Jasmine POV
Magkakasama na kami ngayon sa meeting place namin, binalak talaga namin yun para malaman kung kumpleto naba kami, kahit na bukod bukod kami ng sasakyan. bale ang iniintay nalang namin is si kristen, james, calvin, chloe at ang magaling naming pinsan na sinama padaw nitong si kristen.
"Oyy akin yang vcut walang gagalaw nyan." Ky
"At bakit ? binili yan ni ate jasmine para sating lahat walang mag dadamot." Katrin na nakataas kilay pa dito kay ky.
Nako nag aaway away pa ang mga bata.
"Oy? hindi paba dadating kapatid mo ?" Nagkibit balikat lang ito nainis ako kaya naman siniko ko to.
"Aray ano ba !" Maarteng sabe nya
"Kapatid mo yon ! dapat alam mo kung nasaan lagi yan !"
"Eh love pano ko magagawa yon? eh sainyo ako natulog kagabe !" tapos napakamot naman sya sa ulo.
May point sya, eh pano banaman di mo sainyo patutulugin lasing na lasing kagabi, niyaya daw sya ng tropa nya. alam na aalis kami ngayun nako nangigigil talaga ako sa lalaki nato.
"Ayan na sila !" Kelly
Napatingin naman kami sa sasakyan na dumating tatlo yon namumukaan ko yung isa malamang sa kapatid ko yun.
Itinigil naman nila yung sasakyan sa harap naman at kami naman nag aabang na bumaba sila.
"Hey! sorry guys we're late." Chloe na bumaba sa pulang kotse, sumunod naman si calvin na bumaba sa kotseng pula na yon.
"Okay lang!" Nakangiting sabi naman ni fhaye.
Pumunta naman sila samin, tapos inaabangan namin bumaba yung nasa loob ng dalawang kotse, unang bumukas yung kotse na kulay blue naman, which is hindi ko alam kung kanino? nagulat kami na ang bumaba sa kotse nayon ay si kristen napatingin naman ako kay kristofer.
"Hoy ? may bago bang kotse yang kapatid mo ?" Umiling naman agad sya.
"Wala tignan mo." Pag tingin ko, si steve what ? bakit sakanya pa sumabay si kriste, haist basag nanaman ang kapatid ko. "Bakit yan ang sumundo sa kapatid ko? makakatikim sakin to sandale" Dali dali naman syang pumunta sa harap non, na ikinagulat ng magaling naming pinsan, tinitigan nya to nang masama akmang mag sasalita nasya ng hilahin ko sya sa tenga.
"Oh eextra kapa eh feeling mo makakatulong yan ?" Bulong ko sakanya.
"Oo na a-aray bitaw nanaman na bebeku masakit eh" Tsk, bebe ka pa dyan, teka asan na ba yung kapatid ko kingina.