Kristen POV
Nang makarating ako ng bahay dumiretso agad ako sa sala syempre para makita ko na agad yung bisita ko, nakita ko namang nakaupo sya sa sofa kinakausap ni mommy.
"Mommy ?" Napalingon naman sakin si mommy.
"Oh! Ayan na pala sya, lumapit ka dito anak." Lumapit naman ako don at nakita ko namang unting unting lumingon yung lalaki.
Nagulat ako syempre, sya yung lalaki sa rooftop ! ngumiti naman sya sakin.
"Hi" Bati nya sakin ganon parin nakangiti parin sya sakin.
"A-ah ? hi ?" Tapos inabot nya naman yung kamay nya sakin.
Inabot ko naman yun at nakipag kamayan sakanya, sya pala yung nag donate ng dugo sakin ? kung ganon bakit hindi nya agad sinabi sakin nung nagkita kami sa rooftop ?
"Oh, maupo muna kayo i gagawa ko kayo ng hapunan." Tumayo naman si mommy.
"Ah tita hindi napo, uuwi naman po agad ako binisita ko lang po sya."
"Nako hindi pwede iho, bawal tumaggi sa grasya ah ? kaya jan kalang antayin mo yung lulutin kong hapunan." Wala naman syang nagawa kaya napa oo nalang sya ni mommy.
Tumingin naman sya sakin.
"Ahm, kamusta kana ?"
"Hmm, ayos na naman. salamat nga pala sayo ah ? utang ko sayo yung buhay ko." Nginitian ko naman sya.
"Walang anuman, wag mong isipin na utang mo sakin yun kusa ko namang binigay eh hahaha." Tumango naman ako.
"Salamat narin sa pag dalaw mo." Natahimik kaming dalawa tapos bigla ko namang naisipan tanungin kung bakit hindi nya sinabi sakin nun nung unang kita palang namin.
"Ah nga pala yung tungkol dito bat ngayun mo lang sinabi ?" Medyo nagulat sya sa sinabi ko, hmm.
"A-ah yung tungkol don ? sorry ah ? nahihiya lang ako nung mga araw nayon." Tumango naman ako sakanya.
"Ayos lang" Natahimik ulit kami, hanep ang tahimik naman nitong taong to, so ako naman nag isip ng pwede naming mapag usapan habang iniintay namin yung luto ni mommy, syempre ang awkward naman kung diko kakausapin tong bisita ko na to.
"Hmm ? san ka nga pala nag aaral ?" hanep ah? hindi talaga ako ganito, hindi ako sanay na ako yung unang nag sasalita.
"Harrison University" Ah same school lang pala kami nito ?