Kristen POV
Pagkatapos na pag katapos kong mag exam nag paalam muna ako kay chloe na mauna gawa kase ni jasmine at kuya. (Ang weird diko sya inaate ngayun, ewan ko pero feel ko lang na parang di ko naman sya tinatawag na ate non) ah nga pala gamit ko ngayun yung kotse, natuwa ako kase pinaayos pala yun ni kuya mas pinaganda nya pinakulayan nya pa nga ng kulay itim para daw di masyadong madumihin.
Be syempre aarte pa ba ako ?
Tapos bibit ko ngayun yung dress na binigay sakin ni jasmine kanina, nag iisip nga ako kung isusuot ko pa eh, kainis pwede naman kaseng mag polo nalang at mag jeans may pa ganun pa, pumunta ako sa cr para mag palit ng damit at nag mamadali na pumunta sa sinehan.
Hindi naman ako nahirapan mag hanap dahil nakita ko naman agad sila, at eto pa bakit kasama tong si james ? hindi ko maiwasang mag tanong ang sagot lang naman ni jasmine eh nakita lang naman daw nila pero mukang nakita nga lang nila kase nakauniform pa.
Tapos ayon na nga bumili na ng ticket si james nga daw yung taya hindi na sila nahiya hinigit na nga lang nila yun payung pinagbayad eto naman si tanga mukang gustong gusto pa. bahala kayo dyan nadawit lang din ako eh HAHAHA.
Habang papasok naman kami ng sinehan nauna mag lakad syempre yung dalawang mag jowa tapos kasabay ko naman tong isang to ewan ko ba medyo naiilang ako sakanya muka kase syang maligno eh, basta. napatingin ako sakanya tapos medyo lumayo layo naman sya.
Aba ? marunong pala makiramdam tong malignong to. ewan ang weird nung una hindi ko na inaate si jasmine tapos ngayun naman tinatawag ko tong maligno.
Nung nasa loob na kami ng sinehan nag tabi syempre yung dalawa tapos ako no choice kundi tumabi nalang din dito sa isa bali ganito yung pag kakaupo naming apat.
Kuya - Jasmine - Ako - Maligno
Habang hindi pa nagsisimula yung palabas nag tanung muna ako kung ano bayung papanoorin namin aba malay ko ba ? yung dalawa lang yung namili nung palabas eh.
"Jasmine ? ano yung palabas na pinili nyo ?"
"The nun" The nun ? yung tungkol sa madre bayun ? nakakatakot yun eh ayoko na uuwi nalang ako.
"Nakakatakot yun diba ? uwi nako" Akmang tatayo nako ng bigla akong hinarangan ng kamay ni jasmine.
"Opppss bawal, anong uuwi ? sayang yung ticket ano ba ?" Napaupo nalang ako tapos napatingin sa kabilang side ko na nakatingin sakin, nako hindi pa nag uumpisa yung palabas pero may maligno na agad sa tabi ko.
Nga pala may binili nga palang popcorn tong mga 'to at may kasama namang inumin yun alangan wala diba ? edi nabilaukan kami. nung nag start nayung palabas medyo nakakaexcite kase mukang nakakatakot naman.
Tapos nag sisigawan nayung mga tao, sa una medyo nakakatakot pa dun sa part na nag bigti yung isang madre kase hinabol sya nung multo na madre tapos ayun, yun lang dun lang ako natakot. boring nayung ibang eksena.