Chapter 50

1.4K 34 10
                                    


James POV


Maaga akong pumunta sa bahay nila kristen para sunduin sya syempre kahit na alam kong may galit sya sakin, naiinis din ako kase imbis na ako yung makahanap sa kanya eh yung pinsan ko pa talaga.


*Dingdong*


Nakita ko namang lumabas agad ng bahay si tita, at sinalubong nya ko ng may ngiti sa labi.


"Oh iho napadaan ka ?" Ngumiti din naman ako sakanya, tapos pinipilit kong tanawin yung loob ng bahay nila pero di ko makita si kristen eh.


"Ahh.. si kristen po ?" 


"Ah ? kanina pa syang maagang maaga umalis akala ko eh sabay kayo pumasok." Tumango nalang ako kay tita.


"Ganun po ba ? sige po mauuna napo ako salamat po." Tumalikod nako sakanya.


Tapos tinawagan ko si calvin, kailangan ko nang kausap muna ngayon hindi namuna siguro ako papasok ngayung araw. tapos dumiretso naman ako sa bar ni calvin.


"Bro ! aga mo ngayun HAHA at anong trip mo ? kaya pati ako hindi mo narin  pinapasok ?" Gaya nang sabi ko kailangan ko nang makakausap ngayon.


"Kuha kanalang ng maiinom natin nang may silbi naman tong pagkakaibigan natin." Umupo naman ako, lumingon ako sa paligid syempre wala pang tao ang aga pa kaya.


"Grabe kadin no ? ano namang kinalaman ng pagkakaibigan natin sa inumin ? labo mo sige kuha nako jan kalang." hays, ang bata ko pa para maranasan yung mga ganitong sitwasyon, bakit kase nagpapatalo ako sa isang babae ? gusto ko naman umamin kaso nauunahan ako ng takot, baka kase isang araw magulat nalang ako wala na sya sa tabi ko.


"Oh eto ! wag kangang mai-stress dyan  !" Inabot nya naman sakin yung kape ? hindi to yung gusto kong inumin.


"Hoy ? bat kape to ? ano to lamay at may pakape ka ?" qiqil moko calvin.


"Eh anong gusto mo alak ? aga aga mag lalasing ka ano papakamatay kanaba ? gusto mo naba mamatay ng hindi kayo nag kakaayos ni kristen ? alam mo minsan may sayad kadin eh." Inirapan ko nalang sya, sige na nga para kay kristen.


"Alam mo may naisip akong solusyon dyan sa problema mo." Napatigil naman ako sa paginom, sana naman matino yan.


"Ano siguraduhin mong matino yan kung ayaw mo buhusan kita nitong kape ?" 


"OO na! pero diko lang alam kung gagana to pero i-try mo lang, kausapin mo kaya sya ? malay mo naman madaan mo sya sa pakiusap" Napatango naman ako pwede rin pero sa ganung klaseng babae mukang imposibleng mangyare yon. "Oh kaya naman gamitan mo ng dahas"Tinitigan ko naman sya ng masama.

Ang Girlfriend Kong Basketball Player [Season 2] | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon