Sobrang ganda ng pagkakadesenyo ng pool area dito sa likod ng mansion nila. Ngayon kasi ang birthday party ni madame at nagdadatingan na ang mga bisita.Sobrang namamangha ako sa mga tao. Lahat sila naka-gown at suit. Feeling ko napapalibutan ako ng mga artista. Pero hindi, napapalibutan pala ako ng mga mayayaman. Halata sa kilos at pananalita nila na may kaya sila sa buhay.
Matapos ko bihisan si madame ay sinabihan niya ako na magbantay lang ako mula sa malayo. Hindi ko na daw siya kailangang sundan dahil alam naman daw nnuya gamitin ang controls sa wheelchair niya. Automatic kasi yun kaya hindi siya mahihirapan e-control yun. Isang pindot niya lang, umaandar na.
Kaya ito ako ngayon at todo ngiti habang nakatingin sa paligid.
Sobrang nakaka-overwhelmed pala ang mga ganitong party ng mga mayayaman. Ito ba ang tinatawag nilang party? Masaya sila sa ganito? Paano ka mag e-enjoy kung sobrang formal naman?
Iba lang talaga ang kinalakihan ko kaya hindi ako sanay sa ganito.
"Ria?"
Lumingon ako sa tumawag sa akin. Napangiti ako lalo nung makita ko si maam na ubod lalo ng ganda dahil sa naka-make up ito at naka-cream na magandang gown siya. Parang hindi siya tumatanda.
"Maam Elizabeth? Kayo po ba yan?"
Natatawa siya at napapailing na lumapit sa akin.
"Silly, you're flattering m too much. It's just me," natatawang sabi niya.
"Nako hindi po. Talagang napakaganda niyo po kasi kayo sa ayos niyo. Nakauwi na po pala kayo, maam."
"Thank you. Kanina lang ako dumating for mama's birthday party. Umuwi muna ako saglit for this. Kamusta kana? Ok ba sayo ang trabaho mo? Hindi ka naman ba pinahihirapan ni mama? Masungit ba siya sayo?" tanong niya.
Todo iling ako. "Nako hindi po ako nahihirapan. Medyo masungit lang po minsan ang mama niyo pero kaya ko naman po ang level ng kasungitan niya. Alam kong mabait parin naman po siya eh. Mas masungit po yung anak niyo." Napatakip ako ng bibig dahil sa huling sinabi ko.
Nako lagot. Bakit ko nasabi yun?!
Totoo naman kasi na hindi ako pinapahirapan ni madame. Nagsusungit lang siya sakin pero kaya ko naman ang mga inuutos niya. Sa katunayan, magaan nga ang trabaho ko dahil halos ayaw niyang magpatulong sa akin. Lagi niya akong pinapaalis dahil kaya naman daw niya.
Pero hindi ko dapat sinabi ang tungkol sa anak niya. Nako po.
Akala ko magagalit siya pero nagulat ako nung tumawa siya sa sinabi ko.
"Nagkita na pala kayo ni Keith. Yeah, he's really grouchy at times. Pagpasensyahan mo rin ang anak ko. He probably got it from his grandma," sabay tawa niya.
"Mabuti nalang po si Kelly ay nagmana sa inyo na mommy niya. Pareho po kasi kayong masayahin at mabait."
Medyo nabawasan ang ngiti niya sa sinabi ko. May mali ba sa sinabi ko?
"Mabuti nalang nga at masayahin ang batang yun." Lumapit siya sa akin saka hinawakan ang isang kamay ko. "Thank you for making her more happy, Ria."
"P-Po? Ako po?"
Tumango siya. "Yeah. Ikaw. Kahit malayo ako sa bahay na ito. I have the access of what's going on here. Every part of this house has cameras, well except for the private rooms. Para nakikita ko parin ang pamilya ko lalo na si Kelly. I saw that these past few days, you made her so happy. I loved seeing her laughing her heart out. Mabuti at nakuha mo agad ang loob niya sa maikling panahon."
BINABASA MO ANG
Perfect Opposites (Book 1 and 2)
General FictionMarianne Joyce Galve. A woman from a province who has dreams. Her hardships in life didn't hinder her to reach for her dreams. Along the way, she fell in love with a man whom she never expected to have. Keith Edison. A man born with a silver spoo...