Chapter 51

1.3K 30 9
                                    

Calvin POV

Bumalik ako sa school hindi kase ako matahimik eh feeling ko talaga nakita ko si kristen sa bar ko kanina bago umalis si james kanina, lumabas naman ako ng bar kaso may isang motor na humarurot bigla kaya ayon, i-checheck ko lang kung nasa training si kristen.

Hay ! namamalikmata lang siguro ako imposible namang hindi mag training 2 araw nalang kase aalis na sila,pilit ko nalang ipinipilit sa sarili ko na hindi ko talaga sya nakita kase IMPOSIBLE.

I-pinark ko naman yung kotse ko at agad nag tungo sa gym.

Pagsilip ko don nag tetraining na sila at nagsisimula nang mag jog inikot ko naman yung paningin ko baka sa kaling makita ko sya. pero nabigo ako wala sya don.

So ibig sabihin, nakita ko nga talaga sya ? kung ganon O.O narinig nya lahat ng usapan amin ni james ? lagot hindi pwede mangyare yun aalis si kristen, dapat di sila mag away, tinuloy ko naman yung pag pasok sa gym nila mag tatanong ako kung bakit at anong reason kung bakit hindi sya nagtraining.

"Hello guys ? ang captain nyo ? nag training ba ?" Nagsitinginan naman silang lahat sakin.

"Ah hindi eh may importante daw syang pinuntahan" Pagkasabi ni fhaye non bigla naman akong kinutuban na ng sobra sobra, papaano ? hays ! hindi pwede yun.

"S-sige salamat" Umalis nako ng gym at lutang yung isip ko habang nag lalakad, masisira naba sila ? 

"BABE !" Napalingon naman ako kay chloe na hinihingal pa sa pag takbo, tinignan ko naman si chloe tapos napaisip ako, pwede rin kaming masira dahil kasama rin ako sa pag sisinungaling ni james. 

"Hoy ? bingi kaba ? ibili mo sabi ako ng pagkain eh !" 


"Ah o-oo" Haist james kailangan na nating maayos to, ayokong mawala sakin tong babaeng to sya lang yung nagiisang babaeng minahal ko nang ganito.


James POV


Nang makarating ako sa condo ni irish, pinagbuksan nya agad ako ng pinto at sinalubong ng halik ipinasok ko naman sya sa loob tapos isinara yung pinto atsaka itinulak.


"Ano ba irish ?! anong ginagawa mo ?! pano kung may makakita satin ?!" 


"Bakit ba takot na takot ka ? " Tapos lumapit uli sya sakin tapos hinawakan nya yung damit ko "Ohhh dahil ba kay kristen ?" Iniiwas ko lang yung tingin ko sakanya.


"Ano james ? bakit dika makasagot ?" Dahil nag kakaganyan sya, bakit ba sya nag kaganito ? hindi naman sa sya ganyan dati ah, mag kasundo kami dati bakit kailangan umabot pa sa ganito.


"Pwede ba ? itigil mo na nga tong kahibangan mo ! ano bang gusto mo ?! ginawa ko na naman lahat ng gusto mo !" 


"Dahil ang gusto ko mapasakin ka ! iwanan mo nalang kase sya ! ako nalang !" Napailing nalang ako tapos ako naman yung lumapit sakanya.


"Kahit anong gawin mo ! hinding hindi mo mapapalitan si kristen, ngayun anong gagawin mo ? ikakalat mo pictures natin ? sige gawin mo kung jan ka sasaya pero ang tandaan mo sinisigurado ko na di mo kami masisira." tapos iniwan ko na sya don, gusto konang sabihin kay kristen lahat di ko na kaya mag tago, hahanapin ko sya ngayun din.

Ang Girlfriend Kong Basketball Player [Season 2] | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon