Calvin POV
"Irish ! LUMABAS KA DYAN !" Sigaw ni james mula sa labas ng pinto ng room ni irish, kanina ko pa sya inaawat kaso ayaw nya mag paawat.
"James tama na umuwi na tayo !" Pero imbis na makinig sya sakin lalo syang nag sisigaw.
"IRISH !! LUMABAS KA ! IKAW ANG MAY KASALANAN NG LAHAT !" Maya maya pa lumabas na nga si irish at napangiti to.
"Ow ! akalain mo nga naman ma di ako inaasahang bisita ngayun, himala yata ? pumunta ka dito nang hindi na tinatawagan pa." Hahawakan nya sana si james pero itinaboy agad ni james yung kamay nya.
"WAG NA WAG MOKONG HAHAWAKAN !" Tinulak nya naman si irish kaya napasandal to sa pintuan.
"Ouch ! ANO BANG PROLEMA MO ?!" Halatang nasaktan si irish sa ginawa ni james, hinihigit ko naman yung kamay ni james pero ayaw talagang mag paawat.
"IKAW ! IKAW ANG PROBLEMA KO ! KAPAG MAY NANGYARENG MASAMA KAY KRISTEN MAPAPATAY KITA ! MAPAPATAY KITA !!!"
*Kriingggg Kriingggg*
Napalingon naman si james sakin tapos sinagot ko yung tawag ni chloe sakin, napatakbo nalang ako bigla sa sinabi ni chloe si kristen daw biglang naging kritikal yung lagay at pinipilit syang irevive ng doctor.
Nakita ko naman si james na sumunod sakin
"Calvin anong nangyare ?!" Napalingon naman ako sakanya.
"Si kristen, nag aagaw buhay kailangan na natin makabalik sa hospital!" Habang natakbo kami papunta sa parking lot nakita ko, nakita ng dalawang mata ko kung papaano bumagsak yung luha ni james.
@Hospital
Pagkadating namin don, nandun nayung pamilya ni kristen, pati narin si jasmine ay nandun narin.
Makikita mo sakanila yung sobrang pag aalala, at makikita mo kung gano tumutulo yung luha nila habang pinagmamasdan sa loob si kristen.
"Kamusta si kristen ?" Tanong ko sa mga kateammate ni kristen.
"Na-coma sya calvin" Napalingon naman ako kay kristen. "Di namin makakasama si captain sa international" Haist, bakit kase ngayun pa nangyare to.
"Kasalanan ko lahat to" sabi ni james napalingon naman si kristofer.
"Anong ibig mong sabihin ?" Tapos lumapit ito sakanya.
"Sorry.. Ako may kagagawan ng lahat kung bat sya nag kagan--" Hindi na natapos ni james yung sasabihin nya dahil sa pagkakasuntok ni kristofer, dahilan ng pagkabagsak nya sa sahig.
"Wag kayong mag away !" awat ni chloe don sa dalawa.
"ANONG IBIG MONG SABIHIN JAMES ?! NILOKO MO BA SYA HA ?!"
"Teka nga muna kristofer ! ano bang klaseng tanong yan ?! hindi yan magagawa ng kapatid ko pwede ba pakinggan muna natin sya ?! atsaka sa ginagawa mo hindi yun nakakatulong para magising yang kapatid mo ! "Itinayo nya naman si james at inilabas na muna ng hospital para siguro maiwasan narin yung gulo.
Pinuntahan ko naman si chloe na sobra na yung iyak.
"Shhh wag kanang umiyak magiging maayos din ang lahat, atsaka pag nakita ka ni kristen na umiiyak ng ganyan pag tatawanan kanon." sumandal lang naman sya sakin.
Jasmine POV
Inilabas ko muna yung kapatid ko sa hospital nayun wala rin kaseng mangyayare kung mag eexplain sya don hindi rin naman sya pakikinggan lalo na't galit na galit si kristofer.
At malinaw na lahat ng pangyayare sakin, walang kasalanan ang kapatid ko sa nangyare kay kristen pero hindi ko rin maikakaila na nagkamali rin yung kapatid ko na itago lahat yon dahil gusto nya lang naman maayos yung problema nayon na hindi na sasaktan si kristen ang kaso sumala sya sa bagay nayon.
"Ate... kung kaya ko lang ibalik at itama lahat ng mga maling nagawa at kaduwagan ko gagawin ko." Sumandal sya sakin. "Mahal na mahal ko si kristen ate." nakita ko nanaman na tumulo ang luha ng kapatid ko dahil kay kristen talagang mahal na mahal nya ito.
"Shhh alam ko yun kaya nga hindi ako pumayag sa sinabi ni kristofer na niloko mo sya diba ? kase alam kong may dahilan kung bakit nagawa mo lahat ng bagay nayun." Bigla syang napabalikwas.
"Ate na-coma si kristen ngayun ! a-ate p-pano kung hindi na sya magising ?! p-pano kung pag gising nya di nya nako maalala ? pa---"
"Wag kangang magisip ng ganyan umaariba nanaman yang kaduwagan mo ! magigising sya at maalala kanya, pero iisa lang ang naiisip ko kung sakaling magising sya." Tumingin sya nang seryoso sakin.
"Galit sya nang sobra sayo, dahil ang huling bagay na nakita nya bago sya maaksidente ay yung tungkol sainyo ni irish sa papaanong paraan mo sya mapapaniwala ?" Sigurado ako jan, at tungkol sa bagay na yan hindi ako makakatulong, pero dun sa mag paalis ng isang insekto sa relasyon ng kapatid ko ang kayang kaya kong gawin.
Kung napaalis ko dati yung isang peste sa relasyon nila, ngayun pa kaya ?
Kaya irish humanda ka sakin matitikman mo ang bangis ni jasmine.
"Ate ? Gusto ko makausap si tofer pati sila tita"
"Wag muna ngayun lalo na si tofer alam mong mainit pa yung ulo non sayo gusto mo madagdagan payang pasa mo sa muka ? sa ngayun umuwi muna tayo kila mommy alam na nila yung buong pangyayare dadalaw sila sa isang araw sumabay nalang tayo sa kanila." Kinuha ko naman yung kotse ko uuwi muna kami para humupa yung galit ni tofer kay james ayokong makitang nag aaway yung dalawang lalaking importante sa buhay ko.
-------------------------------------------------
Sorry guys midterm week nung nakaraang linggo kaya naman busy po si author :( sorry po sa mga naghintay ng matagal sa update ko.
Hindi ko na matupad tupad yung promise ko na papaspasan ko na po tong story dahil miski ako gusto ko narin po matapos, at alam nyo pong labag sa loob ko na mangbitin sa inyo pero kailangan eh :(
Sorry ulit ! at maraming salamat po sa pangunawa mahal ko po kayo ! ;x