James POVKristen nasan kanaba? Haist bakit ba kasi nag ka ganito eh! Nakita pala ako sabi ko na nga ba.
"Oy ano james nahanap mo naba captain namin ?" pag tatanong sakin ni katrin.
"Hindi pa nga eh." napakamot nalang ako sa ulo ko.
"Hoy James ! Binalaan na kita oras na may mangyaring masama kay kristen mananagot ka sakin! " Galit na galit na sabi ni chloe, tinawagan sya kanina ni fhaye at pinaalam ngang nawawala si kristen halos nalibot na namin yung buong university pero hindi namin talaga sya makita.
Inisip ko maigi kung ano paba ang hindi ko napuntahan?
Alam ko na.
Tumakbo ako nang mabilis na mabilis halos hapuin nako ng sarili kong hininga at tama nga ako nandito sya, nakaupo lang sya sa bench habang hawak hawak ang kamao at nakita kong dumudugo ito , pumunta agad ako sakanya na ikinagulat nya.
"A-anong ginagawa mo dito ?" Hindi naman ako sumagot kinuha ko lang ang kanyang kamay ibinalot iyon sa panyo kong dala.
"Anong naisip mo at ginawa mo yan ? paano kung mabali yan? Hindi kana kana makakapag laro ng basketball." Binawi nya naman yung kamay nya sakin tapos umiwas ng tingin.
"Wala kang pake" Sabi nya sakin ng hindi nalingon.
"Meron" Hinawakan ko sya sa muka at iniharap ito sakin atsaka ko naman sya binigyan ng isang halik.
Nanlaki ang mga mata nya at halos nagulat sya sa ginawa ko kaya naman hindi sya makagalaw, ginalaw ko naman yung mga labi ko at naramdaman ko namang tumugon naman sya don at ang mga nanlalakihang mga mata nya kanina ay napapikit narin.
Nang mag hiwalay ang aming mga labi namula naman ang kanyang mga pisnge.
"Wag mo nang uulitin sabihin yon dahil masyado kitang mahal para mawalan ng pake sayo." Ngumiti naman ako sakanya tapos sya naman e sumimangot.
"Eh paano mo ipapaliwanag yung nakita ko?" Nawala naman yung pag simangot ng muka nya at bigla itong parang batang nagtatampo.
Ipinaliwanag ko naman yung nangyare mula nung nasa bar palang ako nila calvin, naintindihan nya naman yun agad kaya hindi ako masyadong nahirapan mag explain sa kanya.
"Iwasan mo na mag pupunta don sa bar ni calvin atsaka wag kang makikipagusap don sa babae nayon ha! kundi pag uuntugin ko kayo! " Tumango naman ako na parang bata lang na pinaparangalan ng magulang.
"Good, Kiss." Ako naman ang namula sa sinabi nya. a-ano daw kiss daw? ngayun lang sya nag kaganyan. (Sus kunwari pa gusto mo din naman :P)
Naisip ko naman yung kay mark kaya kunwari ako naman yung nag tatampo.
"Ayoko nga." Tapos iniwas ko naman yung tingin ko sakanya.
"Bakit ?" Tapos nag pout naman sya parang ganto :3
"Bat mag kasama kayo ni mark ?" Ngumiti naman sya tapos inexplain nya naman sakin naintindihan ko naman kaya pala dahil din sakin at si mark at fhaye na pala, natuwa naman ako. Marunong pala sya ng mga ganyan.
"Oy! Kiss!" Tapos ngumuso naman sya hahaha. Ang kyuuuut.
"Ayokooo! :P" Haha sarap nyang asarin.
"Diwag dyan kana nga! " Tapos bigla walk out haha pikon talaga.
"Oy! Labs! Joke langggg!" Hinabol kanaman sya papalabas ng garden bakit ang bilis nya mag lakad samantalang hindi naman kalakihan ang bias nya.
Nang mahabol ko sya hinawakan ko naman yung kamay nya dahilan para matigil sya sa pag lalakad.
"Bitiw! " Hindi naman sya maloko galit na agad.
"Labs naman! Sorry na. Eto na kiss ko oh! " Ngumuso naman ako pero binatukan nya lang ako.
"Sabing bitiw yung sugat ko napipisit mo! " Napabitaw naman ako agad, oo nga pala may sugat sya nakalimutan ko hehe. Eh kasi naman parang di nya iniinda eh.
"Ay, sorry hehe." Hinawakan ko naman uli yung kamay nya pero yung maingat. "Napano ba kase to? Gamutin natin mamaya"
"Pinangsapok ko sa pader" Woooh. katakot naman po, mukang alam ko na mangyayare sakin pag nang babae ako. pero diko naman yon gagawin no.
Nagpatuloy lang kami sa pag lalakad habang mag kahawak kami ng kamay, yieeeeh! nakakabakla shet.
Sa di kalayuan nakita ko naman sila chloe,katrin,fhaye,ky at kelly kaya naman kinawayan ko naman sila, lumapit naman sila samin.
"CAPTAIN!/BESSY! " Sabay sabay nilang sigaw.
"Okay kalang ba bessy?" Pag tatanong ni chloe.
Tapos yung apat naman bigla napatingin samin at sabay sabay nag hampasan.
"Ay hihihi halika na mukang di natayo kailangan ni captain haha." Sabi naman ni katrin.
"Oo nga haha." Tinutukoy nila yung mag kahawak kami ng kamay umalis nanaman yung apat tapos si chloe naiwan pero hinila lang to ni fhaye.
"Halika na chloe! Privacy! Okay nanaman sya eh." Hinila nya uli ito pero ayaw ni chloe kaya lang wala syang nagawa kaya napasama na sya.
"Labs ? Tara sa bahay namin?" Tumango lang naman sya tapos ayun pinagpaalam ko na sya kay tita.
--------------------------
Short Update lang po muna tayo.