Kristen POV
Pag tapos namin kumain sa 7/11 umuwi na muna kami papasok ako pero hindi dahil mag aaral para mag training HAHA masarap ang buhay ? hindi rin bugbog naman kami pag dating sa training. Kaya sa mga nangangarap maging isang varsity player hindi rin madali.
Pag kauwi ko nang bahay nakabukas na yung ilaw sa sala namin kaya alam ko nang gising na sila.
Pag pasok ko nang bahay si kuya nakahilata parin sa sofa si mommy naman nag hahanda ng almusal at si daddy naman nag babasa lang ng news paper.
"Oh anak ? Kamusta ang pagpapractice ?" Si daddy na nakatingin sakin.
"Nako dad lumandi lang yan."Sabat naman ni kuya habang nakapikit pa. Hmp sarap sipain eh.
"Kuya manahimik kanga" Tapos humarap naman ako kay daddy "Okay lang po, mag bibihis napo ako"
"Hindi kaba mag aalmusal anak ?" Tanong ni mommy.
"Ahh hindi napo mommy, nagalmusal napo kase kami ni james sige po mag aayos napo ako." Umakyat nako, at nag ayos na syempre ng gamit at naligo uli ako.
Kailangan laging presko.
@School
"Captain ! Pinapatawag kanang presidente nyo sa klase !" Nilingon ko naman si kelly.
"Bakit daw ?" Nagkibit balikat lang naman sya kaya pinuntahan ko naman agad.
"Uy jean ! Bakit ?"
"Kristen, pinapasabi nga pala ni sir ramos na kailangan mo daw pumasok ngayung araw sakanya, kailangan mo daw makakuha ng long test bago ka umalis" Ano long test ? Bakit ngayun lang sinabi sakin ? Pano ako makakapag longtest ng walang review ? Nasisiraan naba sya ?
"Paano yon ? Wala akong review hindi naman yon makatarungan" Haist kainis bakit ngayun pa ?
"Hindi ko rin alam, yun lang sige balik nako sa klase" Tumango lang naman ako sakanya at bumalik na sa loob ng gym.
"Oh captain bakit ganyan ang itsura mo ?" Katrin.
"Haist" Kinuwento ko naman sakanila ang ganap, at ayun nga gaya ko nagulat din sila.
"Nako cap ! Hindi ba pwedeng pakiusapan yung prof mo nayan" Ky
"Hindi ko din alam pero torture to sakin !"
"Pero meron naman tayong excuse letter diba ? At pirmado payon nang nakakataas" Fhaye, may punto sya kailangan ko syang kausapin.
"Kakausapin ko sya, fhaye ? Ikaw muna bahala dito mag simula na kayo"Tumayo nako tapos tumungo nadun sa faculty hindi to pwedeng gawin sakin ni sir.
James POV
Naihatid ko nanaman si kristen sa gym kaya naman ako pumasok na, napansin ko naman na palagi nalang wala tong si calvin, ano naman kayang inaatupag non ?
*Tink*
Tinignan ko naman kung sino yung nag text sakin, ano naman kaya ang kailangan nya.
(Are you trying to avoid me ?) Ayan nanaman sya.
Hindi ko nalang sya nireplyan diko alam kung anong gusto nyang mangyare, may usapan na kami bakit ba hindi sya makapag hintay ? Tsk.
"Hoy ? Lalim ng iniisip mo ah !" Nagulat naman ako sa tumapik sakin napalingon naman ako.
"Oy calvin ! Bat ngayun kalang pumasok ? HAHA" Inakbayan naman nya ako at sinamahan sa paglalakad.
"Kinailangan ko kaseng bantayan na muna yung bar nung mga nakaraang araw, binigyan ko kase ng bakasyon yung mga tao ko eh " Saludo rin ako dito sa lalaking to eh napagsasabay nya yung pag aaral at ang business nya kahit na ang mga kagaya namin ang dapat lang inaatupag ay ang mag aral.
"Ikaw ba kailan mo balak mag bakasyon naman para sa sarili mo ?" Masyado syang lulong sa trabaho at pag aaral buti nga tinigilan nya na yung pambabae simula ng dumating si chloe.
"Alam mo sa mga business minded na katulad ko never naiisipan ang bakasyon hahaha." Asus, papatayin yata nito ang sarili nya.
"Ah nga pala kamusta kayo ni chloe ?" Ngumiti lang naman sya.
"Okay lang naman kami katunayan nga pinakilala nya nako sa mga magulang nya" Naks naman.
"HAHA permanente naba yan ? Wala nabang ibang babae ?" Kineltukan nya naman ako aba kelan sya natuto non ?
"Qaqu karin no ! Ilang bes ko bang sasabihin sayo ? Seryoso nato !" Ah talaga lang ah ? Nakita ko namang papalapit si chloe samin at mukang nakikinig sya kanina pa sa usapan namibkaya naisipan ko syang pag tripan
"Uy chicks oh ang ganda !" Lumingon naman sya sa tinuro ko.
"HA ?! SAN ?" Paglingon nya si chloe ang nakita nya HAHA seryoso pala ah loko !
"Seryoso pala ah ! Lika dito !" Kinuha naman nya yung tenga ni calvin HAHAHA
"A-ahhh b-babe masakit !" Angal ni calvin hahahaha muka syang unggoy.
"Malandi ka !!!" Kinaladkad naman ni chloe kung san si calvin kaya naman nauna nako sa classroom namin.
*Tink*
(I think you need to meet me right now or else i will spread our pictures !) Wtf ! Pinaglalaruan nya bako ?!
"Andyan na si sir !" Sabi ni franco.
Haist ! Anong gagawin ko ? Kikitain ko ba sya ? O hahayaan ko nalang ? Ganung ka desperada naba talaga sya para makita ako ?
"Okay class ! Let's start our dicussion" Hay bahala na ! Kailangan ako ang makapagsabi kay kristen di pwedeng malaman nya lahat sa iba.
"Sir ?" Tumingin naman sakin si sir at tumango.
"Yes ? Mr.Harrison"
"May i go out ? I need to go home urgently" Tumango lang naman sya kaya kinuha ko nayung bag ko at tinungo kung yung sinabi saking lugar ni irish.
"Anong kailangan mo ?" Cold kong sinabi sakanya yon.
"Wala lang gusto lang kitang makita" Ano ? Gusto nya lang akong makita ? Tapos binalocked mail nya pako ?!
"Tsk. Ayaw kitang makita" Inalis ko naman yung tingin ko mula sakanya.
"Why so mean" Tapos ininum nya naman yung kape nya nasa isang coffee shop kami malapit lang sa uni.
"Kung ito lang ang dahilan kung bakit tinawag mo pako, napakawalang kwenta i'm just wasting my time" Inirapan nya naman ako.
"Hanggang kelan kaba magiging ganto sakin ha ?! Hindi kanaman ganito sakin dati ah !" Bakas naman sa muka nya yung inis nya.
"Hindi karin naman ganito sakin dati ah, kinukulong moko sa isang bagay na alam mong hindi ko kayang manlaban !? Binablocked moko ? "
Hindi ko alam pero mas masaya pako nung mga araw na kababata ko pa sya, hindi na kasi talaga sya yung dating kababata ko sobrang nag bago na talaga sya, hindi na kami kagaya ng dati nakakalungkot lang dahil nabulag sya ng kagustuhan nya.