Chapter 7

4.2K 137 14
                                    



James POV


Ang ganda talaga ng mga mata nya ng ilong nya at nang.. labi nya nakakahiya man aminin pero kanina ko pa pinagmamasdan lahat ng litrato ni labs na kanina ko lang kinuhanan bakit ang lakas ng tama ko pag dating sayo, bakit ang lakas ng tibok ng puso ko pag ikaw ang kasama ko,bakit napapangiti mo na agad ako. 


Iniscroll ko pababa yung cp ko para icheck yung oras 1 A.M na pala ganung katagal na ko na pala pinagmamasdan yung mga pictures nya.  Dahil nga sa ayaw ng pumikit ng mga mata ko bumaba muna ako para mag timpla ng gatas nga pala nandito ako sa village kaya si manang lang kasama ko ayoko naman syang gisingin kaya ako nalang ang magtitimpla.


Nang makatimpla nako syempre umakyat nako tapos binuksan ko na muna yung laptop ko matagal nakong di nakakapagopen ng fb at nung site namin sa ischool di na tuloy ako updated kung ano yung mga ganap sa school namin bukod sa nangyare nung regional.


Habang nag bubukas pa kinuha ko muna yung cellphone ko. 


"Maitext nga muna si labs baka sakaling mag reply." bulong ko sa sarili ko.


To: Labs<3


Can't sleep , miss na agad kita :( see you tomorrow.


Tapos nilapag ko nalang yung cellphone ko alam ko naman kase di na magrereply yun dahil tulog na pagod kaya yung labs ko sa una nilang training.


Kinuha ko nalang yung laptop ko tapos binuksan yung fb ko at syempre anung aasahan mo madaming friend request , tapos daming notification may nag message pa nga e so dahil curious ako sa mga nag message sakin binuksan ko. iniscroll ko yun at may nakita akong familiar.


Krissy Cruz ?


San ko nga ba to nakita ?


From: Krissy Cruz


Hello. Accept me please :) 


Tapos pumunta naman ako sa profile nya tinitigan ko maigi yung muka nya maitsura sya tapos nilipat ko pa, alam ko na kung san ko sya nakita sa may school sya yung nakabunggo ko at yung tumabi sakin dati


So ayun umalis nako sa profile nya at inaccept nalang baka sabihin snobber ako, nag open ako ng bagong tab tapos tinype ko site sa school namin sisilipin ko muna kung ano yung mga ganap, pag open ko bumungad sakin yung nangyare kahapon. simula nung pag dala ko nang sapatos ni kristen sa court tapos hanggang dun sa binuhat koyung bag nya papauwi. ngayun ko lang nalaman na may nagstalk samin. kinilick ko naman yung picture nayun at syempre may caption na nakalagay don.


"JATEN MOMENT


Tapos meron itong 153,205 Likes at meron itong 5,231 comment. Wow ! pano nangyareng umabot sa ganyan yung like eh mga nasa 15,000 lang yung student sa university namin. dahil sa curious ako sa mga comment na nakalagay inopen ko yun.

Ang Girlfriend Kong Basketball Player [Season 2] | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon