang bola at agad iyon i-shinoot, sa tingin ko sa ginawa ko nayun ay na aagaw ko ang atensyon nya kaya naman nung kunin ko ang bola at napaharap sa kabila ring ay nakita ko ang pag kagulat sa muka nya habang hawak hawak nya ang bola, nginitian ko lang sya at nag patuloy sa ginawa ko at ganun rin sya.

sa titig na ginawa nya ay para bang gusto ko syang yakapin. 

miss na miss na kita, kristen.

sa ginagawa namin ngayun ay parang hindi namin kilala ang isa't isa walang gustong lumapit at wala ng tinginan, matapos ng maikling tinginan namin kanina. dahil sa totoo lang hindi ko rin kayang ihakbang ang sarili ko para kausapin sya, hindi ko alam ang dapat kong sabihin.

hindi ko alam kung papaano ko ipapaliwanag yung katangahan ko nung nag padala ako sa pang ba-blackmail ni irish sa akin.

pero gusto ko sya kausapin dahil eto na sana ang magandang pag kakataon dahil kaming dalawa lang ang tao dito, pero ayaw talaga ng paa ko eh. 

hays kahit kelan ka talaga james, napailing nalang ako sa na isip ko nayon.

umakma akong i-titira na sana ang bola sa ring ng maramdaman kong may isa pang bola na tumama sa paa ko, napatingin naman ako don.

"S-sorry" narinig kong sabi nya, at tsaka nilingon sya nakita ko naman kung papaano umagos ang tumatagaktak nyang pawis sa muka at tila bang hingal na hingal syang nakatingin sa akin.

Ang Girlfriend Kong Basketball Player [Season 2] | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon