Chapter 84

446 24 15
                                    

Kristen POV

"Huy bessy! grabe bakit hindi ka manlang nag paalam don kila jasmine" Chloe, pag pasok sa kotse. 

"Oo nga inaantay kapa naman ata ni james don" Calvin.

Sus ayos nayon, ano bang mangyayare pag nagpaalam ako ? wala naman, nag pasabe naman ako kay kuya tofer na sya nalang yung mag paalam sakin. gawa nitong hangover ko nato.

"Ayos nayon, tara na umuwi na tayo

Hindi naman na sila nag salita at tumahimik na lang. medyo traffic kaya naman hindi naging ganun kabilis ang byahe, inuna muna ako ihatid ni calvin.

"Oy, ingat kayo" Lumabas nako ng kotse bitbit ang backpack ko. 

"Hmm, ikaw uminom kana rin ng gamot ng mawala yang hangover mo

"Oo. hoy calvo ikaw na bahala dyan

"Tsk, sige ho madam" Nginitian ko na lang sila at nagtuloy nako sa pag pasok ng bahay, walang tao. kaya dumiretso na lang ako sa kusina para kumuha ng maiinom, pag katapos non dumiretso nako sa kwarto ko at tumalon na agad sa higaan.

*KRIIINGG*

"O?" kung kailan mag papahinga kana don pa may tatawag.

"Oy, anong o ka dyan uminom kana ng gamot tsk. baka sabihin nila mommy pinababayaan kita" aba nakaalala patong unggoy nato.

"Pinabayaan mo naman talaga ako, mas pinili mo pang samahan yang jowa mo dyan ge bahala ka dyan"

"Aba bastos kana talag--"

"Nyenye balaka"

"Aba't hoy!!" Hindi nya na nagawa pang sumagot ulit dahil pinatayan ko na sya, nakakaloka bakit ba may kuya akong ganon? may sapak ata yon.

tumayo na lang ako at nag shower baka sakaling maibsan kahit kaunti, so habang nag shoshower ako may naalala akong bagay na dapat diko na naalala.

"kingina? nagawa ko yon?" nabulong ko sa sarili ko, oo inaamin ko namiss ko sya pero bakit ako yung gumawa non? hays. kababae mong tao. ano kaya iniisip nya? siguro nag tataka din sya kung bakit ko din yon nagawa.

aba ako den hindi ko rin alam, kakaiba talaga ang nagagawa ng alak. kngina pero seryoso baka mahal ko pa? nononono. wag mo nang guluhin mag papakalayo layo narin naman yung tao.

natapos na akong mag shower lahat lahat pero yun parin yung naiisip ko hays. ginugutom nako pero mas pinili ko nalang matulog.

*Tok tok*

"Anak tanghali na may pasok ka pa" nagising naman ako sa katok at boses ni mommy na nang gagaling sa pinto.

"Maliligo napo" Bumangon naman ako, syempre ramdam na ramdam ko nayung gutom. ang tagal kong nakatulog eh hanep.

"Sige antayin ka namin para sabay sabay na tayong kumain" Narinig ko naman yung yabag ng paa ni mommy pababa.

Nang matapos ako maligo bumaba na ako at nag sabay sabay kami na kumain.

"Anak ayos ka lang ?" Daddy na bahagya pang nakasilip sa muka ko.

"Opo dad" Tumango lang naman sya at nag patuloy sa pag kain, ako naman ayon naisip nanaman ang bagal nayon, bwisettt!! hindi na talaga ako iinom. 

"Sige bilisan mo na kumain at isasabay na kita" Gaya ng sabi ni daddy binilisan ko nalang kumain. ngayon ko lang napansin na wala si kuya asan nanaman kaya yon? 

Ang Girlfriend Kong Basketball Player [Season 2] | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon