Chapter 59

1.3K 36 9
                                    


Chloe POV


Nakatanggap ako nang tawag mula kay james na nagising na daw si kristen kaya dali dali akong pumunta nang hospital at iniwan muna sila sa bahay ni james, at dahil sa pag mamadali ko nakalimutan ko narin bangitin sa mga yon dahil yung iba eh nakainom narin, hindi ko nga alam kung bakit parang kinakabahan ako.


"Mam nandito na po kayo." Inabot ko na lang yung bayad kay manong at agad akong  bumaba at tinungo yung room ni kristen, at  gaya nang inaasahan ko ako lang yung unang pumunta nakita ko naman agad si james at agad ako sinalubong.


"C-chloe chloe buti naman at dumating ka hindi ko kase alam kung anong gagawin ko eh" mangiyak iyak na sabi ni james sakin.


"B-bakit ano bang problema ? akala ko ba gising na si kristen diba dapat masaya ka ?" Sabi na  parang may mali kaya hindi ako mapakali kanina.


"Hindi ko alam, pwede bang pumasok tayo sa loob ? kausapin mo sya." Hindi ko alam kung anong nangyayare hindi ko alam kung anong mali kaya nag lakas loob nalang ako na punta si kristen don sa loob, sumunod lang naman sakin si james.


Nang mapasok namin yung kwarto nag tuloy tuloy  lang ako kung nasaan si kristen, si james naman nasa may mismong sala lang at nakita ko naman si kristen na nakaupo at nakatalikod mula sa pinto so talagang gising na nga ang bestfriend ko ?


Unti unti naman akong lumapit sa kanya at napalingon naman sya sakin.


"Chloe ?" Tumakbo naman ako sa kanya at niyakap sya nang mahigpit.


"Beshyy ! gising kana huhuhuhu" Humiwalay naman sya sa pag kakayakap sakin.


"Hmm, anong meron ? bakit ang daming regalo ? at bakit may videong  nag p-play don ?" siguro dahil sa tagal nang pag kakatulog nya nakalimutan nya na kung anong araw meron ngayun. 


"Palibasa ang tagal mo nahiga jan kaya hindi mo na namalayang dumating na pala yung birthday mo." wala namang reaksyon yung muka nya -_-


"Birthday ko ? kaya pala atsaka wait ano batong suot ko ? at ano batong nasa ulo ko." tinanggal naman nya yung nasa ulo nyang flower crown, napatawa nalang ako sa babaeng to jusko hindi parin nag babago. "Atsaka teka nga ? sino bayung lalaking pumasok dito kanina ? tapos tinawag nya pako sa pangalan ko." Nabigla naman ako sa sinabi nya napatingin naman ako kay james na napayuko nalang.


"Hmm teka kristen hindi lang sya basta lalaki boyfriend mo sya." Bigla naman syang tumawa.


"HAHAHAHA chloe nababaliw kanaba ? nbsb ako uy." Amnesia ? imposible kase naalala nya naman ako eh.


"Kristen hindi ako na babaliw yung lalaking pumasok dito si james yon si james harrison sya panga nag prepared  ng lahat ng to" Napaisip naman sya.


"James ? wala akong kilalang ganun, kaya wag moko dinadali dali ng mga paganyan ah, wait sila mommy at daddy nasan ?" Hindi pwede, anong nangyayare ?

Ang Girlfriend Kong Basketball Player [Season 2] | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon