Chapter 31

1.8K 53 2
                                    


Kristen POV


*BEEP BEEP*


Napabangon naman ako agad sa pag kakahiga ng marinig yung nagbubusina ng sasakyan mula sa labas ng bahay namin, actually kanina payon hindi ko lang pinapansin at ngayun ubos nayung pasensya ko dahil sobra ng nakakarindi.


*BEEP BEEP*


At talagang inulit nya pa uli ha ? nasan ba kase si kuya ? linggo naman ngayun ah ? walang pasok atsaka si mommy nasan kaya ? napilitan tuloy ako na pabangon hmf, parang kagabi lang pa- emo emo pako tapos ngayun may nangungulit naman. tumingin muna ako sa salamin na nasa gilid ng hagdanan naminchineck ko muna yung itsura ko syempre baka mamaya may muta muta at panis na laway pako nakakahiya.


*BEEP BEEEEEEEEEEEEP*


"Eto na sandali lang !" Talagang tinagalan nya pa talaga yung pag pindot sa busina ha ? aba sya pa may ganang gumanyan.


Binuksan ko naman yung gate namin at bumungad naman sakin ang lola nyo. at talagang nakashade pa ha.


"So ano kristen hernandez ? borlog nalang tayo today ? nakalimutan mo naba magshoshopping tayo anong oras na oh !" Hays nakalimutan ko oo nga pala nangako ako dito kay chloe na sasamahan ko sya today buti nalang nilagyan na ni daddy yung card ko at makakapamili din ako ng damit.


"Ah sorry ? nakalimutan ko eh, bat kase hindi kapa pumasok sa loob ? nambulabog kapa eh di kana na hiya sa mga kapitbahay namin lika na pumasok kana. maliligo pako." Pumasok naman kami sa loob ng bahay namin at nakita ko naman si kuya na pababa ng hagdan with matching unat unat pa.


"Oh hi chloe ! ang aga mo ah." Ngumiti lang naman si chloe kay kuya. "Ah kristen si mommy nasan ?" dumiretso naman sya sa kusina at kumuha ng maiinom.


"Hindi ko alam baka namalengke ? sige akyat muna kami nitong si chloe sa taas." Umakyat naman kami ni chloe gaya ng sabi ko kay kuya.


"Dyan kamuna liligo lang ako." Kukuha na sana ako ng damit ko nang hilahin ako ni chloe bahagya. "Oh bakit ?" tanong ko sakanya.


"Ano nga ulit password ng wifi nyo ?" Napakamot nalang ako ng ulo. 


"Akin na nga." Tapos tinayp ko na nga yung password at kumuha na ng damit atsaka pumasok sa banyo.


Nasa kalagitnaan ako ng paliligo ng biglang nagsalita si chloe, kaya pinatay ko muna yung shower di ko gaanong maintindihan eh.


"Balita ko mag kasama kayo ni james kahapon nag date kayo no ?" Haist pinaalala nya nanaman yung nangyare kagabi kainis.


"Hindi kami yung nagdate." tumahimik bahagya dun salabas siguro iniisip nya kung ano yung ibig kong sabihin.


Ang Girlfriend Kong Basketball Player [Season 2] | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon