James POV
Hay. ang ganda ng panahon ngayon lalo na't kasama ko sya ngayung araw :) hindi ko maipaliwanag ang saya nung naging kami ulit hindi ko makalimutan yung mga pangyayare nun na naganap sa airport. Hindi ko makalimutan yung itsura nya nung pinatong ko sya sa bench at ipinagsigawan sa lahat kung gaano ko sya kamahal.
Bumangon ako sa damuhan tapos tinitigan sya habang natutulog sa tela na nilatag namin don , pero hindi kami nagpipicnic no. Maglalaro sana kami ng basketball kanina kaso inaantok daw sya kaya pinatulog ko muna sya kase naman bawal matulog pag katapos maglaro.
Habang natutulog sya hinawi ko naman yung buhok nya at inilagay sa may likod ng kanyang taenga natatakpan kase masyado ang kanyang kagandahan. Kapag nakikita ko ang muka nya ng malapitan lalo akong naiinlove sakanya tumitibok ng malakas ang puso ko. Hahaha tama na kumo-corny nanaman ako. Habang patuloy ko syang pinagmamasdan ay biglang dumilat ang kanyang mga mata.
Tumingin naman sya sakin , nginitian ko naman sya.
"Kamusta yung tulog mo ?" tanong ko sakanya habang kinukuskos nya ng kamay nya yung mata nya.
"Okay lang naman , ikaw ? kamusta naman yung pagtitig mo sakin habang natutulog ako" nagulat naman ako sa sinabi nya alam nyang tinititigan ko lang sya habang natutulog ? edi ibig sabihin hindi sya natutulog ? nag tutulug-tulugan lang ? "Paano mo nalaman ? natulog kaba talaga ? Hahaha" tapos tumayo nako sa pag kakaupo ko kanina.
"Oo natulog talaga ako kaya ko nalaman kase pag dilat ko nakatitig kana sakin" tapos bumangon narin sya at tinupi yung hinigaan namin. "Ganon bayun ?" tumango nalang sya sakin kinuha nya naman yung bola sa tabi nya tapos diniribble at shinoot.
"Walang pinagbago , magaling parin sya" bulong ko sa sarili ko habang naiiling iling na pinuntahan sya.
"Oh ! pakitaan mo nga ako na karapat dapat kang maging king ko dito sa court." sabay hagis sakin nung bola. pakitaan ? "Sige ba ! basta pag nashoot ko to ikaw na ang queen ko at may libreng kiss ako. " tapos ngumuso ako.
"Yung maging queen moko payag ako pero ang libreng kiss mo sapok nalang gusto mo ? " tapos ipinakita naman nya sakin yung kamao nya. Oo na hindi na nga eh takot ko nalang sakanya. "Opo dina basta deal natin ah. magiging queen kita be ready" tumango lang sya sakin tapos pumuwesto ako sa 3 point akmang titira na sana ako ng biglang nag ring yung cellphone ko sa bulsa kaya na patigil ako at kinuha ko muna yung cellphone. tinignan ko kung sino yung tumatawag.
Si ate jasmine , sinagot ko naman yun tapos inagaw sakin ni kristen yung bola at diniribble nya ulit yun at nag laro mag isa. "Hello ate ?" tinignan ko naman si kristen pero patuloy padin sya sa pag didribble.
(Hello , James ? nasan na kayo ? paalis na kami nila dad papunta dun sa resto na sinasabi mo malapit naba kayo ni kristen ?)
Nanlaki naman yung mata ko sa sinabi ni ate , nakalimutan ko ipapakilala ko na nga pala ngayung araw si kristen sa kanila.